CHAPTER 2

58 3 1
                                    

Chapter 2

CALEB POV

Hingal akong napabangon mula sa aking higaan at inis na napahilamos sa mukha. Paulit-ulit na lang ba?

Bakit ba palagi na lang 'yon ang napapanaginipan ko? Sumasakit ang ulo ko sa tuwing napapanaginipan ko 'to. Pilit ko gustong makita ang mukha ng babae sa panaginip ngunit palaging bigo.

Bumangon ako at saktong alas singko ng madaling araw. Pasukan na naman at madami na naman akong gagawin sa University na 'yon.

Akmang papasok ako sa banyo nang madaanan ko ang salamin ko dito sa kwarto at napatitig ako sa kulay ng aking mata. Sino nga ba talaga ako? Sino ang mga magulang ko? Tuwing pilit ko isipin kung saan ako nagmula, wala akong maalala.

"Caleb?" Napalingon ako sa pintuan nang bigla akong tawagin ni Lolo.

"Yes, Lo?" Sagot ko.

"Ang aga mong nagising. Nakatulog ka ba?" Tanong niya sa akin. Na ngayon nasa tabi ko na s'ya.

"Ayos lang naman. Nanaginip lang ako pero ayos naman, nakatulog naman ako." Sagot ko sa tanong niya.

"Pasensya ka na apo, kung hindi namin nagawang sagutin ni Lola mo ang mga tanong mo." Saad ni Lolo at tinignan niya ako sa mata bago ngumiti at biglang sumeryoso.

"Noong araw na 'yon, nakita ka namin sa gubat. Duguan at walang malay. Hindi namin alam kung ano ang gagawin ng Lola mo, akala namin patay ka na."

"Ayos lang lo. Malalaman ko din kung sino ako." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ang gwapo mo apo, ang ganda ng kulay ng Mata mo. H'wag mo sanang gamitin upang makapanakit ng damdamin ng babae." Birong sabi ni Lolo sa akin.

"Wala naman. Ayaw 'kong umibig, kasi pakiramdam ko ayaw umibig ng puso ko sa iba. Para bang, may iba akong Mahal?" Sabi ko.

"Maghanda ka na apo, at madami ka pang gawin sa paaralan ninyo. Sige at maiwan na kita." Paalam ni Lolo at umalis sa kwarto ko.

Sa gubat nila ako nakita, kung saan wala akong malay at duguan ako. Sina Lolo at Lola ang nag-alaga sa akin hanggang sa tumungtong ako sa kolehiyo. Para ko na silang totoong pamilya simula noon.

Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako at natagpuan ko sila na masayang nag-uusap at nagtatawanan.

"Good morning La." Bati ko at umupo sa upuan ko.

"Apo, kumusta ang tulog mo?" Ngiting tanong ni Lola at nilagyan ako ng pagkain sa pinggan ko.

"Ayos naman La. Nanaginip lang." Sabi ko at ininom ang kapeng inihanda sa akin ni Lola. Kahit kailan talaga masarap magluto si Lola.

Si Lolo naman ay abala sa pagbabasa nang dyaryo at paminsan-minsan ay tumitingin sa gawi namin ni Lola habang nag-uusap kami.

Hanggang sa napagdesisyunan kong umalis na dahil kailangan kong ayusin program sa paaralan lalo na't etong araw na 'to ang unang pasukan. Graduating na ako, pero hindi ko pa din alam kung bakit nandito ako sa kurso na 'to. Ang bilis ko naiintindihan ang mga tinuturo at madali Kong nakukuha. Nakakapagtaka.

Bago ako bumaba sa sinasakyan kong kotse, mga babae ang unang bumungad sa harapan ko. Napailing na lamang ako, at pumunta sa mga kasama ko.

"Mr. President magandang umaga."

"Nauna pa kame sa'yo ha?"

"Tama nga tayo na mas madaming papasok sa taon na 'to."

Bungad sa akin ng kasama ko. Nilibot ko naman ang paningin ko at pailing na dumiretso sa gymnasium. Habang mga kasama ko naman na officer ay nasa likod ko at sumunod sa akin.

