Chapter 1

129 4 0
                                    

Chapter 1

SABRINA POV

"Saan ka na naman ba nangaling Sabrina?" Isang tanong ang sumalubong sa akin.

"Nagpapahangin lang naman ako Superior." Sagot ko sa kanya, habang nilapitan sya at yumuko sa harap. Senyales ito na nirerespeto ang nasa itaas sa amin.

"Hindi mo ba alam kung ano ang nilabag mo sa patakaran natin?" Ramdam ko na pinipigilan ni Superior na huwag magalit sa harapan ko lalo na't nasa harapan ko ang mga ibang Anghel.

Nilibot ko ang paningin ko at tinignan ang mga reaction ng mga nandito. Tsss... Mga chismoso at chismosa.

"Alam ko naman po. Pero hindi naman ako lumabag sa batas, hindi ako pumasok sa kanilang territoryo." Depensa ko sa akong sarili. Napabuntong hininga naman si Superior tumayo at nilapitan ako.

"Sabrina Angelous, hindi ko na alam Kung ano ang gagawin ko sa'yo." Saad niya at nilagay sa likod ng tenga ko ang buhok ko. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mata at dismaya.

"Pasensya ka na kuy---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may narinig akong bulungan na siyang mas ikinaiinis ko.

"Bakit ba siya nandito? Palagi lang pasakit ang binibigay niya Kay Superior."

"Pasaway na Bata. Kaya hindi pinayagan na magkaroon ng alas."

"Tiyak siya ang pinakapasaway, kapag nangyari iyon."

Inis akong tumingin sa gawi ng tatlong Anghel daw, at hindi nagdalawang isip na lapitan at Sinita sila.

"Sino kayo sa tingin ninyo ha?" Kalmadong tanong ko at nakita kong ngumisi ang isa sa kanila. Ito, eto ang babaeng may pagtingin Kay Superior. Biglang may pumasok sa isip ko, tignan natin.

"Isa kaming Angel. Eh ikaw? Isa kang angel na hindi namin alam kung angel ka ba, o baka naman isipiya ka lang." Inis kong iniyukom ang aking kamao at ngumisi sa kaniya.

"Huwag ka mag-alala, sa mukha kong ito? Mukha ba akong espiya? Sa ganda Kong 'to?" Saad ko at tinaasan siya ng kilay.

"Kahit kailan hindi ka magugustuhan no Superior. Itaktak mo yan sa isip mo." Sabi ko at sinampal siya.

Ano sa tingin niya? Papayag ako na magkatuluyan sila ng kuya ko? No way. Ang kapal ng mukha. Mas maitim pa sa budhi nila ang kanilang buto.

"Sabrina!" Pigil na sigaw sa akin ni Superior.

"Etong aalahanin mo demonyita ka. Prinsesa ako, Anghel ka lang. Ay teka--- Anghel ka nga ba?" Sabi ko at tumalikod sa kanila.

Bagay lang sa kaniya iyon. Nakita ko pa Kung paano manubig ang kaniyang Mata. Siguro nasaktan siya sa sampal ko.

"Bakit mo ginawa iyon?" Nagkibit balikat Lang ako sa tanong ni Superior at dinaanan siya, ngunit bago ko kalimutan. Bumalik ako sa harapan niya at hinalikan siya sa pisngi, Nakita ko kung paano namula ang babaeng patay na patay kay kuya.

Ay oo nga pala, hindi nila alam kung ano ang relasyon namin dalawa ng Superior.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni kuya, na mukhang hindi niya inasahan. Hindi naman talaga. Ngumiti ako at iniwan sila.

Sabrina Angelous, ang ganda ng pangalan ko. Ngunit, nakakatawa ang layo nito sa ugali ko. Buntong hininga ako umupo sa higaan ko at tumingin sa kawalan.

18 na ako, bakit? Bakit wala pa akong pak-pak? Kailan ako magkaroon? Anghel nga ba ako?

Mga tanong na gusto kong tanungin noon kay Inang Superior, dahil siya ang nag alaga at nagpalaki sa akin. Hindi ko Alam kung bakit bigla siyang naglaho kasama si Amang Superior. Matagal- tagal na din. Bata pa ako ng nawala sila, hindi ko na naalala kung ano ang itsura nila.

Bigla akong nagulat na may pumasok na dalawang querubin na may bitbit na dalawang magandang damit.

"Magandang gabi, prinsesa Sabrina. Gusto daw po katong kausapin ni Superior sa hapag kainan. Eto po ang mga damit na maaari mong pagpipilian." Tumango naman ako at bumuntong hininga.

"Salamat." Saad ko at ngumiti sa dalawa.

Sabi nila, malayo ang ugali ko sa mga iba pang angel. Napakamaldita ko raw, at masungit. Nakadepende naman Ito sa taong kausap ko.

Kinuha ko ang aking damit at isang simpleng puting bestida ang sinuot ko at nilugay ko ang aking mahaba at kulot na buhok at nilagay ang aking tiara sa ulo.

"Hay nako, hindi ko na alam ang gagawin. Sermon na naman ang matatanggap ko kay kuya nito." Saad ko sa akong sarili.

Bata pa lamang ako noon, ay ipinagbawalan na ako pumunta sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam.

Bumaba ako at nakita ko na naman ang babaeng papansin kay kuya. Umupo ako sa harapan ni kuya habang nakayuko at hindi tinignan ang kaniyang mukha.

"Ano sadya natin?" Tanong ko agad.

"Kita mo na? Kita mo na aking Mahal? Napakawalang galang sa iyo, ikaw ang Superior ngunit ginaganyan ka niya?" Saad ng babae.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at ngumisi sa kaniya.

"So, may kailangan kang malaman Sabrina." Simula ni kuya. Halos matawa ako sa reaksyon ng babae nang hindi siya pinansin ni kuya.

"Superio---"

"Umalis ko muna Hazel. Kailangan namin mag-usap." Sabi ni kuya. Ramdam kong naiirita so kuya sa presensya niya.

"Okay." Sabi niya at tinaasan ako ng kilay bago tumalikod.

Aba itong babaeng 'to, masasapak ko talaga.

Bago pa maubos pasensya ko ay tinignan ko na si kuya, dahil mukhang seryoso ang aming pag-uusapan.

"Sabrina, dahil sa mga paglabag mo sa ating mga batas. Kailangan mong harapin ang parusa." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni kuya.

"Ano kuya? Kapatid mo ako--"

"Oo kapatid kita, pero hindi maaring palampasin ko ang ginawa mo. Superior din ako dito, inatas sa akin ni Ina at Ama ang lahat ng mga ito."

"Prinsesa ka, ngunit hindi maaring habang buhay ka ganyan. Dapat matuto ka din." Sabi ni kuya sa akin.

Napakuyom ang aking kamao sa inis.

"P-pati ikaw din ba? G-gusto mong umalis ako dito?" Tanong ko at pinipigilan na huwag umiyak.

"Pumunta ka sa mundo ng mga tao, since gusting gusto mo pumunta doon. May gagawin ka, at kailangan mong tuparin ang misyon upang makamtam mo ang nais mong magkaroon ng alas." Sabi niya at hindi ako tinignan.

Napailing ako at pinahiran ang luhang gustong tumulo sa aking mata. Tumayo ako at tinignan siya ng seryoso at nginitian nang mapait.

"Kung 'yan ang nais mo Superior." Saad ko bago umalis. Aalis na sana ako ngunit may humatak sa akin at niyakap ako.

"Mahal kong Sabrina, pasensya ka na Kung kailangan mo itong gawin. Pasensya ka na Kung eto ang ginawa ni kuya." Saad niya at pinakawalan ako sa yakap. Tumango ako at hindi nagsalita at iniwan siya.

Pagdating ko sa kwarto, isang liham sa aking higaan ang bumungad sa akin.

Mga patakaran na dapat kong sundin. Ngunit ang mas nakaagaw sa akin ng atensyon ay ang pang-huli.

"... Huwag hayaan na mahulog ang loob sa kahit na sino man." Saad ko.

Napatango naman ako at isinaala-ala ang lahat ng patakaran sa punishment ko.

Sa baba naman ay may signature at araw Kung kailan ako aalis. Kasabay nito ay isang litrato ng isang lalaki na sobrang puti ng balat, na may kulay itim na buhok at may pagkakulay pula ang mata na bumagay lang sa itsura niya at isang magandang korte na kulay pulang labi.

Natawa ako sa misyon na binigay nila. Gagawin ba nila akong guardian sa lalaking iyan? Para lang makuha ang gusto kong ninaisnais?

Babalik ako na nakataas noo dito, sa oras na matapos ko ang misyon ko. Ang simpleng gawain, kayang kaya ko ito.

My Fallen Guardian AngelWhere stories live. Discover now