Kabanata 4: The Game

13 2 0
                                    

Jiro's POV

Isang linggo ang nakalipas matapos ang puspusan naming training at ngayong araw magsisimula ang Summer League sa school. Bawat varsity team ng school ay naghahanda na para dito. Maging ang aming team. Napasali ako sa team ng Blue Marines mula nung first year ako. Sinubukan kong magtry out at hindi ko naman akalaing matatanggap ako.

Buong college life ko dito lang umikot ang mundo ko at syempre sa mundo ni Jade. Speaking of Jade hindi kami gaanong nakakapagkita dahil sa sobrang busy ko. Through call and chats lang kami nakakapag-usap ng matino. Iniisip ko rin yung nalalapit naming anniversary sa darating na March 21. Hindi ko pa alam kung ano ang maaaring ibigay ko kay Jade.

Paalis na ako ng bahay nang maramdaman ko ulit yung kirot sa dibdib ko. Hindi ko magawang magpacheck-up dahil na rin sa sobrang busy ko. Wala pa rin kahit ni isa ang nakakaalam tungkol sa sakit o kung ano man ito.

Pasado alas-otso ng makarating ako ng school. Sina Aeron at Leo palang at iba kong ka-team ang nasa gym pati na ang ibang varsity team. Si Drin papunta palang daw sabi ni Aeron.

“Team, warm-up muna tayo habang wala pa ang iba niyong ka-team.” bungad agad ni Coach pagkalapit niya sa amin. Naghanda na rin kaming lahat para sa warm-up.

“9AM daw ang start ng opening kaya maghanda na kayo para sa laban niyo mamaya.” tensyonadong sabi coach. Alam kong kinabahan din si Coach sa laban namin mamaya. Dahil sa bawat laban namin kami lagi ang nagchachampion.

Habang nagwawarm-up kami hindi ko maiwasang hindi kabahan. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito matapos ang mag-aapat na taon kong paglalaro ng basketball. Nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari.

“Tol, okay ka lang?” bungad ni Drin pagkadating na pagkadating niya habang nagpapalit ng jersey.

“Ahh. Oo.” sagot ko sabay kibit balikat na iniinda yung kirot sa dibdib ko.

“Pre, may manunuod ba sa'yo mamaya?” bulong ni Aeron sa likod ko. Naisip ko bigla si Jade.

“Hindi ko lang sigurado tol pero baka meron.” sagot ko sabay lingon sa kanya.

“Kung manunuod si Jade isasama ba niya mga kaibigan niya?” nakakalokong ngiti habang nagsasalita sa likuran ko.

Hindi ko na naintindihan yung huling sinabi ni Aeron nang biglang tumunog ang banda sa gilid ng gym. Hudyat na magsisimula na ang opening ng laro.

Nagsimula ng magsalita ang isang emcee sa gitna ng gym para makapagsimula na. Pinapila nila kaming lahat bawat team.

Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng varsity team maging ang mga coaches.

Green Archers.

Yellow Magnates.

Black Falcons

Maroon Eagles

at Blue Marines!!!!

Dumagundong ang buong gym matapos ang banggitin ang bawat team. Naghihiyawan na ang mga tao sa loob. Bawat team ay may kanya-kanyang pakulo. Bawat team ay may support from their perspective college.

Bago magsimula ay nagdasal muna ang lahat para larong ito. Hinihiling na maging maayos at maganda ang Summer League na ito.

“Team! Be ready! Magsisimula na ang laro. Ang team natin ang unang lalaro laban sa Black Falcons.” narinig kong sabi ni coach sa unahan ng pila.

“Ang susunod na makakalaban niyo mamaya ay Green Archers, Yellow Magnates at ang matindi niyong makakalaban ay Maroon Eagles. Team work at cooperation lang ng team ang hinihingi ko sa inyo para manalo tayo sa game na 'to.”

Every Cloud is a MemoryWhere stories live. Discover now