Bago ako makarating sa gymnasium ay may nabangga akong babae at natumba sa harapan ko. Inis ko siyang tinulungan at pinatayo.

"Pasensya ka na. Pasensya po." Sabi ng babae sa akin.

"Ayos lang 'yun miss." Sagot ng kasama ko.

"Hindi ikaw kinakausap ko po." Sabi niya sa kasama ko.

Napailing ako at akmang aalis nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at tumingin sa akin at ngumiti. Bigla akong natigilan at nagulat ako sa nakita ko.

Bakit parang pamilyar siya sa akin? Nakita ko na ba siya?

"Alis. Haharang harang." Sabi ng isang pang babae at dumaan sa gitna namin ng babaeng nakabanggaan ko Kaya nabitawan niya ang paghawak sa braso ko.

Napatingin naman ako sa babaeng dumaan na may mahabang kulot na buhok  at hindi man lang tumingin sa gawi namin.

"Aba't napaka---"

"Huwag ka na ngang maingay. Bago lang ang babaeng 'yon." Sabi ni Clark at pilit pinakalma si Faye.

"Hayaan mo na. Pumunta na tayo doon sa itaas upang makapagsimula na tayo sa opening program." Sabi ko at umalis.

Mas madaming nga ang estudyante ngayon kompara sa mga nagdaang taon. Nagsimula naman magsalita ang vice president ko na kaibigan habang nanakaw ng pansin ko ang babaeng nakabangga ko kanina, na nakangiti sa gawi ko.

Inalis ko ang tingin ko at malalim napa-isip. Sino ba s'ya? Saan ko ba siya nakita?

Bakit pamilya ang mukha niya? Kilala ko ba siya? O kilala niya ako?

"President?" Tawag sa akin ng vice.

"Ano?" Inis akong tumingin sa gawi niya. Bumulong naman ang kasama 'kong officer sabay sabing...

"Ikaw na magsasalita." Sabi niya sa buling at ngumiti ng awkward sa mga estudyante. Dali-dali naman akong tumayo at kinuha ang mic.

"Pardon me, I was busy thinking a while ago." Sabi ko at ngumiti. Napuno naman nang hiyawan ang mga estudyante.

Magsasalita na sana ako nang biglang may sumigaw mula sa malayo.

"Hoy ikaw!" Sigaw niya Mula sa entrance ng gymnasium habang nakatingin sa gawi ko. Napakunot naman ang noo ko sa babaeng 'yon.

Lahat ng estudyante ay napatingin sa gawi niya. Ang iba ay nagbubulungan bulungan, yung iba naman ay kita sa mga mata ang gulat.

Naglakad siya papunta dito sa harapan ko. At siya pala ang babaeng dumaan sa gitna namin kanina.

"Hoy! Ikaw ba 'to?" Seryosong tanong niya habang pinakita sa akin ang larawan na hawak niya habang malapit ang mukha niya sa akin. Tinignan ko naman ang larawan na hawak-hawak niya.

Bakit may picture siya sa akin?

"Sagot." Inis niyang tanong. Nakita ko naman ng malapitan ang mukha niya.

Nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga iba pang estudyante na nandito.

"Oo ako nga, bakit ba?!" Inis ko din na Sabi sa kaniya. Lumayo naman siya sa akin at ngumiti.

"Mabuti naman kung gan'on." Sabi niya at umalis sa harapan at bumaba sa stage.

"Mag-iingat ka Caleb." Sabi niya at lumabas sa gymnasium.

"Sino ang babaeng 'yon?"

"Ang astig niya pare!"

"Hindi man lang pinagalitan ni President."

"Ako na. Ako na magtatapos Mr.President, mukhang lutang pa ang isip mo." Ngiting Sabi ng secretary ko at halatang may ibig sabihin ito. Napatingin naman ako sa babaeng nakabanggaan ko kanina at nakita kong umiba ang ekspresyon sa mukha niya ng Nakita niyang nakatingin ako sa kan'ya bigla na naman siyang ngumiti.

Weird. Sino naman kaya ang babaeng bastos kanina?

My Fallen Guardian AngelWhere stories live. Discover now