Kabanata 5: The Water Girl

15 3 3
                                    

Jiro's POV


Hindi naging madali ang unang laban namin kontra Black Falcons. Umabot ang score hanggang 108-96 na naipanalo naman namin hanggang huli.


Sumunod naming nakalaban ang Green Archers at Yellow Magnates na nagawa din naming talunin sa score na 94-88 at 110-101. Sa bawat laro at depensa na aming ginagawa hindi maiwasang hindi mabalya o masiko ng kalaban.


Nagpasub na muna ko kay Aerone sandali nung third quarter kontra Maroon Eagles. Sila ang huli naming kalaban sa larong ito kapag nanalo kami laban sa kanila kami na ang tatanghaling champion sa laro.


Habang nagpapahinga sinubukan kong hanapin sina Jade kung sakaling nandito na sila para manood. Nalungkot lang ng wala akong makita kahit anino nila.


Natapos na ang third quarter ng laro sa score na 95-97, lamang ang Maroon Eagles sa ngayon. Kinakabahan ako kung anong depensa ang gagawin ko para maipanalo namin ang laro.


“Jiro! Mag-ready kana. Ikaw lang ang pag-asa namin para malamangan natin ang Maroon Eagles.” bungad ni coach nang makalapit ito sa akin habang hawak-hawak ang draw-line board.


“Opo coach! Gagawin ko ang best ko.” proud na sabi ko habang umiinom ng gatorade. Napansin kong mauubos na pala 'to at wala ng kong iinumin sa laban ko mamaya. Nag-whistle na ang referee para simulan na ang fourth quarter.


Sina Leo, Bryan, Kenneth, Luis at ako ng last final five sa laro. Magagaling at mahuhusay din ang mga 'to kaya may chance kami na malamangan ang kalaban upang maipanalo ang laro.


Nagsimula na ulit magkagulo at maghiyawan ang mga tao sa loob ng gym. Tumutugtog na naman ang banda kaya mas lalong umingay ang buong gym.


Nagsisimula na ang laro. Nasa kalaban ang bola kaya kailangan kong maagaw upang makapuntos at makalamang.


Sinubukan kong agawin ang bola kay Cruz ngunit hindi ko agad 'to nakuha. Mabilis ang depensa niya. Sinubukan ko ulit agawin kaya nakuha ko na ang bola. Mabilis kong ipinasa kay Leo ang bola at agad na shinoot.


3points.


Lalong naghiyawan ang mga tao sa loob ng makalamang kami sa kalaban.


Mabilis na lumipas ang bawat minuto at segundo ng laro. Lalong nag-iinit ang kalaban upang makapuntos kontra sa team namin.


May dalawang time-out pa kami para maiba ang depensa namin laban sa Maroon eagles. Hanggang sa humingi ng time-out ang kalaban.


3minutes nalang ang natitirang oras
114-110 ang score lamang kami ng apat na puntos sa kalaban.



Habang time-out at nagpapahinga sa bench ay may isang babae na papalapit sa akin. Naka-school uniform ito na pang-engineering. May dala itong isang tumbler ng tubig. Nang tuluyang makalapit ang babae sa akin ay halos lahat ng tao malapit sa bench ay nakatingin sa'kin maging ang mga team mate ko lalo na sina Drin, Aeron at Leo.


“Mr. Del Romano, I have a water for you. And by the way, I'm Mitch Villareal.” pagpapakilala niya habang naka-abang ang kanang kamay niya upang makipag-shake hands.


Naghihiwayan ang team mate ko lalo na ang mga kaibigan ko. Nagdalawang isip muna ko bago ko abutin yung kamay niya. Iniisip ko lang si Jade kung sakaling makita niyang may ganitong nangyayari na hindi niya alam. Hindi ko kilala yung Mitch na 'yon.


Umalis din kaagad yung babae. Habang naglalakad siya papalayo ay bumaling ulit ito ng tingin sa'kin na may matamis na ngiti.


“Jiro!!!!” narinig kong sigaw ni Aeron sabay turo sa kabilang side ng gym gamit ang kanyang nguso at nanlalaki ang mga mata.


“Nako pre mukhang nakita ni Jade yung babae kanina. Mukhang may world war 3 to mamaya ah.” boses ni Drin na may pag-aalala at pang-iinis.


