Epilogue

34.4K 658 780
                                    

Epilogue

HIS POV

I am now standing while waiting for her to walk down the aisle. Maraming mga tao ang naghihintay sa paglalakad niya; halos lahat ay masayang naghihintay sa kanya.

Nang naglalakad na siya papunta sa akin ay hindi ko maiwasang mapangiti kung gaano siya kaganda habang suot-suot niya ang puting gown lalong-lalo na ang matatamis niyang ngiti na iginawad niya kasama ang mga magulang niya.

Hindi ko maiwasang mapaluha habang hinihintay ko siya sa altar. Hindi ko alam kung luha ba ito dulot ng saya o luha na dulot ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ipinasa siya sa mga magulang niya sa'kin sa kalagitnaan ng aisle saka mabagal ko siyang nilakad papunta sa lalaking nag lalaman na ng puso niya. Ang lalaking papakasalan niya. Ang lalaking gusto niyang makasama pang habang-buhay. Ang lalaking pinangarap niyang makabuo ng masayang pamilya. Ang lalaking magpapasaya at magpapaligaya sa kanya.

Hindi ko maiwasang magselos sa kanya dahil siya na ang nagmamay-ari ng babaeng mahal na mahal ko. Ang babaeng gusto ko ring maikasal at makasama habang buhay habang bumubuo ng malaking pamilya. Pero tanging nag-iisang patay na pangarap na lang 'yon.

"Buti nakarating ka. Salamat! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita ka ngayon. Ang gwapo mo sa suot mo. Gwapo ka pa rin; walang nagbabago." naluluhang giit ni Shealtiel habang hinawakan niya ang kamay ko na nanlamig. Tinignan ko ang mga mata niya na tila ba ay mababasa mo ito sa saya na nararamdaman niya.

How can I not be here to support her on her big day?

"Kung gwapo ako sa paningin mo bakit naging best man lang ako dito sa kasalan mo? Bakit hindi groom mo?" pagbibirong wika ko sa kanya. Hanggang do'n na lang kasi ang kaya kong gawin. Ang gawing biro ang nararamdaman ko.

Pinangarap ko na kung makasal man 'tong babaeng hawak-hawak ko ngayon ay sigurado akong maging masaya ako para sa kanya. But I felt sorry for her coz I can't be happy. Am I too selfish to act this way? Am I too bad not to be happy for her own happiness; when in fact all I can feel is pain that keeps on drowning me while seeing her so happy.

If you'll just know how I feel right now, Shealtiel. If you'll just know.

"Akala ko ba pinapalaya mo na ako?"pabirong giit ni Shealtiel habang nakangiti sa kanya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. "Biro lang!" pagpapatuloy nitong sabi. Ngumiti na lang ako dahil ako mismo ay hindi ko alam ang sagot. Hindi kasi matanggap ng sistema ko ngayon ang lahat na pangyayari.

Masama ba kung sasabihin kong napipilitan lang ako sa ginagawa ko?

Fuck this bestfriends' thing! Fuck that childish promises! Curse it to hell!

Nang maihatid ko na siya kay Zeck ay hindi ko mawari ang selos na nararamdaman ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa kitang ihatid at ibigay ka sa kanya. Hindi naman ako ganito katanga at kabait para gawin 'to but I just made it without a doubt.

This man is so blessed to have her; so blessed that made me so jealous for a lifetime.

"Thank you, ulit." masayang giit niya ulit sa'kin. I forced a smile. Mahirap magpanggap sa taong mahal mo na ikakasal pa sa harap mo pero mas mahirap ang pipilitin mong maging masaya para sa ikakasaya niya.

"Thank you, Man!" wika ni Zeck pero hindi niya magawang ngumiti nito habang unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ni Shealtiel sa mga kamay niya simbolo na hahahayaan na niya itong masaya sa totoong nagpapasaya sa kanya.

"Congratulations to the both of you." ito lang ang tangi kong magagawa ngayon; ang batiin sila pero katumbas naman nito ay ang sakit na nararamdaman ko. Gustohin ko mang huwag maiyak pero mas traydor ang mga mata ko. Ramdam ko ang mga pangiginit nito at kasabay nito ang pangingilid ng mga luha ko.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon