Kabanata 3: The Amulet

29 2 2
                                    

“Jade?” bulong ni Kz sa likod ko. Nandito na pala ang spoiled brat.


“Kanina paba kayo dyan?” tanong ko habang naghihikab at nagpupunas ng laway gamit ang panyong hawak ko.


“Oo sis! Kanina pa kami dito. Tulog ka kasi ng tulog dyan!” litaniya ni Thony habang nag-aayos ng kilay. Gagraduate na kaming tatlo at wala pa ring kupas sa pagkikilay 'tong si Thony.


“Guys, listen! Wala na raw klase kay Miss Santos today. Next meeting nalang daw ipasa yung activity na pinagawa niya.” narinig kong nagsalita ang mayor namin pagpasok pa lamang ng room. Nabalot ng sigawan ang buong klase. Tuwang-tuwa ang iba at ang iba naman ay walang pakialam.


Maya-maya ay naramdaman kong nagvvibrate ang phone ko sa blouse na suot ko. Pagtingin ko si Jiro tumatawag at sinagot ko naman agad.


“Hello, babe!” boses ni Jiro galing sa kabilang linya.


“Bakit napatawag ka?” tanong ko. “Magpapaalam lang sana ko may practice kasi kami mamaya. Baka hindi tayo magkita mamaya.” wika niya sa kabilang linya. Nalungkot ako bigla sa narinig ko dahil hindi pa rin kami nagkikita after weekend.


“Ah, eh, ganon ba. Okay, sige babe!” malumanay kong sagot sa kanya. “Ibababa ko na 'to ah may klase pa kasi kami. Mag-iingat ka. I love you babe!” may halong sayang sabi ni Jiro habang kausap ko siya. Hindi ko naman siya mapipilit sa ginagawa niya kaya susuportahan ko nalang. Iniisip ko lang na sana hindi niya makalimutan ang anniversary namin.


“Jade! Sama kaba?” pag-aaya ni Kz habang nakapameywang sa harap ko.

“Where??” tanong ko at tumayo. “Basta sumama kana lang.” iritableng sagot ni Kz saka naglakad palabas ng room kasama si Thony.


Sinundan ko nalang ang dalawa sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa main gate ng school.


“Saan ba talaga tayo pupunta?” inip kong tanong sa dalawa na nasa harapan ko.


“Sa Mall!” sabay na sabay na pagkabigkas ng dalawa. Seriously?? Sa Mall? Hindi ako nagpupunta sa mga Mall o gumagala kung saan-saan lalo na't naka school uniform.


“My car is here!” masiglang sabi ni Kz. “Thankyou kuya guard!” dagdag pa niya. Spoiled talaga tong babaeng to. Pati ba naman sasakyan may taga-kuha sa parking lot.


“Let's go!” inip na boses mula kay Kz. “Sasama kaba o hindi??” litaniya ni Thony habang binubuksan ang pinto ng kotse.


Habang nasa biyahe kami papuntang Mall nag-iisip ako kung ano ang ireregalo ko kay Jiro. Hays. Bahala na nga sabi ko sa sarili ko.


“We're here!” excited na boses ni Kz.


Sa watson's kami unang pupunta dahil may bibilhin daw si Kz doon. Sinusundan ko lang ang dalawa sa paglalakad. Hindi ako mapakali habang naglalakad dahil ang daming nakatingin sa amin.  Ngayon lang ba nakakita ng magaganda ang mga tao dito sa isip-isip ko.


Kinuha ko ang phone ko tsaka tinext si Jiro kung nasaan kaming tatlo.


Babe, nasa mall kami ngayon nina Kz at Thony. Baka dito nalang din ako magpasundo kay Kuya Mack. Mag-iingat ka dyan. I love you babe!
sabi ko sa text hanggang sa may mabunggo akong isang matanda sa harap ko.

“Hija, mag-iingat ka nga. Tumingin ka nga sa dinaraanan mo.” iritang sigaw ng matandang babae sa harap ko.


“Jade?? What happened?” nagtatakang tanong ni Kz papalapit sa'kin. “Ahm, nay pagpasensyahan niyo po 'tong kaibigan ko.” litaniya ni Thony sa matandang babae.


Every Cloud is a MemoryWhere stories live. Discover now