Kabanata 14

3K 111 22
                                    

Kabanata 14

Video

Gumising muli ako na tahimik ang buong bahay. Walang bakas ng nobyo ko. Walang bakas ng pinakamamahal ko. Tumayo ako mula sa kama at inisip nalang na baka nasa bahay nila siya. Baka doon natulog dahil sa sobrang busy. Nagluto nalang ako ng pagkain at kumain mag-isa. Hindi ko na inalintana ang nakakabinging tahimik na kapaligiran.

Pagkatapos kong kumain, pumasok muli ako sa kwarto at naligo. Nag-ayos ako pagkatapos umalis na ako ng bahay. Hindi ko na tinignan ang cellphone kung may text niya ba o wala, nasanay na akong hindi na siya nagti-text sa akin. Naglakad ako papuntang school at pumasok ng tahimik. Hindi ko na pinansin ang mga kapwa ko istudyante dahil ayoko ng ingay at gusto ko lang matapos itong araw ng maayos.

Umupo ako sa upuan ko at hinintay muli si Estrecia. Hindi ko na talaga siya nakikita, hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya, wala akong balita. Nakita kong pumasok si Chandra kasama ang mga kaibigan niya, sa akin agad tumuon ang mata niya at ngumisi. Huminga nalang ako at pinabayaan nalang siya. Umupo siya sa harapan ko at naririnig ko pa ang mumunting tawa niya. I sighed heavily.

"Hmm gurl kumusta na yung boyfriend mong masarap? Bakit hindi ko na nakikitang hinahatid ka dito? Lumihis na ba sa iba?" Mapaglarong ngisi ang pinakita niya.

Pagod akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot sapagkat ako din ay hindi na inuwian ng nobyo ko. I smiled sadly.

"Siguro." Maikli kong sabi.

Ngumisi siya at kumindat pa. Naiirita ako sa mukha niya, para bang sinasabi nung nanalo siya at may nakuha siya mula sa akin. Para bang pinapahiwatig niyang nakuha niya ang pinakamahalaga sa akin. Hindi ko alam kung makikipag bangayan pa ba ako sa kanya, all I want to is to have a peace day.

"Hindi sigurado, dapat siguradong sigurado haha." Halakhak niya.

Huminga nalang ako at hindi na siya pinansin. At katulad nga ngayon, naaamoy ko na naman ang pabango niya sa leeg ni Gavino. Parehong pareho at mahirap itanggi. Sumasakit lalo ang ulo at puso ko kapag naaamoy ko yun. Hindi pa din dumating ang teacher namin kaya nag-usap na naman sila Chandra kasama ang kaibigan niya.

"So kumusta na kayo ng lalaki mo? May nangyari na naman ba kagabi?" Tanong ng alagad niya.

Chandra smirked contentedly.

"Wala. He just want a cuddle. May naalala siyang kakaibang gatas daw kaya na-guilty." She said loudly.

Napabaling ako sa kanya at tinignan siya ng mariin. Kuyom na kuyom ang kamay ko ay anumang oras kayang magpadugo ng ilong. Nagngingitngit ang bagang ko sa galit. Isang tao lang ang may alam nyan at hindi ako pwedeng magkamali ngayon. Putang ina bakit unti-unti nang nangyayari ang kinaaayawan ko? Bakit humahagupit na ang hamon sa akin?

Pinigilan ko ang sarili na sabunutan ang buhok niya at i-ngudngod siya sa sahig. Wag lang talaga silang magpapakita sa akin. Wasak na ang wasak pero hindi ko sila matatanggap. Tinitiis ko pa ngayon kasi naniniwala pa rin ako sa pagiging loyal niya. Pero kakayanin ko pa ba? Kakapit parin ba sa sinabi niya?

"Talaga? Well sa tingin ko naman ay masarap din yang kayakap."

"Yes, indeed. Sobrang sarap na animo'y gusto ko nalang makipag lampungan sa kanya buong araw at gabi. Mabuti nga't sa akin natulog kagabi, akalain mo wala naman pala siyang mapapala sa girlfriend niyang ka-live in." Chandra said happily.

Lumunok ako at pinipigilan parin ang sarili. Hangga't kaya ko pa, pipigilan ko kasi sa oras na sumabog ako at maubos na talaga ang lahat sa akin, isusumpa ko sa impyerno ang kaluluwa nila. Magkadugo man ang palad ko, ilagay ko man sa kamay ko ang batas sisiguraduhin kong mawawala sila sa mundo.

Costiño Series 4: Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now