Kabanata 8

2.9K 113 6
                                    

Kabanata 8

Galit

After what happened in the hill, I decided to go home and prepare myself for my senior high. Yes, ilang araw nalang at magiging senior na ako at gusto kong matapos iyon ng maayos.

At sa muling pagkikita namin ni Gavino, hindi ko maisatinig ang nasa puso ko lalo pat punong-puno ng pagtataka ang damdamin ko. Nandito na pala siya, kailan pa? Kailan siya umuwi? Bakit hindi ko manlang nalaman? Pati din ba ang kambal niya ay nandito rin? Tapos na ba sila sa senior high nila sa ibang bansa? Akala ko ba doon sila mag co-college? Nagba-bakasyon lang ata tapos babalik na naman pagkatapos ng bakasyon nila.

Paano ang girlfriend niya doon? Kasama niya bang umuwi dito? At teka bakit nga pala siya nasa tagpuan namin at tinawag pa ako sa endearment niyang ginamit sa iba't-ibang babae. Ang daming pumapasok na katanungan sa isip ko pero ni-isa hindi ko maitanong lalo pat hindi ko siya kayang makaharap ngayon. Hindi ko man aminin, apektado parin ako sa nangyari sa amin. May nangyari nga ba sa amin? Wala naman akong natatandaan na may nangyari sa aming dalawa lalo pat hindi naman siya nagsasabi noon. Siguro ko flings lang kami!

Tama hanggang landian lang siguro ang nangyari sa amin noon. Siguro ang tingin niya sa akin noon ay isang kalandian lang tapos nang ma-realized niyang wala naman pala akong kwenta kaya naghanap ng iba sa States. Wala akong ibang maisip kung 'di iyon dahil kung mayroon mang namagitan sa amin siguro naman hindi siya mangbabae sa ibang bansa. Hindi ko makikita ang mga picture niya sa social media na nagkalat at klarong klaro sa mata ko. Mapaglarong lalaki ba talaga siya? Hindi ba siya nakukuntento sa isang babae?

Shit hindi ko na dapat binabalikan ang mga nakaraan lalo pat wala naman iyong maitutulong sa pag-aaral ko. It will not help me and my studies so I shouldn't condoned it. Ang mga walang kwentang bagay ay dapat Kinakalimutan at hinahayaan na mabura sa isip ko. Kahit pa anong gawin ko, hindi na maibabalik ng lalaking iyon ang nasirang tiwala ko. Hindi na niya maibabalik ang tiwala ko lalo pat ilang ulit ko nang nakita ang pagiging babaero niya. Maybe it's time for me to condoned and start a new life. Yung ibang lalaki naman ang iisipin ko at hindi siya.

Pero hindi na ako tiyak kung mararamdaman ko ulit iyong naramdaman ko sa kanya nung panahon mahal ko siya. Siguro iiwas nalang muna ako sa lalaki at bibigyang pansin ang pag-aaral ko.

Iyon ang huling konklusyon ko kaya naging mailap ulit ako sa lalaki…lalong lalo na sa kanya. Hindi na ako nagkaroon ng oras para makipag lampungan sa mga lalaki dahil palagi kong iniisip na pare-pareho lang silang lahat. Pagkatapos makuha ang babae, iiwan at maghahanap ng iba.

Ito ang labis kong pinagtataka, bakit kaya nakukuha pang maghanap ng ibang babae ang mga lalaki gayong may mahal sila at nakatali sa isang babae. Bakit pa kaya kailangan nilang manakit? Bakit kaya kailangan pa nilang mangwasak ng ibang puso? If they love that person, they should stay and remain loyal. They should love that person holistically. Kasi kung hindi mo naman mahal, bakit mo pa ginambala? Bakit mo pa ginulo ang buhay? Kung alam mo sa sarili mo na hindi magtatagal ang pagtingin mo sa kanya, bakit mo pa pinakilig at binigyan ng motibo? Bakit mo pa pinaasa na hanggang dulo kayo? Diba, ang gulo-gulo ng mga lalaki kaya palagi ko nalang nilalagay sa isipan ko na ang hanap lang nila ay sarap. Ayaw nilang matali at higit sa lahat ang kanilang pagmamahal ay mababaw lang.

Kaya advised ko sa sarili ko at sa mga babae na umiibig at umiiyak, wag mo nang mahulog sa bitag ng lalaki. Kilalaning mabuti at alamin kung tunay nga ba ang pagmamahal niya. Wag mo nang pumasok sa isang relasyon kung alam niyong delikado at masasaktan ka sa huli. Kasi walang maiiwan sayo sa oras na magmahal ka at ibigay mo lahat, ikaw lang ang tanging aahon sayo sa kalugmukan at tutulong sa bawat dagok ng buhay. Kaya naman bago magmahal at maging marupok, isipin niyong mabuti ang kalalabasan nito at tignan kung magiging masaya ka ba sa huli.

Costiño Series 4: Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora