CHAPTER 4

38 4 0
                                    

Chapter 4

SABRINA POV

"Saan ka ba talaga banda bababa ha?" Inis na tanong sa akin ni Caleb. Habang ako naman ay palinga-linga sa paligid. Naninibago talaga ako sa lugar na ito, maganda pero magulo.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Sabi ko at tinitignan ang bawat bahay na nadadaanan namin.

"Ang ganda..." Sambit ko habang tinignan ang dahan-dahan lumulubog ang araw.

"Ano ba Sabrina! Gusto mo maputol ulo mo? Ipasok mo nga ulo mo dito sa loob." Sabi ni Caleb at hinila ang braso ko.

"Ano ba?! Alam ko ang ginagawa ko." Inis ko siyang tinignan."

"Parang ngayon ka lang nakakita ng nga kotse at bahay ha?" Sabi niya na may inis sa tono niya.

"Pake mo ba? Walang ganito sa amin." Sabi ko at akmang ilalabas ko ang ulo sa bintana nang bigla tumigil ang sinasakyan namin.

"Labas." Utos niya sa akin.

Napalunok ako bigla sa sarili kong laway sa sinabi niya.

"A-ano? Bababa na a-ako?" Tanong ko sa kanya at pilit na ngumiti.

"Oo. Baba. Inaabuso mo ata ang pagsakay mo dito. Umuwi ka na. Malapit na ako sa tinitirhan ko." Sabi niya sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa upuan ko at tinignan siya.

"Huwag mo sabihin sa akin na sasama ka sa akin?" Iritang tanong niya.

"Maaari ba? Wala kasi ako---"

"Hindi. Lumabas ka na." Kalmang saad niya.

Nang hindi pa din ako lumabas, ay bigla siyang lumabas at binuksan ang pintuan banda sa akin at sapilitan akong nilabas.

"Umuwi ka na. Alam mo naman siguro kung saan ka pupunta." Sabi niya sa akin at pabagsak isinirado ang pinto ng sasakyan niya.

"Teka lang..." Sabi ko at hinawakan siya sa braso.

"Pakainin mo muna ako. Kaninang umaga pa ako hindi kumakain." Nagmakaawa ako sa kaniya. Gutom na gutom na ako.

"Aba't ikaw na babae ka. Responsibilidad ba kita? Bitawan mo ako." Sabi niya at iniwaksi ang braso niya.

Napayuko naman ako at napabuntong hininga. Bigla niya naman pinaharurot ang kaniyang sasakyan at umalis na.

Napailing na lamang ako sa ugali niya.

"Pasalamat siya dahil nandito ako at proprotektahan siya. Simple lang naman hiningi ko hindi pa ako mabigyan." Saad ko sa sarili. Bigla naman kumalam ang sikmura, at napabuntong hininga.

Gutom na talaga ako.

Napagdesisyunan ko na maglakad-lakad na lang muna. Hindi ko alam kung saan na ako banda, basta nandito ako kung saan madaming tao ang naglalakad sa daan.

Umupo naman ako sa may bakanteng upuan dito sa park at tumingala sa langit.

"Gabi na, siguro kumakain na sila ngayon." Bulong ko sa sarili ko. Nang biglang may naalala ako sa pangyayari kanina.

Paanong nagkaroon ako ng sandata? Bigla itong lumabas sa kamay ko?

Tinignan ko naman ang kamay ko at may nakita akong marka na parang krus na kulay itim, ngunit maliit lang ito. Nang tinitigan kong mabuti sa bandang pulsuhan ko, magkatulad ito ng itsura ng espada na ginamit ko kanina.

Si kuya ba ang pakana nito? Or baka tinulungan niya ako kanina?

Kumalam na naman ang sikmura ko at napayuko na lang ako.

May bata naman na umupo sa tabi ko at ngumiti sa akin.

"Ate, kanina pa po kita nakita na hinahawakan ang tiyan mo." Ate? Ang cute naman nang batang 'to.

My Fallen Guardian AngelWhere stories live. Discover now