Kabanata 13

2.7K 96 10
                                    

Kabanata 13

Maniniwala

Months passed fastly. Days passed fastly and time passes fastly. Sa bawat andar ng oras ay panibagong araw ang dapat harapin. Sa bawat pagsinag ng araw, panibagong hamon sa buhay at sa bawat ngiting nalalagas ay panibagong taon ang unti-unting lumalaho. At sa bawat pagkakataon na binibigay ay panibagong sakit at pangungulila ang nararamdaman. Sa bawat araw na dumaan, panibagong panghihinayang ang nararamdaman. At sa panibagong araw, unti-unti ko nang nararamdaman ang unti-unti niyang paglayo sa akin.

It has been three months since we've become living in a one roof. It has been three months since I become eighteen years old and it has been three months since I felt him become cold each day passes. Hindi ko alam at kung ano ang dahilan pero bakit nararamdaman ko na ang pangamba at takot sa puso ko? Bakit parang nararamdaman ko na ang unti-unti niyang paglayo sa akin? Nung unang buwan naging maayos pa ang pagsasama namin, naging masaya kami at mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal niya.

Pero nung lumipas ang unang buwan nararamdaman ko na ang pagiging malamig niya. Hindi ko mawari kung paano nagsimula pero isa lang ang tumatakbo sa isipan ko…it might be my absence because I was really busy with my study first month. Oo, sobra akong na-busy at napapabayaan ko na ang relasyon namin lalo pat naging busy ako sa mga major subjects ko. Pero umuuwi naman ako kasama siya, sabay kaming kumakain at sabay din kaming pumapasok sa school. Hindi ko siya nakalimutan at palagi kong inaalala ang pagiging malambing niya sa akin.

Pero bakit ngayon unti-unti na siyang lumalayo sa akin? Bakit ngayon…nararamdaman ko nang may ibang kumukuha ng atensyon niya? Bakit parang may iba ng nagpapasaya sa kanya? Ako lang ba ang nakakaramdam nito at sadyang nagiging balisa ako sa bawat pag i-ignora niya sa akin. I can feel it and he is not lying. Kung ano ang pinapakita niya, alam kong may ibig sabihin iyon. At natatakot akong malaman ang katotohanan.

Pinikit ko ang mata ng lumandas ang luha doon. Ngayong araw ay nagyayaya akong lumabas kami dahil sabado ngayon pero tinanggihan niya ako at may kailangan daw siyang puntahan. Nanginginig ang tuhod ko habang pinagmamasdan siyang palabas ng bahay na mabango at pormado. What is happening? What is happening to him?

Umiling ako at ngumiti ng malungkot, hindi. Hindi ako maniniwala sa instinct ko, tapat yan e. Hindi ako lolokohin nyan e. At hindi ako sasaktan nyan e. Pumatak muli ang luha ko at huminga ng malalim. Sige, sabihin nating nawalan ako ng oras at panahon sa kanya. Hindi ko siya nabigyan ng maraming oras dahil kabi-kabilaan ang mga ginagawa ko sa school. Sige, aaminin kong nauubos ang oras ko sa school paper and homework pero kahit kailan hindi ko siya nakalimutan. Umuuwi ako sa bahay habang tulog siya sa kama namin, tumatabi ako at yinayakap siya.

Palagi akong humihingi ng patawad sa kanya sa mga malalalim na gabing tulog na siya. At palagi ko siyang hinahagkan dahil nangungulila ako sa labi niya. Nagsimula siyang magbago noong ikalawang buwan sa taong ito. Malamig kung makitungo at hindi ko na nararamdaman ang tunay niyang presensya sa bahay. Sa gabi, hindi ko siya napagbibigyan kapag naglalambing siya dahil pagod ako at ubos na ubos ang lakas ko sa research paper namin at entrepreneurship. Kaya ngayon, iniiwan na niya lang ako sa ere.

Gusto kong bumawi ngayon sa mga araw na pagkukulang ko. Gusto kong ibalik yung dating sigla ng relasyon namin. Gusto ko siyang yakapin buong araw at sabihing mahal na mahal ko siya. Gusto ko siyang kausapin at sabihing nami-miss ko na siya. Pero bakit parang ako naman ngayon ang naiiwan? Bakit parang siya naman ngayon ang nawawalan ng oras sa akin?

Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim. Pinikit ko ang mata at ngumiti ng pilit. Hindi, wag kang mag-iisip ng kung ano-ano at isipin mo nalang na baka may problema sa bahay nila. Dalawang buwan na siyang ganito at sobra na akong nai-stressed sa kanya. Sobra na akong nafru-frustate sa kanya. At sobra ko na siyang nami-miss. At sumapit ang gabing hindi siya umuwi na labis kong kinabahala at kinalungkot. Tumayo ako mula sa kama namin at pilit tinatawagan ang numero niya. Alas nuwebe na ng gabi at nababahala ako sa kanya. I call his phone many times and he didn't answer. Pumikit ako sa sobrang pag-aalala at huling tinawagan ang kaibigan ko.

Costiño Series 4: Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now