Kabanata 15

3.7K 140 46
                                    

Kabanata 15

Pinakamamahal

Hindi na ako nakapag paalam ng maayos kay Ma'am Estojero dahil sa pagmamadaling umuwi. Sa school agad kami dinala ng service ng paaralan ngunit umalis agad ako ng makarating sa school namin. Kinakabahan at nanginginig ako sa galit at takot lalo pat malinaw na malinaw sa video na hindi iyon edited at isang orihinal na kuha sa ginagawa nila. Nagkukumahog akong naglalakad pauwi sa bahay namin, bitbit ang trophy at medalyang nakuha mula sa patimpalak hindi ko inalintana ang mga taong nakatingin sa akin.

Nagmamadali akong naglakad pauwi na sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan na magngingitngit sa galit at pagkamuhi sa kanya. Sa kanilang dalawa. Kaya ba naging mailap siya sa akin dahil sa panibagong kaligayahan na nagbibigay sa kanya? Kaya ba lumalayo na siya sa akin dahil sa nasisiyahan na siya sa ginagawa nila. Kailan pa? Kailan pa siya hindi naging tapat sa akin? At kailan niya pa nagawa sa akin ito?

Kaya nang makarating ako sa tapat ng bahay, tahip-tahip na ng kaba ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang tahimik na bahay. Sirado ang bintana maging ang pinto kaya naglakad pa ako palapit sa pintuan at nanginginig na hinawakan ang doorknob. I opened the door slowly, at bumungad sa akin ang ingay mula sa kwarto namin. Kumuyom ang kamay ko habang dumilim ang paningin ko. Ang ingay ay naging ungol na mas lalo kong kinasabik na pumatay. Hindi ko na sinarado pa ang pinto at nagmamadali akong lumapit sa pinto ng kwarto namin.

Rinig na rinig ko ang ungol ng babae na sobrang nasasarapan sa ginagawa nila sa loob. Tumingala ako para pigilan na umiyak ngunit hindi ko magawa. Punong-puno ng sama at pagkamuhi ang nararamdaman ko kasi pinagtaksilan ako. Pakiramdam ko bumagsak ako sa impyernong sobrang init. Gusto kong manakit at ibigay lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kaya kahit pa punong-puno ng luha ang mata ko, nilakasan ko ang loob at binuksan ang pinto ng kwarto namin.

Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang lahat. Bumungad sa akin ang labis na gumuho sa mundo ko. Bumungad sa akin ang pinakamamahal kong lalaki na nakatingala at sarap na sarap sa binibigay na kaligayahan ni Chandra. Umiyak ako sa harapan nila habang hindi pa nila ako nakikita. Hindi ko na nakayanan ng makitang bumilis ang pagpasok ng pagkalalaki niya sa bibig ni Chandra. Halos matumba ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Halos ikatumba ng buhay ko ng makita silang harap-harapan na ginagawa ito.

Tumulo ang luha ko sabay sa paglingon sa akin ni Gavino. Napabalikwas siya ng makita ako sa harapan nila, sa gitna ng ginagawa nilang kabalbalan at sa sarili pa naming higaan. Dali-dali niyang sinuot ang boxer niya at nagkukumahog na lumapit sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang trophy na hawak ko at tinutok sa kanya. Napahinto siya at nataranta ng makita ang walang emosyon kong mukha. Tanging luha lang ang makikita sa akin.

"B-baby look fuck do not think about this. H-hey shit b-baby I will explain." He said pleadingly.

Tinignan ko ang babaeng nasa likod niya at nakangisi pa sa akin. Tinignan ko ang babaeng tuwang-tuwa sa ginawa nila. Natigilan siya ng makita ang nakamamatay kong titig. Hindi muna ako nagsalita at pinagmasdan silang dalawa. Huminga ako ng malalim at pinahid ang huling luha sa mata ko.

I look at him coldly, emotionless, worthless and disgustedly. Ang lalaking hinahangaan ko nauwi sa isang lalaking hayok na hayok sa kaligayahan. Ang lalaking tiningala ko dahil sa sobrang taas, bumagsak sa lupa at naging baliw sa kaligayahan. Ang lalaking inakala kong perpekto, isang malaking kalokohan lang pala. Kasi kung sino pa ang seryoso yun pa ang nanakit. Kung sino pa ang akala mo magiging perpekto, yun pa ang kasarinlan mo.

"Kailan pa?" Malamig kong tanong.

Nanginginig siya at nataranta. Gustong gustong lumapit sa akin at pawiin ang pagkasuklam ko sa kanila. Tinignan ko siya na parang wala akong ibang makita kung 'di ang lalaking nagtaksil sa akin.

Costiño Series 4: Tagpuan (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now