Kabanata 6: Lying on Bed

8 2 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang laban nila Jiro. Isang laban na naipanalo nila ngunit panghabang-buhay na pagdurusa. Isang linggo naring nakaratay si Jiro sa ospital. Wala parin siyang malay hanggang ngayon. Napasama ang pagbagsak niya mula sa pagtalon nung panahon na 'yon.

Nagkaroon siya ng damage sa utak dahilan ng pagka-coma niya. Isang linggo na rin siyang hindi nakakapasok sa school. Wala paring sinasabi ang doctor ni Jiro kung kailan ito magigising.

Ngunit nung unang beses kong nakausap ang doctor na tumitingin kay Jiro dun ko unang nalaman na may sakit pala ito sa puso. Halos manlamig ang katawan ko nung panahon na 'yon. Bakit ganito ang nangyayari kay Jiro o sa amin. Maluha-luha kong sabi ko sa sarili ko.

"Jade??"

Nagising ako sa pagkakadukdok ko sa higaan ni Jiro ng marinig ko ang boses ni Aeron pagkabukas ng pinto ng kwarto ni Jiro. Kasunod na nagpakita sina Drin, Leo at ibang ka team niya kasama ang coach nilang si Rodel.

May mga dala silang fruits and foods for Jiro. Napukaw ng aking paningin ang isang bola ng basketball. Halos mapuno ito ng sulat gamit ang kulay itim na marker. Mga apelyido at numero ng jersey ng ka-team ni Jiro ang nakasulat doon pati narin ang apelyido at numero niya pero higit na mas malaki ang sulat ng kanya.

"Jade kamusta na ang lagay ni Jiro?" narinig kong tanong ng coach nila habang hawak-hawak ko ang kamay ni Jiro. Nakasanayan ko ng himasin ang kamay ni Jiro baka sakaling maramdaman niya ang presensya ko.

"Hindi ko pa po alam" malamig na boses na sabi ko habang patuloy na hinahawakan ang kamay ni Jiro.

"Bro gising kana dyan miss kana namin sa ball game." malungkot na pagkakasabi ni Drin na siyang may hawak ng bola at bahagyang lumapit kay Jiro para ilagay sa tabi nito.

Nabalot ng malungkot na aura ang buong kwarto. Halata sa mga mukha ng mga taong nandito ang labis na pag-aalala nila. Nakaupo ako sa tabi ni Jiro habang nakapalibot ang mga ito sa kanya.

Napansin ko ang coach nila na may inilabas na isang black rosary at nagsalita.

“Guys, ipagdasal natin ang kalagayan ni Jiro sa Panginoon upang sa ganon ay makatulong tayo para sa kaligtasan niya.” may halong pangamba na sabi ng coach nila Jiro. Nagkapit-kamay silang lahat habang ako naman ay nananatiling nakahawak sa mga kamay ni Jiro.

Nag-umpisa ng magdasal ang coach nila at sinusundan naman ng mga ito ang mga sinasabing dasal. Matapos ang halos limang minuto ay natapos din ito. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na pag-aalala sa kanilang ka-team.

"Tol, sana sa pagbalik namin gising kana ah para makalaro kana namin ulit." malumanay na pagkakasabi ni Aeron habang bahagyang lumapit kay Jiro at hinawakan ang braso nito.

"Jade hindi na rin kami magtatagal dito may kanya-kanya din kasi kaming lakad eh. Dadalawin nalang namin ulit si Jiro pag hindi na ulit busy ang team." pamamaalam na banggit ng coach nila habang hinihimas ang likod ko.

"Bantayan mo si Jiro ah. Balitaan mo kami sa kanya." sambit ni Leo sabay tapik sa likod ko.

Isa-isa na silang nagpaalam at lumabas ng kwarto ni Jiro. Kaming dalawa nalang ni Jiro ang naiwan kaya mas lalong nabalot ng katahimikan at lungkot ang buong kwarto.

"Babe, gising kana dyan. Miss na miss na kita. Ang dami kong gustong gawin kasama k-----."

Unti-unti ng nagbabagsakan ang mga luha ko sa labis na pangungulila sa taong mahal ko.

Every Cloud is a MemoryWhere stories live. Discover now