CHAPTER 3

39 4 0
                                    

Chapter 3

SABRINA POV

"Tulad ng napag-usapan natin at nabasa mo sa papel, kinakailangan mong protektahan ang lalaking iyon." Paalala sa akin ng aking kapatid.

Napatango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Ayaw ko nang pabalik-balik akong sabihan. Araw-araw pa naman sa akin ipaalaala ang mga dapat ko gawin sa mundo ng mga tao.

"Sabrina, para naman 'to sa'yo eh." Buntong hininga niya pagkatapos niyang magsalita sa akin. At oo nga pala, ilang araw ko din siya hindi kinausap at kinibo.

Pagkatapos ko inihanda ang sarili ko ay humarap ako sa Superior namin at nagbigay pugay sa kaniya bago ako umalis. Hindi pa din ako makapaniwala, na papayagan niya akong pumunta sa mundo ng mga tao na mag-isa. Aaminin ko na lumabag ako sa batas, pero---

"Pasensya ka na k-kapatid." Saad ni kuya sa akin at tinignan ako sa mata. Napabuntong hininga naman ako at niyakap siya.

"Ayos lang kuya, wala kang kasalanan. Matanda at malaki na ako, kaya responsable na ako sa mga bawat kilos ko. Pasensya ka na kung sadyang may matigas na ulo ang kapatid mo at pasaway." Sabi ko sa kaniya at humiwalay sa yakap at ngumiti sa kaniya.

Ngumiti naman sa akin pabalik si kuya ngunit may lungkot sa mata na hindi ko matukoy kung ano.

"Mabuti naman at kinausap mo na ako. Akala ko aalis ka dito na may bahid na galit sa akin." Sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Kapatid kita at hindi ko kayang magtanim na galit sa'yo." Sabi ko sa kan'ya.

"Dark, huwag na huwag mong kalimutan ang mga tinuro ko sa'yo. Magaling ka sa pakikipag-away at masasabi ko na mas magaling ka na sa akin pero mangako ka huwag mong hahayaan na may mananakit sa'yo." Napaintig ang tenga ko ng tawagin akong ni kuya sa pangalan na Dark.

"Kuya, huwag ka mag-alala. Lahat ng tinuro mo sa akin, hindi masasayang." Sabi ko at ngumit sa kaniya. Hinawakan niya naman ang pinsgi ko at may iba akong nararamdaman kay kuya. Nakita ko na naman ang kislap sa kaniyang dalawang mata.

"Sa pagbalik mo may aaminin at sasabihin ako sa'yo. Sa ngayon, ipagpalipan ko muna ang sasabihin ko sa'yo." Napatango naman ako sa sinaad niya.

"Dark, huwag mo kalimutan na---"

"Hindi ko hahayaan ang loob ko na mahulog?" Putol ko sa sasabihin niya. Tumango naman siya.

"Bakit? Anong mangyayari kung malabag ko ang utos na 'yon?"

"Maaari ito maging hadlang sa misyon mo at ikamamatay mo. Ang lalaking babantayan mo ay madaming sikretong nababalot, at may naghahabol sa lalaking iyon. Kaya mo siya aalagaan at proprotektahan."

"Kuya, kahit buhay ko pa ang kapalit sa lalaking iyan." Saad ko at ngumisi sa kaniya.

"Hindi magandang biro 'yan Sabrina." Seryosong sabi niya.

"Gusto mo pa naman makita na magkaroon ka ng sariling pak-pak. Kailan ka kaya, dumating sa punting iyon? Mag-twenty one kana." Saad ni kuya. Napakibit balikat naman ako. Kasi maski ako hindi ko alam kung kailan lalabas ang sarili kong pak-pak.

Pagkatapos ipaalala sa akin lahat ni kuya ay napagdesisyunan ko nang umalis at pumunta sa mundo ng mga tao, at talagang malaki ang kaibahan sa mundo namin kaysa sa mundo dito.

Pinuntahan ko agad kung saan pumapasok ang lalaki. Madaming tao sa pinapasukan niyang paaralan, at uniporme ang mga damit ng babae at lalaki na bumagay naman sa kanila. Papasok na sana ako sa gate ngunit may humawak sa kabilang balikat ko.

Akmang sisitahin ako ng lalaking matanda na nakauniporme din, ngunit iba ang kaniyang suot sa mga kabataan. Siguro, siya ang bantay sa paaralan na ito. Tinignan ko siya sa mata at ngumiti, siguro nagulat siya kaya binitawan ako.

"Sige pumasok ka na Miss. Sa sunod isuot mo ang uniporme para hindi kita magpagkamalan na taga-labas." Paliwanag niya sa akin at napakamot sa ulo.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. Tumingin ako sa dinaanan ko at sumeryoso dahil may mga estudyante din na napatingin sa gawi ko.