Tiningnan ko ang kabilang side ng gym na tinuro ni Aeron laking gulat ko ng makita ko si Jade kasama sina Kz at Thony. Napansin ko ang postura ng mukha ni Jade ganon din ang dalawang kasama niya.


“Guys, back to the ball game! Huling tatlong minuto nalang ang natitira. Kailangan niyong makashoot at makapuntos upang manalo tayo.” seryosong boses ni coach habang hawak-hawak ang draw-line board.


“Ayusin niyo ang depensa niyo at tira niyo!” aniya lulan upang mapanatiling lamang ang aming puntos.


Habang nasa game napansin kong nakalapit na sina Jade sa bench at doon pumwesto.


Nasa kalaban ang bola at kailangan naming maagaw iyon upang hindi sila makapuntos.


Last 2 minutes.......


Sigaw ng announcer sa committe kaya lalong dumagundong ang buong gym at nabalot ng malakas na sigawan.


Hindi namin naagaw ang bola kaya nakapuntos ang kalaban. Dalawa nalang ang lamang namin at maaaring malamangan kami ng kalaban.


Habang na kay Leo ang bola ay muli itong naagaw ng kalaban kaya muli na naman silang nakapuntos at naging tabla ang laban sa score na 114-114. Isang minuto at tatlumpot-isang segundo nalang ang natitira.


Humingi ng time-out ang team namin upang maayos ang depensa namin sa kalaban.


Nilapitan ko si Jade pagdating ko sa bench habang time-out. Napansin kong iba ang aura ng mukha niya. Hindi na ko magtataka kung bakit ganon ang kanyang aura. Napansin ko sina Kz at Thony na nakangiti pero halata sa kanilang may napapansin din sila sa kabigan nilang si Jade.


“Okay team! Ilang minuto nalang ang natitira kaya kailangan niyong huyasan habang nasa atin ang bola.” naririnig kong nagsasalita si coach habang tinuturo ang mga depensa na gagawin namin.


“Ikaw Kenneth, Bryan, Luis bantayan niyong maigi ang kalaban niyo. Ikaw Leo ang nasa labas upang magpasa ng bola at ipapasa mo ito kay Jiro. Kapag naipasa na sa'yo ang bola Jiro hayaan mo na ang tatlo kung hindi mo kayang maipasa sa kanila ang bola. Kung wala ng oras itira mo na agad sa ring maliwanag?” seryosong mukha na binanggit ni coach ang aming depensang gagawin.


“Let's go team!!!”


Sigaw naming lahat habang nakapabilog. Nagwhistle na ulit ang referee upang matapos na ang laban.


Nasa labas na si Leo hawak ang bola. Hindi niya ipasa sa akin ang bola dahil sa mahigpit na pagbabantay ng kalaban. Maya-maya ay agad niya itong naipasa sa'kin. Nang nasa akin na ang bola hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako kung sakaling maagaw ang bola o hindi ko ito mai-shoot.


Habang nasa akin pa ang bola at hindi ko na kayang maipasa pa nagdesisyon na akong itira ito. Tumalon ako ng bahagya upang maitira ang bola papunta sa ring ngunit sa pagtalon ko naramdaman ko  na naman ang kirot sa dibdib ko hanggang sa tuluyan ko ng nabitawan ang bola.


Nabalot ng katahimikan ang buong gym habang nasa ere ang bola. Nagsisigawan na ang mga tao. Tumutugtog na naman ang banda kaya mas lalong umingay ang buong gym.


Sa pagtirang ginawa ko ay nawalan ako ng balanse sa pagbagsak ko. Hanggang sa tuluyan narin akong bumagsak sa floor ng gym tanging ang mga hiyawan at sigawan na lamang ang aking mga narinig.


“Jiroooooooooooooo!”


Isang malakas na boses ang narinig ko. Ang boses ni Jade na tinatawag ang pangalan ko. Sa ilang segundong pagkakahiga sa floor ay nakikita ko ang mga ulap sa kalangitan hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.


To be continued.....


----****----


A/N:

Nabitin ba kayo sa nangyari?

Ano nga ba ang totoong nangyari kay Jiro?

Ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng larong ito?

Maaari po kayong mag-iwan ng comment sa baba kung alam ninyo ang susunod na mangyayari.

MARAMING SALAMAT! :)

@juandavidmoo ♋

Every Cloud is a MemoryWhere stories live. Discover now