CHAPTER 6

3.2K 97 0
                                    

Arthea's POV

Bumalik ako sa grandhall saka hinanap si headmaster. Hindi ko na feel magparty kaya magpapaalam nalang ako para hindi rin naman sila maghanap pa saken. Nakita ko si headmaster na nakikipag-usap kaya nilapitan ko siya.

"Arthea saan ka ba galing hija?" sabi nito habang nakangiti saken. Itong si headmaster parang hindi marunong magalit. Laging nakangiti eh.

"Pumunta lang po ako sa garden. Hindi po kasi ako sanay sa maraming party. Headmaster pwede na po ba akong umalis? Sumasakit po yung ulo ko eh." tumango si headmaster saka hinatid nya ako papalabas ng grandhall.

Nakita ko ang mga Aces na nakikipag-usap sa mga students ata dito sa academy. Buti pa sila naenjoy nila yung party unlike me na loner. Tsk! But who cares? I don't need it besides I'm only here for one reason and that is to fulfill my responsibility as an ace. I took one glance saka tuluyan na akong umalis sa grandhall.

"Master! Sandali!" liningon ko ang tumatawag saken. Si Akira. Hingal na hingal siyang lumapit saken pagkatapos ay nginitian niya ako. Nakuha pang ngumiti eh hingal na hingal na nga.

"Akira why are you following me? Hindi pa naman tapos ang party diba?" tumango siya kaya nangunot ang noo ko. Don't tell me susundan niya talaga ako?

"Sinusundan po kayo. Kanina pa kita hinahanap master akala ko kung ano nang nangyari sayo." nanguilty ako bigla dahil sa sinabi ni Akira. Kanina pa pala ako hinahanap nito. Nginitian ko siya.

"Bumalik ka na sa party Akira, I'll be fine here. Magpapahinga na kasi ako eh." ngumiti siya saka nagpaalam na babalik nalang daw muna siya sa party. Pumasok na rin ako sa dorm saka natulog. Nakakapagod ang araw na 'to.

Kazumi's POV

Aishh asan na ba kasi 'tong si Arthea? Kanina ko pa siya hinahanap kasi naman bigla nalang umalis sa dining table eh tapos hindi na bumalik. Tapos isa pa 'tong si Rainier eh, pumunta lang ng Damiwon mas dumoble na yung kasungitan tsk.

"Rainier hyung! Sino ba kasing hinahanap mo ha?" tanong ni Rio sa masunget na si Rainier. Pero honestly di naman masunget si  Rainier eh, wala lang ata yan sa mood ngayon.

"Shut up, I'm not looking for someone." napairap si Rio sa sagot ni Rainier. Kahit naman kasi ako niinis sa Rio na yan eh. Nakakairita rin naman kasi siya.

"Hyung? Are you looking for Arthea huh? Uyy si Rainier hyung hinahanap si Arthea." dahil sa sinabi ni Rio ay nakatikim siya ng sapok kay Rainier. Kung ano-ano kasi ang sinasabi, bakit hindi nalang niya tahiin yung bibig nya?

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Where stories live. Discover now