Pagkatapos ko mahanap ang lalaking hinahanap ko ay umalis na ako at binantayan ang bawat kilos ng lalaki pati na rin ang nakapaligid sa kaniya. Tama nga si kuya, may iba pa akong nararamdaman. Talagang may gustong kumuha sa lalaking 'yon. Ano bang meron sa lalaking 'yon?

Hindi niya naman ako siguro nararamdaman na may nakamasid sa kaniya. Mabuti na lang, mabuti na lang na mula dito sa itaas ng puno kung nasaan ako ngayon ay kaya ko alamin kung nasaan siya.

Unang tinuro sa akin ni kuya, kung paano pakiramdamin ang paligid. Sunod ang paghawak ng mga sandata, ang pakikipag depensa sa sarili at ang paggalaw nang mabilis. Lahat itinuro ni kuya sa akin. Sa sobrang bait ni kuya, hindi ko alam kung magkapatid ba kami. Ang layo ng ugali ko sa ugali niya.

Napabuntong hininga naman ako sa inisip ko. Bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko sa pag-iisip ko?

Bigla akong naalarma nang may naramdaman akong kakaiba sa paligid, ngunit mas malapit ito kung nasaan ako ngayon. Umayos ako at inayos ang coat na suot ko.

Nang biglang may sumulpot na malaking pangit sa haapan ko na halos lumuwa na ang mata. Bigla ko inihanda ang sarili ko at automatikong lumayo.

"Ikaw, ikaw nga. Tama ako, na nandito ka sa mundong ito." Saan ng malaking pangit sa harapan ko. Alam ko kung ano ang tawag sa kanila, nakalimutan ko lang.

Malaki siya at kulay itim. Para siyang halimaw na may mahabang kuko at mahabang pangil, at ang boses niya na para ba na limang tao ang nasa loob ng kaniyang katawan.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Hindi kami papayag na hahadlang ka sa plano namin." Sabi niya sa akin at biglang sumugod mula sa malayo. Automatiko naman lumabas ang sarili kong espada nang biglang lumabas sa kamay ko na ikinagulat ko.

Nang makalapit sa akin ang halimaw ay hindi ako nagdalawang isip na sumugod sa kaniya. Sumabay ako sa daloy ng hangin at hindi ako nahirapan na paslangin siya gamit ng espada. Kasabay din sa pagpaslang sa halimaw ang pag-alala sa pangalan ng pangit.

"Monstrous, level 1" Saad ko ng naalala ko ang tawag sa kaniya. Isang mahinang uri ng halimaw.

Unti-unti naging abo at nawala ang kulay itim na usok. Mabuti na lang at walang nakakita sa amin dito.

Saktong uuwi na ang lalaki kaya napagdesisyunan ko maghintay sa may sasakyan niya.

"Anong ginagawa mo diyan sa kotse ko?" Bungad na tanong niya na halatang may gulat sa kaniyang mata. Umalis ako sa pag-upo sa hood ng sasakyan niya at ngumisi.

"Sabrina Angelous." Pakilala ko sa kaniya. Kumunot lang ang kaniyang noo, at tinignan niya ako na para bang nagtataka.

"Cal--"

"Knight Caleb Contreras, tama ba?" Sabi ko sa kaniya at naalarma ako bigla ng may nararamdaman naman ako na iba sa paligid.

"Paano mo ako nakilala? Ikaw ang babae kanina hindi ba?" Tanong niya sa akin. Inilibot ko naman ang paningin ko.

"Oo ako nga, buksan mo na ang pintuan ng kotse mo." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya.

"At sino ka para utusan ako?" Arteng sabi niya sa akin at pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Ako. Ako ang nag-utos." Sabi ko at pinakita sa kaniya ang susi niya na nasa kamay ko.

"Paanong---

Binuksan ko ang pintuan at pinapasok siya sa loob. Pumasok din ako sa loob ng sasakyan niya.

"At sasakay ka din sa kotse ko?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Bababa din ako sa may kanto." Saad ko na lang para wala nang madaming tanong ang lalaking 'to. Ngayon saan ba ako banda baba? Hindi ko nga alam kung saan ako titira.

Napahilamos naman ako sa naisip ko. Ang tanga ko talaga kahit kailan. Mamaya ko na lang isipin kung saan ako titira ang importante makauwi 'tong lalaking 'to na matiwasay na walang mangyayaring masama.

----
A/N:
Ano masasabi ninyo sa chapter nito? I need your reaction please?

Pasensya na kung ang pangit. Support niyo pala ako sa iba ko pang storya at feel free to pm.

Follow me sa wattpad and vote my stories. Just search sa wattpad MyQueen0306.

My Fallen Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon