CHAPTER 15

1K 34 5
                                    

Quintana doesn't want to pry but the information peaks her interest. Pero pinilit niyang itikom ang bibig. Ayaw niyang isipin ng mga ito na interesado siya kina Rainier at Scarlet.

Nakikita niya sa mata ng mga kausap na alam nitong gusto niyang marinig kung ano ang dahilan kung bakit ganoon nalang ka-protective si Rainier sa babae.

Tumayo na siya at tumalikod pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik. Aalis na sana siya nang magsalita si Kazumi.

“Ajani wants Arthea dead. Alam niyang sa una pa lang na na-possess ang katawan ni Arthea ng magus pero hindi siya nagsalita at mas lalo pa niyang idiniin si Arthea sa kasalanang hindi nito nagawa. I think you know what Scarlet played in the story.” sabi ni Kazumi.

Parang bombang sumabog sa kanya ang narinig na impormasyon. Mistula siyang na-estatwa na hindi maigalaw ang mga paa. Her feet are glued to the floor. Her heart beating erratically.

Gusto niyang umiyak sa narinig pero pinigilan niya ang sarili. Nagpasalamat siya sa suot na maskara dahil hindi makikita ng mga kausap ang luhang namumuo sa mga mata niya.

Dahan-dahan niyang nilingon ang apat. Jin and Rio's hand were balled into fist habang si Miyukki at Kazumi ang nagbabaga ang tingin na para bang ang naungkat na nakaraan ay kinagagalit ng mga ito.

“What did Scarlet do?” ang tanging naitanong niya sa apat.

“Ewan ko kung kung anong ginawa niya at nalaman niya ang tungkol sa ginawa ni Ajani. She was sentenced to death after we heard about what she did. Kami mismo ang gumawa ng parusa kay Ajani lalo na si Rainier.” nanginginig ang katawan ni Quintana sa narinig mula kay Kazumi.

“Pero... hindi niyo siya pananiwalaan hindi ba? I heard that you turned your back on her.” walang emosyong saad ni Quintana. Her voice is lace with accusations pero pilit niya iyong huwag ipahalata.

“Hindi madali ang lahat. Two of the council member strongly command us to not help her. Regina and Lucas gave us a force command. Si Kazumi lang ang bukod-tanging hindi sumunod sa utos ng council.” Miyukki explained.

“What's the consequences of her action then?”

“I was force into lockdown for a week. They.. they stripped me of my title and took away my guardian. The only thing that's keeping me of being an Ace is Arthea's guardian. Si Akira. Hindi magagalaw ng council ang guardian ni Arthea dahil ipinagbilin niya iyon sa akin and out of respect na rin.” humihikbing saad ni Kazumi.

Her heart clenched upon hearing this. Once Akira is out of Kazumi's life magiging isa na lamang ordinaryong tao ang kanyang kaibigan. High ranks will be force to throw Kazumi into the mortal world kahit pa sabihing anak pa ito ng isang high rank din.

“Goddess knows how much we wanted to help Arthea but the consequences were stopping us. Kapag nawala ang Aces paano nalang ang Acresia?” Miyukki said.

Nagulat siya nang bigla nalang tumayo si Kazumi. Hinarap nito si Miyukki ng may nagbabagang tingin.

“No Miyukki, you all act hostile towards her! Tinrato niyo siyang parang isang kriminal. Tapos ngayon sasabihin niyong gusto niyo siyang tulungan noon?” puno ng hinanakit ang paraan ng pagkakasabi ni Kazumi sa kapatid.

Walang nagawa ang tatlo kundi ang yumuko. Alam niyang nahihiya ang mga ito sa nagawa. Tama nga naman si Kazumi, they act hostile towards Arthea.

“Kailangan naming gawin 'yon Kazumi dahil kailangan naming mapaniwala si Ajani na wala na kaming pake sa kanya. Nagkaroon ng usapan si Ajani at Rainier na kailangan lang naming umaktong walang na kaming pakealam sa kanya at hindi niya papatawan ng parusang kamatayan si Arthea. We did what Ajani told pero hindi namin alam na pupunta pala siya kay Arthea at ang naabutan ng mga council ay ang pag-aaway nila. Pinalabas niyang sinugod siya ni Arthea. The council decided to punish her with death.”  Quintana balled her fist. After all this time, she held grudge on them pero ang totoo'y gusto lang pala ng mga ito na tulungan siya.

Gusto niyang magwala, magalit at buhayin uli si Ajani dahil gusto niyang sa mga kamay niya ito mamatay. Papatayin niya ito ng paulit-ulit. Gusto niyang gumanti sa ginawa nitong pagsira sa buhay niya at ng buhay ng Aces.

Maraming buhay ang nasira sa ginawa nito. Nawalan siya ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya sa takot na talikuran din siya ng mga ito. She guarded herseld, shoo people away from her pero lahat pala ng ginawa niya ay dahil lang sa kasamaan ni Ajani.

Si Kazumi ay naroon sa isang tabi. Napatda ito sa sinabi ni Miyukki. Narinig niya ang hikbi nito at ng kapatid. Habang sina Jin at Rio ay nanatiling nakaupo pero maging ang mga ito ay mayroong luha ang mga mata.

Ngayon ay alam niya na ang dahilan kung bakit sa tuwing tinititigan niya ang mata ng mga ito ay nakikita niya ang sakit ang pagsisisi. 'Yun pala ay dahil wala naman talagang nagawa hindi maganda sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

“I'm sorry. I'm sorry sinisi ko kaya.” humagulhol ng iyak si Kazumi.

Iniwas niya ang tingin sa magkapatid nang magyakapan ang mga ito at sumunod naman sina Jin at Rio.

They were exchanging 'sorry' and 'forgive me'. Nagdesisyon siyang iwanan muna ang mga ito. They need time and so her.

Nang mailapat niya ang pinto ng kwarto ay namalisbis ang luha niyang kanina pa pinipigilan. Tinanggal niya ang suot na maskara.

Her hands went to her mouth to stilfe her cries. Ayaw niyang marinig ng mga ito ang kanyang pag-iyak. She wants to hate herself.

“I'm sorry..” humihikbing sabi niya. Alam niyang hindi maririnig ng mga ito ang paghingi niya ng tawad.

Ngayon ay nakapagdesisyon na siya. Pagkatapos ng ritwal ng unang pamumulaklak ay tatanggalin na niya ang maskarang nagtatago sa tunay niyang pagkakakilanlan.

Panahon na para malaman ng lahat na buhay si Arthea. At kailangan niyang malaman ang motibo ni Scarlet sa ginawa nito. Masama ang kutob niya sa babae. She will find the truth.

***

Tada!

Vote, comment and share lovelies!

cyequeen

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon