Kabanata 16

3.7K 141 35
                                    

Kabanata 16

Paalam

Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Kuya Arlon ng kinuha niya ako. Hindi siya nagsalita pero alam kong nagagalit siya sa nangyari sa akin. Makikita naman kasi sa mukha ko ang pagkasawi lalo pat namumugto ang mga mata ko.

Ngumiti ako ng malungkot at huminga ng malalim nang sumakay ako sa kotse. Hindi ko na inalintana ang mga tanawin sa labas, ang tanging nararamdaman ko ay pagod at antok. Gusto kong matulog at magpahinga. Ayoko nang isipin pa ang nangyari kanina, nadudurog ng paulit-ulit ang puso ko sa tuwing naaalala ang eksena. Kung hindi ko napigilan ang sarili, baka nasa morgue na ang bangkay ng babaeng iyon.

I really want to kill her and put the law in my hands. Pero wala naman akong karapatan kasi nobya lang naman ako at hindi pa asawa. Isa lang naman akong nobya na niloko at pinagpalit sa sarap na dala ng ibang babae. Isa lang akong inuuwian kapag napapagod siya sa babaeng kalantari niya. Masakit isipin sapagkat nakilala ko siya bilang tapat at maginoong lalaki. Nakilala ko siya bilang isang respetadong lalaki.

Tama nga sila, walang matigas na lalaki sa babaeng handang magpatuka. Palaging pipiliin ng lalaki ang sarap at kakalimutan ang babaeng nanatili sa kanila kahit pa nasa madilim sila ng kabanata ng buhay nila. Boys will always be boys. Weak for seduction. Weak for flirtious girl. Kaya ngayon, malaking katanungan sa akin kung bakit nagagawa ng lalaki na kalimutan ang pagmamahal nila sa isang babae sa tuwing sumasabak sila sa ibang babae?

Those question haunt me even when I got home. Huminga ako ng malalim ng tumapat na kami sa bahay, hindi ako tinitignan ni kuya Arlon. Dala ang isang bag at trophy maging ang medal, bumaba ako mula sa kotse at ngumiti ng malungkot ng makita ang bahay namin. Ito yung iniwan ko para sa lalaki. Ito yung pamilyang iniwan ko para sa lalaking lolokohin lang pala ako. Sana nasa unahan nalang ang pagsisisi. Sana naniwala nalang ako kay daddy. Sana pinili ko nalang siya kaysa sa ibang lalaki.

Napahinga nalang ako at binuksan na ang gate. Pumasok ako ng dahan-dahan at naglakad papunta sa pintuan namin. Kahit kitang-kita sa mukha ko ang kabiguan, pilit ko paring pinapasigla ang pananaw ko. I opened the door slowly, pumasok ako at sinarado ulit. Nang humarap ako, natigilan ako ng makita ang lalaking nakatayo di kalayuan sa akin at may pag-aalala sa mata. Nakatayo ang lalaking walang ibang inisip kung 'di ang kapakanan ko. My eyes rankled as I looking at him tearing eyes.

Hindi ko napigilan kaya tumakbo na ako sa kanya at yinakap siya ng buong higpit. My tears flowed down fastly. Naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa likod ko at hinahaplos ako.

"Shhhh it's okay hija. Lilipas din yan shhhh." He said gently.

Ngumiti ako ng malungkot. Humiwalay ako sa yakap at tumingin sa kanya na punong-puno ng luha ang mata. I still managed to smile sadly. Pinakita ko sa kanya ang medal at trophy.

"N-nanalo ako d-dad. I did it w-well." Utal-utal kong sabi.

Namula ang mata niya at ngumiti ng malungkot. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa mukha ko at pinapahid ang mga luha sa pisnge ko. Napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Gusto ko nalang na matulog at magpahinga ngayon. Gusto ko nalang magising na wala na siya at magbabagong buhay nalang ako. Gusto kong mawala sa alaala ko sa masasayang pagsasama namin. Gusto kong magpahinga. Pagod na pagod na ako.

"Hinayaan kitang umalis dito ng may ngiti sa labi pero hindi ko inaasahang babalik ka ng luhaan anak." He said sadly.

Ngumiti ako ng malungkot at tumango sa kanya kahit lumuluha pa ang mata ko. My father is my everything. Kahit sa pagkakamali ko, tatanggapin niya ako. Kahit sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, tatanggapin niya ako. Tama nga sila, pamilya mo lang ang tatanggap sayo sa oras na masawi ka at maiwanan ka. Sila lang at wala nang iba.

Costiño Series 4: Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon