CHAPTER 21

913 23 10
                                    

“Okay ka lang ba? Are you tired?” iyon kaagad ang itinanong sa kanya ni Jiro nang makalabas sila sa bulwagan.

Pilit ni Quintana na umaktong masaya siya at tinanguan ito. She can't help it, she's tired-- emotionally.

Alam niyang hindi naniniwala si Jiro sa kanya pero hindi na lamang ito nagkomento pa. Sabay silang bumalik sa bulwagan. Hindi naman pwedeng wala sila doon dahil ang kaganapan ay para sa kanilang dalawa ni Jiro.

Naabutan niya ang ama at ina na kausap ang isa sa elite knight ng Elysium na direktang gwardiya ng kanyang amang hari. Both of her parent's faces are painted with worry.

“Ama, Ina..” tawag niya sa mga ito.

Lumingon ang dalawa sa gawi niya. Nagtataka siya sa pag-aalalang nakadungaw sa mukha ng mga ito.

“Anong sinabi ng knight? You both look worried.” sabi niya sa mga ito.

Her father heaved out a sigh and look at her with worry. Ginagap naman agad ng Ina niya ang kamay ng ama.

“Can you leave us for a while, Jiro?” marahang pakiusap ng ina niya kay Jiro.

Binalingan siya ni Jiro pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin nito sa kanyang mga magulang. Marahang yumuko si Jiro at nagpaalam sa kanilang tatlo.

“Let's not talk here..” her mother said.

Nagpatiuna ang kanyang mga magulang palabas ng bulwagan at sininyasan siya ng ina na sumunod sa mga ito. Tumigil silang tatlo sa tagong parte ng palasyo na malayo sa bulwagan.

“Bakit ina? May nangyari ba?” tanong niya agad sa ina.

“Ang mga tao sa Acresia.. they're in danger.” bakas sa mukha ng ina at ama niya ang pag-aalala.

Quintana can't help but panicked a little. Pero kaagad niyang itinago ang emosyong iyon sa mga magulang. Linukob siya ng matinding kaba.

“What? Why? A-anong n-nangyari?”

“Tatlong araw na silang nasa hindi maayos na sitwasyon, anak. Linusob sila ng mga magus.” sabi ng kanyang ama.

Quintana clenched her fist.

“Bakit hindi man lang sila humingi ng tulong? Wala man lang bang nagawa ang may matataas na katungkulang tao sa Acresia?” naiinis niyang tanong.

Nagiging inutil na ba ang mga tao doon at hindi man lamang napigilan ang paglusob ng mga magus? How about the peasants, the people outside the walls of Acresia? Ligtas kaya ang mga ito?

Unti-unring umusbong ang pag-alala niya. Sana ay walang taong nasaktan sa naging paglusob. Pero duda siya roon, tatlong araw ng nilulusob ang Acresia. Naiinis siya sa isiping iyon, wala man kang nakapagsabi sa kanila para mabigyan man lang nila ng tulong ang Acresia.

“Pansamantala nilang sinara ang portal. Itinago na rin nila ang mga keepers ng portal sa ligtas na lugar. Walang komunikasyon ang Acresia ngayon.” her mother explained.

“Mabuti nalang at may ligtas na naipuslit ang Acresia na isang tao para makahingi ng tulong sa'tin.” dagdag ng kanyang ama na naiiling.

Acresia is not supposedly Elysium's responsibility anymore pero kahit ganoon pa man ay kailangan pa rin nilang tumulong.

“We'll send them some of our elite knights then.. pati na din ang mga guards ng west boarder ay ipadala na ninyo, ama.” Quintana said. Pero sa totoo lang ay higit pa roon ang gusto niyang gawin.

She wants to be there for Acresia. She wants to personally help them-- and see the person she's been missing for days now. The only person who holds her heart.

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora