CHAPTER 12

981 32 5
                                    

Nagmamadaling dinaluhan ng mga healers si Quintana. She guessed dahil na rin iyon sa malakas na boses ni Ranier kanina. Habang inihahanda nga mga ito ang mga kakailanganin ay pilit naman niyang bunabawi ang mga kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Ranier.

Nagsimula na siyang mainis dahil hindi man lang ito natitinag at bagkus ay tinaasan lang siya nito ng kilay.

“Let go of my hand. Hindi naman ikaw ang nagmamay-ari nito hindi ba?” sarkastikong wika niya.

Rainier's lips twitch. He's now wearing an amuse expression. Gayunpaman sinunod nito ang sinabi niya at pinakawalan ang kanyang kamay. He stayed at the side while the healers are busy attending to her wounds.

Kinailangan ng mga ito na hubarin ang suot niyang damit upang malinis nito ang sugat niya. She blushed when they said that dahil bukod sa hindi siya komportable sa bagay na iyon ay sigurado din siyang walang balak umalis sa kinauupuan ang nakakainis na si Ranier.

“N-no. You don't have to.” agap niyang sabi sa mga ito nang magsimula ang mga itong alalayan siya upang hubarin ang kanyang damit.

Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang kausapin ng isang healer si Ranier at ilang sandali pa ay itinabing nito ang kurtina.

“Pinutin niyo nalang nalang ang likurang bahagi ng damit.” dagdag niya. Tumango ang dalawang healer at ilang sandali pa ay nagsimula na ang mga itong gamutin ang sugat niya.

Hanggang ngayon ay nagngi-ngitngit pa rin ang kalooban niya dahil sa mga pesteng magus at ogres na iyon. Bagaman alam niya sa sarili na kaya niyang patayin ang mga iyon ng walang tulong sa iba ay hindi niya maiwasang hindi mainis.

Kung totoong isang distraction lang ang ginawang pagsugod ng mga ito ay kakailanganin niyang mag-doble ingat dahil sigurado siyang siya ang puntirya ng mga ito.

Hindi na namalayan ni Quintana ang paggamot ng dalawang healer sa kanya. Nang inanunsyo ng mga itong tapos na sa kanilang ginagawa ay saka pa lang siya natinag.

“Mahal na Prinsesa, hindi niyo ba ipapagamot ang sugat sa pisngi niyo?”  mahinang tanong ng isang healer sa kanya.

Maagap niyang itinaas ang dalawang kamay. A sign that she don't want them to treat her wounded cheek na sa tingin niya'y natalsikan ng bubog sa nasirang glass wall kanina.

“Maliit lang ito. There's no need.”

Tumayo na siya pagkatapos siyang bigyan ng roba na kaagad niyang sinuot.

Nagulat pa siya nang madatnan si Rainier na prenteng nakaupo. At hinintay pa talaga siya nito. Nang makita siya'y kaagad itong tumayo at nilapitan siya.

“Let's go back, Princess. They're waiting for us.” ang bungad nito pagkatapos ay inilahad ang kamay. Nag-dadalawang isip pa siyang abutin ang kamay niting nakalahad.

Rainier must have notice that she has no plans on taking his hand kaya ito na mismo ang kumuha sa kamay niya at iginiya siyang palabas.

Her hands perfectly fits in his. Hindi mapigilan ni Quintana na mapatingin sa magkahugpong nilang palad. Her heart is starting to beat frantically that for a moment she worry it would come out of her chest. 

She suppressed a gasp when Rainier softly squeeze her hand. Kaylakas ng kabog ng kanyang dibdib habang ginagawa ni Rainier iyon. At sa sandaling iyon ay nagkaroon siya ng desisyon, she shall stay away from him or her heart will be in danger.

Because she thinks she is still in love with him. No scratch that, she knows she's still in love with Rainier. And for the sake of her heart, kailangan niyang umiwas dito.

She doesn't want pain and Rainier just happen to give her that. Ayaw na niyang masaktan at higit sa lahat ayaw na niyang magpakatanga ulit. Muli niyang inalala ang masakit na nangyari noon.

Marahas niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Rainier. Tiningnan siya nito at ewan ba niya kung dinadaya lamang siya ng kanyang mga mata pero nakita niya ang sakit na bumalatay sa magagandang mata nito.

Quintana chose to believe that it was just a trick of the light. At totoo nga nga naisip niya dahil nang tingnan niyang muli si Rainier ay walang nang bakas ng anumang emosyon sa mukha nito.

He shrug. “Hinihintay nila tayo sa hall.” maikling sabi nito at nagpatiunang naglakad na parang walang nangyari.

Quintana balled her fist. She bit her lip and blink her eyes rapidly to stop her tears from falling down.

I hate you Rainier. I really hate you! Piping saad niya habang marahas na pinapahid ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.

Pesteng luha naman at parang hindi maubos-ubos kahit anong gawin niyang pahid sa mga ito.

Nagpasya siyang huwag munang dumiretso sa academy. Lumiko siya at pumunta sa gubat. Doon niya inilabas lahat ng sama at loob at hinanakit hindi lang kay Rainier kundi sa lahat ng taong sinaktan siya.

Tinanggal niya ang maskara at umupo sa tabi ng malaking punong-kahoy.

“Anong ginagawa ng isang magandang dilag na nag-iisa dito sa aking gubat?”

Nagtaas ng ulo si Quintana. And what pleasant sight it is. Kaharap niya ngayon ang isang forest nymph na bihira lang magpakita sa mga tao. Nakangiti ito sa kanya ngunit dagling nawala iyon nang mapansin nito ang mga luha niya.

“May nanakit ba sa iyo?” puno ng pag-aalalang tanong nito. Si Quintana ay tiningnan lamang ang diwata.

Nymphs are known to be tricky sometimes but they are trustworthy and very helpful if they like the person.

“Ang mga tao'y talaga namang komplikado. Kapag nasasaktan ay gumagawa ng mga hindi makatwiran na pasya. Binigyan kayo ng puso at isip upang gamitin ngunit mas pinapairal ninyo ang inyong emosyon. Gamitin mo ang puso at isip mo Mahal na Prinsesa. Kakailanganin mo iyon.” ngumiti ito kay Quintana at saka tumalikod. 

Naiwan siyang natitilihan habang inihahatid ng tanaw ang papalayong diwata. What the nymph said gave her a strong impact.

Tama na ang pagiging emosyonal niya. It's time that she get her acts together. Tumayo siya at isinuot muli ang maskara. Naisipan niyang pumunta muna sa kanyang silid.

She was a mess. She cringed at her reflection in the mirror. Mugto ang mga mata. Ang ilong niya'y kaypula ang ang pisngi ay may ilan pang natitirang bakas ng luha.

Ito na ang huling beses na iiyak ako sa'yo Rainier. She said in her head.

***
Vote, comment and share lovelies!

Folow niyo na rin ako para masaya 😂

Love y'all.

cyequeen

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Where stories live. Discover now