Kabanata 7: The Picture

8 2 0
                                    

Third Person's POV

Isang masarap na simoy ng hangin agad ang nalanghap ko pagkalabas ko ng eroplano. Almost 6:30PM na ng makalapag ito. Tanda ko pa nung bata palang ako sobrang liit ko pa nung unang sakay ko ng eroplano na halos wala pa akong kamuwang-muwang pero ngayon nakakabyahe na ako mag-isa.

Habang naglalakad ako sa terminal 1 sa may airport ay may lalaking papalapit sa akin mukhang sasalubungin ata ako. Hindi nga ako nagkamali.

“Sir goodevening po! Ako po si Ricky yung driver na pinadala ni Sir James.” paliwanag niya saka niya kinuha yung mga bagahe ko. BAGAHE. Sabi kasi ni mommy dito na kami titira kaya dinala kona lahat ng gamit ko sa US.

“Thankyou Ricky!” pasasalamat ko saka patuloy na naglakad palabas ng airport.

Habang nasa byahe kami tiningnan ko yung message ni mommy at nakalagay doon ang address. Del Romano's Residence. Napaisip ako bigla dahil iisa lang ang apelyido namin.

Tinawagan ko si mommy pagkapasok ng subdivision na pinasukan namin ni Kuya Ricky. Sinabi ko na malapit na ako sa address na binigay niya. Saglit lang kaming nag-usap at binaba ko na rin agad.

“Sir nandito na po tayo.” narinig kong sabi ng driver habang nakatingin sa maliit na salamin sa unahan ng kotse kung saan nagtama ang mga mata namin.

“Okay. Pakipasok nalang po yung mga bagahe ko sa loob.” sabi ko sabay bukas ng pinto ng kotse upang makababa.

Pagbaba ko bumungad sa'kin ang hindi naman kalakihang bahay pero masasabi mo naring malaki ito kumpara sa ibang bahay na nandito.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ko ang isang kasambahay. Nakita kong nagulat siya sa pagpasok ko na parang may nakita siya na kung ano. Napansin kong nagluluto siya dahil pagpasok palang sa loob ay maamoy mo na agad ang niluluto niya. Binati ako nito pero halata sa kanya na nagtataka siya na nandito ko. Isang ngiti lamang ang ginawad ko sa kanya.

Sa sala ako unang dumeretso. Habang nililibot ko aking paningin ay napansin ko ang dalawang frame na nakasabit sa pader. May isang lalaki na mukhang daddy na ang dating, at yung isa naman ay isang batang babae na matamis ang mga ngiti. May isang sabitan pa doon pero walang frame na nakalagay. Sa paglibot ko pa ay nagulat ako sa isa pang frame na nakalagay sa gilid ng malaking Tv.

Tatlong tao ang nasa frame yung lalaki, ang batang nakangiti at isang batang lalaki na kamukhang-kamukha ko. Pilit kong pinagmamasdan ang frame na hawak ko. Sino ang lalaking nandito? Bakit kamukha ko siya? May kakambal ba 'ko? Mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

Habang pinagmamasdan ko ang frame na hawak ko napansin kong may pilas ito. Pilit kong inaalala yung litratong binigay sa'kin ni mommy noon. Kinuha ito sa wallet ko at sinubukang pagdikitin ang litrato. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang litratong hawak ko ay iisa. Bakit punit ito? Sinadya bang punitin ito? Gusto kong kausapin si mommy tungkol dito.

Naupo ako sandali sa sofa habang hawak ko ang frame. Napansin kong may naglalakad pababa ng hagdan at tumakbo ito palapit sa akin.

“Kuya buti gising kana miss na miss na kita.” mga salitang narinig ko sa batang babae habang nakayakap sa akin. Humarap ako sa kanya at nalaman kong siya ang batang babaeng nasa frame.


Nagulat siya ng kumawala ako sa yakap niya. Nanlaki ang mga mata niya at nagsalita.

“Hindi ikaw si Kuya Jiro? Bakit kamukha mo siya?” pagtatakang tanong ng batang babae. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang frame na hawak ko.

Every Cloud is a MemoryWhere stories live. Discover now