CHAPTER 22

1.8K 50 2
                                    

Arthea's POV

Nag-aya sina Miyukki na pumunta kami sa City kung saan ipinagdidiriwang ang first bloom of Acresia. Naglakad-lakad muna ako habang hinihintay ang lima. Chi-neck kasi nila saglit ang birthflower.

Sa paglalakad ko ang napadpad ako sa isang parang booth na kakaiba sa lahat. Mga jewelries kasi na ngayon ko pa lang nakikita ang mga tinda nito. Pumasok ako saka nagtingin-tingin sa mga paninda.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na matamang nakatingin sa isang singsing na kulay aquamarine. Kumikinang pa nga ito sa sinag ng araw na tumatama rito. Ewan ko ba pero nagagandahan ako sa singsing kaya hinawakan ko ito na siya namang pagdating ng nagtitinda.

“Gusto mo ba iyan hija?” napatingin ako dun sa babaeng nagsasalita.

“Ah magkano po 'to?” tanong ko rito saka ipinakita ang singsing. Ewan kung namamalikmata lang ba ako pero parang nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ngumiti ang ginang saken saka hinawakan ang kamay ko.

Sa'yo na yan hija. Sa una palang ay ikaw naman talaga ang nagmamay-ari nyan.” kumunot ang noo ko dahil hindi ko narinig yung sinabi niya.

“Ano po?”

Sa'yo na yan.” nakangiting wika nito pagkatapos ay ibinigay saken ang singsing. Nalilito man ay nagpasalamat ako sa kanya saka umalis na. She's weird.

“May mga bagay na mahirap ang kasagutan ngunit kailangan mong alamin. Magpakatatag ka hija!” pahabol na sabi nito saken. Nagdiri-diritso ako sa paglalakad dahil bigla na lang may kung anong pangamba na naramdaman ko.

Nagulat pa ako ng biglang may humapit sa bewang ko.

“What happened to you?” naka-kunot noong tanong ni Rainier habang tinitingnan akong maigi. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakalma ang sarili ko. Nilagay niya ang panyo niya sa noo ko na ngayon ay basa na pala dahil sa pawis.

“H-ha? Ah wala mainit lang.” sabi ko saka pilit na pinasaya ang boses ko. Tiningnan ako ni Kazumi na parang naweweirdohan siya saken. At saka ko lang narealize na malamig pala Sa City.

Sigurado ka ba?” nakataas-kilay na tanong niya saken. Magpapaliwanag sana ako ng bigla nalang nagkagulo ang mga tao.

Agad naming tiningnan kung ano ang kaguluhan and we were shocked nang makita kung ano iyon. Ogres are everywhere habang tinatakot ng mga ito ang mga tao sa City. Narinig kong napamura si Rainier saka inilagay ako sa likod niya.

“Where the heck did they came from?” tanong ni Jin kasunod ng isang mura.

Nadaanan kami ng isang warrior na agad namang tinawag ni Rainier at binigyan ng  instruction. Nanganganib ang birthflower ngayon. Three days pa kasi bago ang bloom nito at kahapon pa nagawa ang ritual.

Dali-dali namang tumawag ng marami pang warriors at binantayang maigi ang birth flower habang kami naman ay pumunta sa mga iba pang warriors na ngayon ay nakikipaglaban sa mga Ogres.

Rainier summon his fire dragon while Kazumi and Miyukki summon their twin phoenix na half mermaid. Ewan ko kung nasaan si Rio dahil si Jin ay pinapunta ni Rainier sa birthflower para magbantay rito.

Naghanap ako ng mataas na lugar para makapwesto. I summoned my sword na ibinigay saken ni King Dalton saka ginawa itong crossbow and arrow. Ipinatama ko iyon sa isa sa mga Ogre and I gasp ng masunog ito pagkatapos matamaan.

Nakita ko pang natigilan ang mga kasama ko. Pero dahil tago ang lugar na pinipwestohan ko ay hindi nila ako nakikita.

Patuloy ako sa pagrerelease ang arrow at pipinapatamaan ang mga Ogres. Hindi ko rin masyadong makita ang mga ito dahil sa usok. Ang dating City na maganda ngayon ang sunog na ang half part.

Mabuti nalang at nakagawa sila ng barrier upang hindi na lumaki pa ang pinsala.

Napatumba nila Rainier ang last na Ogre. Nang makita nilang wala nang Ogre ay umalis na sila roon.

“Where's Quinn?” ang malakas na boses ni Rainier ang narinig ko nang lumapit ako sa kanila. Pagkakita niya saken ay bigla nalang niya ako niyakap. Relief is written all over his face. And I almost choke when he kissed my forehead.

“Ang astig nang ginawa mo kanina Ace Arthea.” nakangiting sabi nung isang studyante na siyang nagbabantay dun sa lugar ba pinwestohan ko kanina. Maang na napatingin saken si Rainier habang nagtatanong ang mga mata.

“What?” tanong ko sa kanila. “Salamat pala sa ginawa mo kanina.” binalingan ko yung studyante.

“Walang anuman po Ace Arthea. Sige po aalis na ako.” paalam niya saka patakbong umalis. Nakatingin pa rin saken si Rainier kaya ako Na mismo ang unang nag-iwas ng tingin.

Hinila niya ako papunta sa isa sa mga booth.

“Ano yung sinasabi ng studyante kanina?” nagtaas ako ng kilay habang siya naman ang Matamang nakatingin saken.

“Wala naman akong ginawa ah bukod sa pinatamaan ko yung mga Ogres.”

Ikaw ba yung gumamit ng arrow kanina?” tumango ako. I heard him cursed under his breath saka sinuklay yung buhok niya.

“Ano bang problema dun? I was just doing my part Rainier bakit ba kung makareact ka parang may nagawa akong masama?” tanong ko sa kanya. Parang kung anong problema iyong ginawa ko dahil sa reaction niya.

“May iba pa bang nakakita sa'yo na gumamit non?” I shook my head as a response at para namang nabunutan siya ng tinik pagkasabi ko niyon.

“Why? What's wrong with----umph” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sana because Rainier is now attacking my lips.

Napasinghap ako and he took that as an opportunity to slid his tongue into my mouth. He tasted every corner of my mouth and I can't help but to release a moan.

“Quinn baby...” sabi niya habang idinikit pa ako lalo sa kanya. His hands started to roam around my back and to my waist.

I put my hands on his nape while returning the intensity of his sweet kisses.

Bumitiw lang kami sa isa't-isa ng maubusan kami ng hininga but Rainier's eyes did not leave mine and I can't help but to stare at him too.

He grinned pagkatapos ay hinalikan ay tungki ng ilong ko.

“Damn baby. I think I'm already in love with you.” matamang nakatitig si Rainier saken. Kung hindi lang seryoso ang mukha niya ay baka natawa na ako. But no, the man in front of me is not joking.

And damn! Mukhang natuluyan na ata ang puso ko. Nabaliw na ata dahil sa lakas ng tibok. Kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor.

***

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Where stories live. Discover now