"Gusto ko pang mabuhay mga gago kayo!" Sigaw-sigaw ko dahil masyado nang bumibilis ang patakbo.

Nauna ang motor ni Kobe at dahil ayaw patalo ni Baste, mas binilisan niya pa hanggang sa hindi ko na makita mga kaibigan namin. Malakas ang hampas ng hangin dahil sa bilis ng patakbo ni Baste, mabuti na lang talaga at naka-helmet ako. Sinubukan kong lingunin ang likod pero tanging dilim lang ang nakikita ko at walang bakas ng mga kaibigan namin.

Hinampas ko si Baste at sinabing bagalan pero hindi siya nakikinig. Nang maabutan muli kami nila Denzel at Kobe ay mas lalo akong nawindang sa patakbo nila. Ang bilis tuloy naming nakarating sa Dasma kung nasaan ang bahay nila Audrey.

"Gusto ko talagang sumama kaso ayaw nila Mommy." Naiiyak nang wika ni Audrey.

Nasa rotunda kami nila at hindi na pumasok dahil madilim na at kailangang magmadali. Ngumuso ako at nanghinayang dahil hindi namin makakasama si Audrey.

"Padalhan ka na lang namin ng pictures," Si Denzel at niyakap si Audrey na nalulungkot.

"Sayang. I heard naroon din daw ang basketball team ninyo, Baste."

Ngumiwi ako nang matanto na si Felix lang pala habol nito doon. Nakita iyon ni Audrey at nakiusap na balitaan ko siya sa ginagawa ni Felix. I told her na update ko siya kapag nakita ko. Pero mukhang imposible na makita ko 'yon. Nagpaalam kami kay Audrey at kumaway sa Kuya niya na nanonood sa amin sa hamba ng pintuan nila.

Pinili naming dumaan sa Tagaytay para mabilis ang maging biyahe. Hindi katulad kanina ay normal lang ang patakbo ngayon nila sa kanilang mga motor. Tinanggal ko muna ang helmet ko at dinama ang simoy ng hangin sa gabing ito. Humawak ako sa likuran ng motor at binalingan ang nagki-kinangang ilaw ng Tagaytay. Iba't ibang kulay na nagsasama-sama sa isang madilim na gabing ito. Tagaytay City Lights is beautiful. Ngumiti ako at binusog ang mga mata sa nakikita.

The thought of my failing grade a while ago subsided when I felt this kind of rendezvous. Nakakagaan sa pakiramdam na makita ang mundo kapag masyado ka ng nasasakal sa sariling naiisip. When you can't control your thoughts anymore, go out and breathe. Life is too short to stressed things out... kaya naman madalas tinatakasan ko ang problema- at kinabukasan, haharapin ko na naman. Well, at least, I had fun for a while.

Mas binilisan ni Baste ang patakbo ng sasakyan kaya hindi ko na napigilang sumigaw. Sumabay sa amin sina Denzel at Kobe. Nginitian ko sina Sabrina, Lallain at Apple. Tinaas namin ang mga kamay namin at sabay-sabay kaming humiyaw bago muling sinuot ang helmet dahil may natanaw kaming mga pulis.

May lisensiya naman sina Baste kaya nakalagpas kami. Nang malapit na kami sa MOA ay doon nagsimulang mag-usbungan ang ingay, ang kaninang tahimik na lugar ay gumulo. Bumaba agad ako at hinila ang babaeng mga kaibigan sa kumpulan ng mga tao.

Nagtatalon ako, nakikanta, nakisigaw at nakisayaw. The crowd is much hyped when a famous band stepped in the stage. May tinanong siya na sabay-sabay kaming sumigaw ng 'yes!' Inakbayan ko si Baste at sumayaw na parang nasa club lang. Hindi pa kami nakaka-inom pero ganito na agad ang tama ko.

"No kissing, Gil." Bulong niya kaya inirapan ko siya.

"You wish, Sebastian." I said and turned around and started jumping again.

Inakbayan ko si Sabrina at Apple bago kami sabay-sabay na nagtatalon. Malanding nag-twerk si Denzel na pinatulan naman ni Apple kaya mas lalong umingay sa banda namin. Inabutan ako ni Baste ng isang bote ng alak na agad kong tinungga. Hinawakan ni Sabrina ang braso ko at nginuso na mag-cheers muna kami.

"This is so fun!" Sigaw nila Lallaina at nakisabay sa mga taong iba-iba ang way ng pag-inom.

Ang katabi namin ay parang gripo na ininom ang San Mig habang 'yong isa, itinapat sa gitna niya bago lumuhod ang babae at sinalo ang iniinom. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at nagpasya na makisali sa kanila.

Wild Series #1: The Wildest PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon