Kabanata 2: The Pain

25 3 5
                                    

Jiro's POV



Ang gaan sa pakiramdam 'pag nakikita mong masaya ang taong mahal mo. Naaalala ko pa noong una kaming nagkita halos isumpa niya ko sa harap ng maraming tao dahil natapunan ko ang suot niyang blouse ng mango shake. Kasalanan ko naman talaga kung bakit galit na galit siya. Napakamot nalang ako ng ulo nung mga oras na 'yon.




Habang pinagmamasdan ko siya kanina may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Hindi lang naman ito ang unang beses na naramdaman ko 'to. Hindi ko nalang muna pinansin at baka mag-alala pa sa'kin si Jade. Natapos na kami sa pagkain nang biglang tumawag si Kuya Mack siya ang driver nila Jade. Sa nabanggit ni Jade sa'kin kababata niya raw ito at limang taon ang agwat nila sa isat-isa.




Nagpaalam na kami sa isat-isa at naiwan akong mag-isa sa loob ng Jollibee habang hinihintay ang mga kasamahan ko. Pagkalipas ng sampung minuto ay natatanaw ko na sina Aeron, Leo, at Drin mula sa kinauupuan ko.




"Ang aga mo ata ngayon Jiro." bungad sa'kin Leo. "Kumain kasi kami ni Jade parang hindi niyo naman kilala 'yon palaging gutom." sabi ko.




"Tara na sa gym!" rinig kong sabi ni Aeron. "Praktisadong praktisado na 'ko." dagdag pa nito. Ang lalaking 'to talaga ang hilig magbuhat ng sariling bangko. Lagi namang bangko sa game sa isip-isip ko.




Pagkarating namin sa gym naabutan naming nagwawarm-up na ang team kaya nagpalit agad kami ng damit para makapag warm-up na rin.




"Ang aga naman nila ngayon." narinig kong sabi ni Aeron. Lahat nalang napapansin nitong taong 'to.




"Kayong apat bilisan niyo dyan! Magsisimula na tayo!" sigaw ng coach captain naming si Rodel sa kabilang dulo ng gym.




"Yes coach!" sigaw ni Leo bilang tugon naming apat sa kanya. "Bilisan niyo dyan!" sabi ko habang inaayos ko ang sintas ng sapatos ko.




Habang naglalaro kami naramdaman ko na naman yung kirot sa dibdib ko. Hindi ko ulit pinansin at patuloy parin sa paglalaro.




"Jiro!!" sigaw ni Drin upang ipasa sa akin ang bola. Agad ko namang nasalo ang bola at mabilis na nai-shoot sa ring.




"Nice one Jiro!"




"Okay guys water break muna!" sigaw ni coach Rodel habang nakaupo sa isang bench ng gym.




Uminom agad ako ng gatorade na dala ko sa t'wing may ensayo kami. Nakaramdam ako ng panlalata sa katawan ko at napansin naman ako ni Leo na nasa tabi ko.




"Oh pre! Okay ka lang?" tanong niya habang nilalagok ang tubig sa tumbler niya. "Oo pre okay lang ako." mahinang sagot ko. Ayokong ipahalata sa kanila kung ano yung nararamdaman ko ngayon.




"Back to the ball game guys!" narinig kong nagwhistle si coach.



Nagsimula na ulit kaming maglaro. Hindi ko na ulit naramdaman ang kirot sa dibdib ko. Naging maayos at maganda ang laro namin ngayon. Natapos ang practice namin saktong ala-sais ng gabi.




"Ilang araw nalang guys at magsisimula na ang summer league kaya dapat niyong galingan at tutukan ang pag-eensayo para manalo tayo." pagpapayong bilin ni coach sa aming lahat. Napansin kong may tumatawag sa phone niya at lumabas ang litrato ng isang babae. Hindi ko nalang ito pinansin at nag-ayos narin ako ng gamit ko.




"Okay team! Next week na ulit ang practice na'tin pero mag-ensayo parin kayo kahit wala ako." narinig kong banggit ni coach. "Mauuna na ako sa inyo ah. Hinihintay na ako ng misis ko. Mag-iingat kayo sa pag-uwi" dugtong pa nito.



"Lalo kana Jiro!" aniya.



"Salamat coach!" sigaw ng mga kasamahan ko.



"Leo, pasabay ulit ako sayo mamaya." sambit ni Drin habang naglalakad kami palabas ng gym. May kotse kaming parehas ni Leo at si Drin hatid-sundo lang. "Ako rin pre pasabay!" narinig kong sabi ni Aeron. "Hindi ko kasi nadala si Pinky!" paliwanag pa niya.




Pagkalabas namin dumeretso agad ako sa likod ng gym kung saan nakaparada ang mga sasakyan.




"Guys! Ingat!" paalam ko bago tuluyang sumakay ng kotse. "Sige pre ingat din." tugon naman ni Drin.




Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kanina. Wala naman sa family ko ang may history ng may sakit sa puso pero bakit ganito yung nararamdaman ko.



Pagkarating ko ng bahay naabutan ko si Dad sa labas ng veranda habang nagbabasa ng dyaryo. Nagmano ako kay Dad at pumasok na sa loob. Nakita ko si Jia sa may sala habang naglalaro ng mga barbie doll niya.




Nilapag ko ang mga gamit ko sa sofa hanggang sa unti-unti akong natumba at nagdilim bigla ang paningin ko.



"Kuya! Kuya Jiro! Wake up!!!"



"Dad!!! Dadd, si kuya Jiro!!!"



Mga sigaw na narinig ko mula kay Jia. Nagising nalang ako nang naramdaman kong may dumampi sa aking noo. Isang malamig na towel na pinupunas ni Jia sa akin.



"Dad, gising na si Kuya." napansin kong papalapit sa'min si Dad.



"Jiro, anak. Kumusta pakiramdam mo?" pag-aalalang sambit ni Dad. "Medyo okay na po Dad." tugon ko at naupo sa pagkakahiga ko sa sofa.



"Ano bang nararamdaman mo ngayon Jiro?"



Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Dad yung nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw at baka pauwiin niya si Mommy dito sa Pilipinas mula sa state kapag sinabi ko ang totoo.



"Ahhm. Wala naman po Dad baka napagod lang po ako sa game namin kanina. Puspusan napo kasi pag-eensayo namin." palusot ko nalang kay Dad para hindi na niya ako tanungin pa. "Okay. Magpahinga kana sa kwarto mo pati na rin ikaw Jia sumama kana pag-akyat ng kuya mo." aniya ni Dad.



Umakyat nako sa taas at nagpahinga.



----****----

A/N:

Kamusta ang pagbabasa? Sana nagustuhan niyo ang una at pangalawang kabanata. :)

Mag-iwan nalang po kayo ng inyong komento sa ibaba :)

Maraming Salamat! :)

Every Cloud is a MemoryWhere stories live. Discover now