01: FINLEY UNIVERSITY

2.4K 89 2
                                    

MAX's POV

"MAXWELL FINLEY GARCIA!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko sa sobrang inis. "Oo na! Bababa na! Wait lang ah! Baka pwede kayong maghintay!"

Dumeretso kaagad ako sa kabinet ko at kinuha ang suklay. Umupo ako sa upuan at dali-daling sinuklay ang medyo mahaba kong buhok.

Magpapa-gupit na nga ko, yung mala-dora

Napatingin nalang ako sa pinto ng may kumatok don. "Max, we need to go." Sabi ni Tito.

"Oo, wait lang magsusuklay lang ako." Mas binilisan ko pa ang pagsusuklay.

Kasalanan din naman kase nila eh. Kung sana sinabi nila na ngayon ang ang first day sa Finley University, edi sana nakapag-ayos pa ko. Hyst, at tsaka malay ko ba. Ang alam ko next month pa ang pasukan. Ang cool lang kase talaga ng school nila Tito.

Pagkatapos kong magsuklay, binitbit ko ang bagpack kong black at medyas na mahabang susuotin ko, dinala ko rin ang black shoes na binili ni Tito sa akin.

Pero mas gusto ko ng rubber shoes

"Ate nasan na sila?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay ni Tito.

"Ah ma'am nasa labas na po sila." Sagot nya.

Naka-yapak akong nagpunta sa kotse ni Tito. Hindi na ko nag-tsinelas, baka MAS ma-late pa kami eh.

"What the---Hindi ka man lang nag-slipper? Look andumi na ng kotse." Reklamo ni Augustus, ang kalendaryo kong pinsan.

"Okay lang yan, magpapa-car wash narin naman ako mamaya." Sabi naman ni Tito.

Alam mo Tito, hindi bagay sayo magkaroon ng anak na katulad ni kalendaryo...

Napansin kong tumingin sa paanan ko si Tito ganun din si kalendaryo. "Alam mo bang hindi maganda sa isang babae ang ganyang gawain?" Sabi ni Tito, di ko mapigilang di mapangiwi.

"Eh hindi naman yan babae eh." Sabi ni kalendaryo at ngumisi.

"Sabagay." Sang-ayon ni Tito, mag-Ama talaga kayo. "By the way, suotin mo na yang medyas mo." Dagdag pa ni Tito.

Habang nagme-medyas ako, sinimulan na ni Tito na mag-drive. Kailangan ba talaga mahaba ang medyas? Ang ikli na nga ng palda tapos long sleeve pa ang uniform.

Nakaka-irita!

Pagkatapos kong mai-suot ang medyas at black shoes ko. Naglagay ako ng earphone sa tenga ko---Alangan naman sa bibig diba?

Nagapatugtog ako ng 'bad guy' ni Billie Eilish. Naalala ko tuloy nun, nung sa Bilton University pa ko nag-aaral. First day palang naka-sapak na ko ng babae, hanggang sa maging daily routine ko na yun.

Nakaka-miss yun, sobra!

Naramdaman ko nalang ang pag-hinto ng kotse. Binalik ko na sa bag ko ang earphone ko at phone ko. Naunang bumaba si Tito at ang anak nyang kalendaryo, naka-sunod lang ako sakanila.

"Good morning po, Sir." Bati nung guard kay Tito.

"Good morning." Bati naman ni Tito sa guard at simpleng ngumiti.

Naglakad na kami ulit. Pumasok kami sa malaking gate na may nakalagay na 'FINLEY UNIVERSITY'

Pagpasok namin sa loob puro lalaki ang mga naka-tambay. Masyadong mahinhin ang mga istudyanteng babae dito kaya hindi sila lumalabas?

"Babae tol."

"Ang ganda."

"Ang sexy, brad."

Sexy? Seryoso ka dyan brad? Hindi ko nalang pinansin ang mga usap-usapan nila. Mga mukha kase silang tanga na akala mo ngayon lang naka-kita ng babae.

Wala ata silang mga nanay...

Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad. May nadaanan kaming cafeteria, malaki, kaya for sure madaming pagkaing tinda don.

Huminto sila Tito sa isang building na may second floor. Tumingala pa si Tito bago maglakad ulit. Umakyat kami sa second floor, tapos naglakad ulit.

Para kaming si Dora, gala ng gala

Pumasok sila Tito sa room na bandang dulo, tapos ayun, para kong si boots na sunod ng sunod. "Mauna kana Augustus."

"K." Woah, ang cold. Iniayos nya muna ang pagkaka-suot sa bagpack nya bago umalis.

Umupo si Tito sa upuan nasa gitna. Umupo naman ako sa upuang nasa gilid at nagde-kuatro. "Max." Tawag ni Tito sa akin na may halong pagbabanta.

Pilit akong ngumiti at tsaka dahang-dahang ibinaba ang paa kong nakade-kuatro. "Max, meron rules and regulations na dapat sundin ang isang Finley'ians. Alam kong hindi mo sinusunod ang mga r and r sa mga dati mong school, pero dito kailangan mong sundin." Tumayo si Tito at mga ibinigay sa akin brochure ata.

"Nandyan na din ang schedule mo at kung anong section ang papasukan mo..." Bumalik ulit sa pagkaka-upo si Tito. "Sana hindi uminit ang ulo mo sa malalaman mo."

Kumunot-noo ako. "Ah?"

"You can go now, Max."

Iniayos ko muna ang bag ko bago lumabas. Binuksan ko ang mukhang brochure na ibinigay sa akin ni Tito kanina, hindi para tignan at basahin ang rules and regulation para malaman kung anong oras ang lunch break. Para na rin malaman ko kung anong section ako.

Sinara ko na ulit yung mukhang brochure at nilagay sa loob ng bag ko. Okay na sana eh, pero ang malaking tanong. San dito ang grade 10 building?

Huminto ako sa harap ng cafeteria at nilibot-libot ang mga mata ko. Hanggang sa may nakita kong lalaking naka-tayo sa pintuan ng cafeteria. Dali-dali akong naglakad at lumapit sa lalaking yon.

"Excuse me, pero san ba dito yung grade 10 building?" Tanong ko.

Matagal bago sya nagsalita. "G-Grade 10 building?" Tumango ako.

Ang weird talaga ng mga tao dito. Seriously? Wala ba silang mga nanay? Para kase talagang ngayon lang sila nakakita ng babae eh.

"M-Malapit lang yon g-gusto mo ihatid k-kita?" Tanong nya at ngumiti.

Dahan-dahan naman akong tumango. Nauna syang maglakad sa akin. Habang naglalakad kami, tingin sya ng tingin sa akin tapos ngingiti.

Huminto kami sa isang building na may third floor. "A-Ano bang section mo?"

Teka ano nga ba?

Kinuha ko yung brochure sa bag ko. Binuklat ko yon at pinakita sakanya ang section na nakalagay dun. "S-Section 143?"

Tumingin sya sa akin. "Ituturo ko nalang sayo. H-Hindi na kase ako pwede dun eh." Sabi nya habang mukhang tarantang-taranta.

Itinuro nya saken yung room na medyo dulo pa. Ngumiti pa sya sa akin bago ako iwanan. Ano bang meron sa room nayon? May multo kaya don?

Naglakad ako papunta sa room nayon. Naka-sarado yung pinto pero sure akong may tao don, kase maingay. As in sobra.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Ng tuluyan ko ng mabuksan, at ng makapasok nako sa loob. Napahinto nalang ako at nanigas sa kinakatayuan ko.

Bakit puro lalaki?

//

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now