Chapter 31

257 29 1
                                    



"Vien and Kenjie's Simple Date."







Humikab pa si Vien at nagkusot ng mata tinignan ang oras sa bedside table niya mga seven hours siyang tulog ala sais na ng hapon ng magising siya kinuha niya ang kanyang cellphone tinignan ang nagmessage.

From: Vien
Can I court you, Vien? Hey, It's okay with me no matter what  your decision is maghihintay ako kahit ilang araw at taon pa ang lumipas basta hayaan mo lang akong ipakita sayo ang nararamdaman ko. 

Hindi niya alam kung anong irereply kaya napagpasyahan niyang magluto muna ng dinner niya. Kumuha siya ng bacon sa ref at kinuha ang kimchi na paborito niya.


'Ito na yung sagot sa mga tanong ko.'

'Anong gagawin ko? Shit naguguluhan ako'


Naghanda muna siya sa hapag ng plato. At isang warm water. Nang matapos ang niluluto niya kinuha ang cellphone niya at tinext si Leigh.


To: Leigh
Liligawan niya na ko!!! Shit. I don't know what to answer help me!

From: Leigh
Oks yan gurl gosssh! Magkakaboyfriend ka narin HAHAHAHA go lang gurl push!!


Hindi niya na nireplyan si Leigh at pumunta naman siya sa text nila ni Kenjie at tinignan ang huling message nito.

From: Kenjie
No need to rush. I'm willing to wait.

To: Kenjie
Let's keep it a secret. Please?

Nagulat siya nang biglang nagvibrate ang phone niya dahil sa tawag.

"If it's okay to you?"

[Okay lang sakin. Kumain kana?]

"Kausap pa kita paano ko makakain."

[Sige na take your time. Hahaha!]

Binaba na ni Kenjie ang tawag at kumain na si Vien ng niluto niyang pagkain. Pagkatapos noon ay tumayo muna siya naglakad-lakad para madigest ang kinain niya.


Pumunta siya ng closet niya at nagpalit ng jogging pants at nagsuot ng jacket. Nagdala narin siya ng payong. Lalabas na siya ng magtext sakanya si Kenjie.

From: Kenjie
Andito ko sa labas ng dorm mo.

To: Kenjie
Hala wait teka!

Lumabas na siya at nandoon nga sa tapat ng pintuan niya si Kenjie.

"What are you doing here?" Vien asked.

"Wala chineck lang kita kung okay lang." -Kenjie.

"I-I'm fine." nagstutter pa na sabi niya. Mago-grocery sana siya kaya lang nandito pa sa harapan niya hinatak niya na lang si Kenjie at sumakay na ng elevator.

"Saan tayo pupunta?" - takhang tanong nito.

"Grocery. I don't have stock on my ref." sagot nito. Nang makarating siya sa grocery store ay hinatak na niya ang cart at nagsimulang namili.

Si Kenjie ang taga hila ng cart nasalikuran niya lang ang binata nakasunod lang sakanya kumuha siya ng mga de lata at ng iba pang pagkain na gusto niya ng matapos iyon pumasok sila sa isang fast food chain. May nakakilala sakanya at nakipagusap naman saglit sakanya si Kenjie.



"Girlfriend mo?" tanong nito sabay tingin kay Vien.

 

"Ah, nililigawan ko." ngumiti kay Kenjie ang lalaki na may halong pangaasar.

The Four Mysterious QueensWhere stories live. Discover now