CHAPTER 7

71 3 2
                                    

Chapter 7

SABRINA POV

"Kumain ka hija, mukhang gutom na gutom ka." Sabi ni Lola Anastacia.

Kumain ako ng kumain, pambawi na din 'to sa mga nangyari sa akin kagabi. Mabuti na lang at hindi ako tinablan ng sakit ngayon.

"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Caleb? Bakit hindi man lang niya sinabi na may kaibigan siya na magandang babae." Sabi ni Lolo Condrado.

"A-ah... Hehehe... Opo kahit kailan talaga gan'yan n'ya ako tratuhin Lo." Sabi ko at nag-pout, at pinagtuloy ang pagkain.

"Ang cute mo naman Hija. Sabay ba kayo ni Caleb papasok sa paaralan?" Nakangiting tanong ni Lola.

"Naku, hindi po. Nangungumusta lang po ako. Dadaan lang po sana ako dito, kaso bawal tumanggi kapag may grasya." Sabi ko at nakisabay sa tawa nila.

Napakamot naman ako sa ulo, at inisip kung paano kami humantong sa ganito.

Mabuti na lang at mabilis ako, makikita sana ako ni lola sa taas ng puno kung hindi pa ako bumaba.

"Oh, Caleb good morning." Bati sa kan'ya ni Lolo. Nanlaki naman ang mata ni Caleb ng nakita ako. Gulat ba s'ya? Bahala siya.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi apo na may kaibigan ka na Anghel. Ikaw apo ah, marunong ka ng magsikreto sa akin." Biro ni lolo at tinapik ang braso ni Caleb. Habang ako naman ay pangiti-ngiti lang.

Nang nakabawi na siguro siya, ay bigla niya ako nilapitan at nilapit ang mukha sa akin. Nagulat naman ako sa inasta niya. Para bang pinagmasdan niya ang mukha ko, pagkatapos ay kumuha siya ng pan at uminom ng kape.

Kakain na sana ako ng bigla niya hinawakan ang braso ko at hinila ako patayo.

"Caleb apo, aalis na ba kayo?" Tanong ni lola. Habang ako nakatingin sa pagkain na hindi ko pa naubos.

"Opo lola, kakausapin ko pa ang kaibigan ko." Sarkastikong saad ni Caleb at tinignan ako ng seryoso sa mata.

"Mukhang hindi pa tapos kumain si Angelous." Pigil ni lola sa paghawak sa akin ni Caleb. Tama 'yan lola.

"Tapos na siya lola, di ba Sabrina?" May diin na tanong sa akin ni Caleb. Napalunok na lang ako at tumango.

"A-ah opo lola. B-busog na po ako." Nasabi ko na lang at yumuko. Magugutom na naman ako nito.

Hanggang sa lumabas kami sa bahay ni Caleb ay hindi niya pa din binibitawan ang braso ko. May mga tao pa na napapatingin sa gawi namin.

"Ano ba problema mo ha? Bakit sila lolo at lola---"

"Kumain lang naman ako dahil gutom ako. Tss." Sabi ko sa kan'ya.

"Umuwi ka na nga, magpalit ka na ng damit." Sabi niya sa akin at tinalikuran.

"Pero---"

"Walang pero pero Sabrina." Sabi niya sa akin.

Napayuko na lang ako at walang ginawa kun'di hinawakan ang braso niya at nagmakaawa.

"Alam ko na may mabait pa na parte pa d'yan sa puso mo..." Tumingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Sa totoo, wala akong tirahan." Sabi ko at yumuko. Bigla niya naman inangat ang mukha ko at ngumiti sa akin. Akala ko pag-asa na, hindi pala.

Bigla niya ako pinatalikod at tinulak.

"Wala akong pakealam. Lumayas ka na." Sabi niya sa akin at dumiretso siya sa kanyang sasakyan.

"Parang awa mo naman." Pagmamakaawa ko sa kan'ya.

"Huwag mo ako lokohin. Sinong maniniwala sa'yo?" Sabi niya pagkatapos niya ako tignan.

"Okay." Sabi ko na lang at lumabas sa gate ng bahay nila. Hindi ko na hinintay pa na baka mag-argumento na naman kami dalawa.

Saan ba ako ngayon? Napailing na lang ako dahil paano ko sisimulan ang plano ko kung hindi ako makahanap ng sarili kong bahay.

Nang biglang may lumitaw sa harap ko. Isang taong kailangan ko ngayon.

"Angelous, maging matatag ka." Saad niya sa akin.

"K-kuya..." Sabi ko at biglang bumuhos ang luha ko.

"Kaya mo 'yan. Nasaan na ang Angelous na matapang at matatag? Huwag mo sabihin dahil lang kay Caleb ay iiyak ka?" Sabi ni kuya. Natawa naman ako sa sinabi ni kuya.

"Hindi kuya noh? Tears of joy lang. Nandito ka kasi." Sabi ko at pinahiran ang luha ko. Hinawakan niya naman ang ulo ko at inayos ang buhok ko.

"Oh eto, pasensya ka na kung ngayon lang. Nakalimutan ko kasi itong ibigay sa iyo. Ikaw na bahala kung ano ang sunod mong gagawin." Sabi niya sa akin at binigay sa akin ang isang key card.

"Salamat kuya."

"Nandoon na ang mga lahat na kailangan mo." Sabi niya sa akin. Bago siya nagpaalam ay hinalikan niya ang noo ko at biglang naglaho.

Mabuti na lang, at hindi pinutol ni kuya ang kakayahan niyang kausapin ako sa mundo ng mga tao. Tinignan ko naman ang dalawang key card na binigay sa akin ni kuya.

"Angelo's site... Angelous Academy Keycard." Saad ko. Hindi ko alam na may pagmamay-ari ako dito sa mundo ng mga tao? Sa akin pala ang paaralan? Tapos kay kuya Angelo ang site?

"Napakasinungaling mong babae ka. May nobyo ka pala, tapos dito mo pa gustong tumira? Nasaan na nobyo mo?" Usisang tanong niya sa akin.

"Tanga. Kapatid ko siya." Sabi ko kay Caleb at hindi pinansin ang mga sinabi niya.

"Akala ko ba aalis ka na? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kan'ya. Nagulat siguro siya sa tanong ko at biglang pumasok sa gate nila at lumabas muli dala na ang sasakyan niya.

"Teka..." Pigil ko sa kan'ya. Mabuti na lang at tumigil siya.

"Ano?"

"Mag-iingat ka." Saad ko at sumenyas na lumabas siya. Dahil likas na walang respeto ang lakaki, ako na lang ang lumapit at binigyan siya ng basbas mula sa isang halik sa akin sa kanyang noo.

"Mag-iingat ka. Sa panahon na malayo ako sa iyo, walang sino man ang makakapanakit sa'yo." Sabi ko at tinignan siya sa mata. Gulat naman siyang napaatras at kumunot ang noo.

"Bakit ka ba nanghahalik?" Inis na tanong niya.

"Sige aalis na ako, may aasikasuhin pa ako." Saad ko at hindi na hinintay ang reaksyon niya.

Sa isang iglap ay nasa harapan na ako ng isang napakaling building ni kuya. Ayaw ko na maglakad, tiyak na nagulat si Caleb sa nakita niya, ang biglang pagwala ko. Teleport ang tawag doon.

"Good morning Miss Angelous." Bati sa akin ng mga tao.

Wow, kilala ako ng mga tao. Tumango naman ako bilang pagtugon.

Akalain mo nga naman, hindi pa din ako pinababayaan ni kuya. Talagang mahal na mahal ako ni kuya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Fallen Guardian AngelWhere stories live. Discover now