Chapter 22

299 29 4
                                    


"Trapped with You."






Narrator's Point of View


Nagusap-usap ang anim na magkakaibigan sina Leigh, Khaiza, Victon, Ashiana, Jio at Xion. 


"Naalala niyo ba yung pinagusapan natin?" tanong ni Xion. 

"Oh yeah!" natatawang sagot ni Leigh. Nagsimula na silang magplano tinext ni Khaiza si Vien at pinapunta ito sa meeting place nila sa student office minessage na ni Khaiza si Vien. 


From: Khaiza
Vien. I need help magkita tayo dito sa Student's Office. Please! 

At ito naman ang message ni Victon kay Kenjie. 


From: Victon pogi
Dre. Student's Office ngayon na may nakita nakong info sa gang. 

Nilapag na nila ang kanilang mga cellphone. Inantay ang sagot ng dalawa. 


To: Vien
Okay.

(Vien's answered in Khaiza's phone) 

To: Kenjie
Sige, dre.

(Kenjie's answered in Victon's phone.)

"Nandoon na siguro sila." nakangiting sabi ni Leigh. 

Pumasok na ang dalawa sa loob tahimik si Vien habang hinahantay si Khaiza maya- maya lang may nagbukas ng pintuan. Si Kenjie.


Nagulat siya ng makita niyang si Vien ang nasa loob nito naka black leather jacket ang binata habang may itim na tshirt itong panloob. 



"Anong ginagawa mo dito?" takhang tanong ni Vien. 

"Pinapunta ako ni Victon. Ikaw bat ka nandito?" - Kenjie. At umupo siya sa pwesto niya kung saan nandoon ang mga gamit niya.

"Si Khaiza may pagmemeetingan kaming dalawa." - Vien. 


Mga ilang minuto silang nanahimik ayaw sagutin ni Khaiza ang mga tawag ni Vien out of reach ito at wala na silang nagawa dahil nilock sila ng maintenance eksaktong pagkausap ni Kenjie kay Vien ay inilock ng maintenance ang door knob. Ewan ko lang kung narinig ng dalawa o hindi. 

'Hay! Ano ng gagawin ko?! MGA WALA TALAGANG MAGAWANG MATINO TONG TATLONG ITO! HUMANDA LANG TALAGA SILA SAKIN! ANO NA NAMAN KAYANG BINABALAK NILA?!' inis na sabi ni vien sa isip niya lamang. 

"Ang tagal naman ni Victon." inip na sabi ni Kenjie. 

"Plinano nila ito!" —Vien. 

"Tsk." —Kenjie. 

"Si Kaiden. Nasa Dark Bader Gang ang kanang-kamay ni Blake. Anong relasyon niyong dalawa?" pagoopen niya ng topic kay Vien. 

"Bakit naman diyan napunta ang usapan." sagot ng dalaga. 

"Anong relasyon niyong dalawa?" - ulit na tanong ni Kenjie. 

"We're close friend ang family ko at ang family ni Kaiden ay magkasundo at pinagkasunduan nilang ikasal kami pero in short hindi yon natuloy dahil mga bata kami at wala pa kami sa tamang edad para pumayag sa mga ganon bagay at kaibigan lang ang turing ko talaga kay Kaiden." sagot ng dalaga. 

"Pumunta siya sa school natin di ba?" tanong ni Kenjie. 

"Eh ano naman kung pumunta siya. Kenjie mind your own business. Okay?" —Vien. 

"Ayoko lang naman kasi ng may ibang lumalapit sayo na lalaki. Ang gusto ko ako lang." - tinitigan niya ang dalaga. 

Natahimik ang dalaga 'Kailan ba kasi siya lulubayan ng lalaking to.'

Pumunta siyang pintuan at kinalabog ito pinagsisipa niya ito gamit ang mga lakas niya pero hindi parin ito nabuksan. 

"Kahit anong gawin mo diyan. Hindi nila tayo maririnig. Nilock nila tayo." —Kenjie. 

"Alam ko. Tinatry ko lang baka mabuksan ko." umupo ang dalaga sa sahig. 

