Chapter 18: With him

141 12 0
                                    


A/N: Before you proceed. I want to greet all of you a Merry Merry Christmas! And I hope that all of you will enjoy this night. Byee! And don't forget to smile :> love yahh ^.^

Tazanna PoV

Maaga akong nagising kahit na hindi ako pupunta sa klase dahil may training kameng dalawa ni Maxen kaya no choice ako.

Pumunta na ako sa field dahil ang sabi niya ay doon daw kame magpapractice. Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon pero wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya tsaka sayang din naman yung oppurtunity na ito kaya lubus-lubusin na lang namin.

Pagdating ko sa field ay nadatnan ko siyang nakatayo at iritable ang mukha.

"oh bakit ganyan yung mukha mo?" tanong ko.

"What? Handsome?" pang-aasar niya pero iritable pa rin yung mukha.

"Waaw! Mahabaging hangin, hindi ko alam andito ka na pala! Pakihinaan naman po yung hangin, nasobrahan eh." sarcastic kong sabi.

Sumeryoso na yung mukha niya at muling nagsalita.

"Why are you late?" seryosong tanong niya.

"Late? Anong pinagsasabi mo diyan?" sagot ko.

"I just want to inform you that you're 1 minute and 1 second late Ms. Tazanna." seryoso pa rin niyang sabi.

Wait! Teka!

Seryoso ba siya? Ehh isang minuto lang naman yun eh!

"Alam mo? Ang OA mo! Isang minuto lang yun pero kung makapag-react ka parang ilang oras kang naghintay." singhal ko.

"Correction! 1 minute and 1 sec."

"Heh! Correction mo mukha mo!" inis kong sabi at pumwesto na.

Bahala siya diyan! Aga-aga pinapa-init niya ang ulo ko.

Dahil apoy pa lang ang makakayanan ko. Pina-ulanan ko siya agad ng fireball. Ngunit sadyang mabilis siya kaya nakagawa agad siya ng yelo bilang panangga.

Nagpatuloy lang ang laban namin. Laban, depensa, iwas, tira. Pero wala pa ring nananalo sa amin.

Bubuo na sana ako ulit ng fireball kaya lang nagulat ako ng may naramdaman akong malamig na bagay sa aking leeg.

Sh*t! Andito na siya sa likod ko. At nasa leeg ko ngayon ang ice sword na ginawa niya.

"Tsk! Yan lang ba ang kaya mo? Then you're still weak." sabi niya pero ramdam ko na nag-smirk siya.

Marami na akong sugat at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Maliban sa apoy, wala na akong ibang alam.

Pumikit lang ako at kumalma. Inisip ko kung paano ako makapag-ugnay sa ibang elemento gaya na lamang ng apoy.

Nagpatuloy lang ang pagiging tahimik namin at tila ba naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Habang nakapikit. Bigla na lang nagkaroon ng kakaibang enerhiya na gustong lumabas sa kamay ko. Ramdam ko ang paglakas ng hangin na siyang dahilan ng pagsayaw ng mga puno.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayare pero ina-alala ko na baka mawawalan na naman ako ng control at yun ang kinatatakutan ko.

Hindi nagtagal ay mas lumakas ang hangin at nagulat ako ng may hangin na lumabas sa kamay ko at inatake nito si Maxen kung kaya't lumipad siya hanggang sa tumama siya sa puno.

"So-sorry! Hindi ko alam kung ano ang nangyari." pagpapa-umanhin ko habang nakikita kong tumatayo na si Maxen.

"So, the next Ability that you should learn is air huh?" sabi niya na tila hindi nasaktan.

The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now