Itetext na sana niya si Khaiza kaya lang ay walang signal sa loob ng student's office umupo din sa tabi niya si Kenjie. Hindi mapakali ang dalaga sa lamig kaya naman ang ginawa ni kenjie ay isinuot niya ang leather jacket niya kay Vien.

"Isuot mo lang yan mukhang nilalamig kana." saad ng binata sa dalaga biglang hinawakan ni Kenjie ang kamay ng dalaga at pinagsaklop niya ito. 

"Anong ginagawa mo?" —Vien. 

"Hinahawakan ang kamay mo." —Kenjie. 

"Tanggalin mo iyan." —Vien. 

"Ayoko." parang batang sabi nito kay Vien. 

"Isa." —Vien. 

"Vien puwede ba kahit ngayon lang pwede bang huwag mong isipin ang tingin ng ibang tao satin. Sundin mo iyang nararamdaman mo kahit ngayon lang huwag mo muna pakinggan ang sinasabi ng utak mo kahit ngayon lang. Vien, please." saad ni Kenjie kay Vien. 

Nanahimik ang dalaga sa sinabi ni Kenjie. Nakatingin lang sila ng diretso doon sa wall. 

"Kaya mo naman palang sumunod sakin. Pero bakit yung pinakaimportanteng utos ko di mo nasunod ayon ang mahalin mo lang ako pabalik. Bakit ang hirap noon para sayo?" malungkot na sabi ng binata. 

"Dahil hindi ko kayang gawin iyon, Kenjie. Kung ginawa ko man, e'di sana magkasama parin tayo kilala nga natin ang isa't isa pero kaya ba natin to? I mean yung mga ganitong problema ngayon ang kalaban ang grupo nila Kaiden. Ano sa tingin mo ang pwede nilang makuha laban sayo." sabi ni Vien sakanya.

"You. Vien, lahat gagawin ko kaya nga kita iniingatan para hindi ka nila makukuha sakin kailangan kitang protektahan laban sa mga yon." - Kenjie.

"Kaya ko na ang sarili ko." - Vien. 

"Hindi sa lahat kailangan mo lagi ang sarili mo. Pwede ka ring humingi ng tulong sa iba." - Kenjie. 

'Hindi talaga ko matatalo sa lalaking to' sa isip na sabi ni Vien ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaang makaidlip kahit saglit lang. 

"Tignan mo to. Hindi na sumagot sakin." tinignan niya ang dalaga, nakapikit na ang mga mata nito at ang himbing ng tulog, tinignan niya sakanyang orasan kung anong oras na. Alas otso na ng gabi kaya pala ganun nalang kung manahimik ang dalaga dahil sa antok. 

Kenjie smiled ang cute ni Vien kapag natutulog. Iginaya niya ang ulo ng dalaga sakanyang balikat para umayos ang puwesto nito ganon din ang ginawa niya hindi niya na napigilang antukin kasama ang dalaga. 


[CCTV ROOM]

At dahil nga sa kagagawan ng anim ay nakarecord pala lahat ng sinabi ng dalawa at tinignan ang mga bawat galaw nila sa cctv kung saan kasama rin nila ang anak ng principal na si kleo. 

"Ang cute naman ng dalawa!" - Victon. 

"Paktay ako neto kay Vien. Aigoo!" - Khaiza. 

Pinicturan nila ang dalawa na mahimbing ang tulog at nakapikit ang mga mata na makikita sa napakalaking screen ng monitor sa cctv room. Hinayaan lang nila na ganoon at bukas ay makakalabas na din ang dalawa. 

"Sana maging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa, maganda pala 'tong ginawa namin. Nako! Ang tanong anong acting skill na naman ang gagawin ng dalawa kapag dumating na ang DBG. Nevermind. Basta sa nakikita ko ngayon ang saya ko dahil ganito ang naging set up na nagawa namin. Yown! Nice one Kenjie. Lagot lang kami nito bukas kay Vien. HAHAHA! Ang gandang trapped scene naman nito." masayang sabi ni Leigh.

Lumabas na agad sila ng pintuan dahil maaga pa sila bukas.

***

note: nagustuhan niyo po ba thank you so much guys sa pagbabasa ng istorya na ito! see you in my next update. 

The Four Mysterious QueensWhere stories live. Discover now