Chapter Thirty-four

21.4K 402 100
                                    

Chapter Thirty-four

HIS POV

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bago pa ako bumangon ay uminat muna ako at binuksan ang pinto.

"Good morning Ijo, may nagpapabigay ng invitation letter, para sa'yo daw." ani ni Manang habang ibinibigay niya ang isang letter.

"Sige po manang, salamat." tinanguan lang niya ako at ningitian.

Bago pa siya makaalis ay hindi ko mapigilang mapatanong sa kanya kahit na nag aalinlangan.

"Manang?" Tanong ko dahilan para mapaharap siya sa akin mula sa pagkakaalis.

"Bakit, Ijo?" Takang tanong niya din. "May kailangan ka ba?"

"Mayro'n po ba tayong bisita sa baba na hindi niyo sinasabi?" Hindi ko alam kung hallucination ko lang ito pero 'yong amoy nito ay kuhang-kuha na hindi ko na naamoy sa loob ng limang taon.

"Wala naman. Bakit mo natanong, Ijo?" Napatango na lang ako at nginitian siya. "Wala po manang."

"Oh siya sige. Kumain ka na pagbaba mo. Sigurado ako na magugustuhan mo ang niluto kong ulam." Confident niyang tugon sa akin habang malaki ang mga ngiti nito.

"Sabi kasi ni Shealtiel na paborito mo  raw ang adobo, na sa pagkakalam ko kayo ring dalawa ang gumawa ng recipe 'non." Nakangiting pahayag nito sa akin.

"Sabi niya sa'kin noon na hindi mo raw gustong ipamigay ang recipe na ginawa niyo kasi gusto niyo na kayo lang dalawa ang makakaalam nito at ipapatikim niyo ito sa mga pamilya niyo daw balang-araw." Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni manang. Nakakamiss 'yong araw na wala pa kaming mga kamuwang-muwang sa mundo.

"Sabi niya, hindi mo daw dapat malaman na tinuruan niya ako sa recipe ng adobo dahil sigurado daw magagalit at magtatampo ka. Pero buti na lang at tinuruan ako ni Shealtiel dahil tignan mo ang sarili mo, Ijo. Ang panget mo na at sobrang payat mo na, oh! Nasaan na 'yong anak ko na sobrang gwapo na kinababaliwan ng best friend niya, ha?!" Napatingin ako sa sarili ko. Madaming nagsabi na sobrang laki ng pagbabago ko pero binabaniwala ko lang ito.

Limang taon na rin ang nakalipas. Kumusta na kaya siya ngayon.

"Mayroon ka bang  balita sa kanya, Ijo? Nakakamiss din 'yong kakulitan at kabaitan ng batang 'yon. Sana makita ko siya ulit."

Remembering her makes my heart skip a beat. Sa loob ng limang taon, walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong pagpapasakit sa kanya. Araw-araw akong pinapatay ng konsensya ko. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya mahanap. Sinubukan kong kausapin ang mga magulang ni Shealtiel pero ayaw nilang makipag-usap sa akin. Paaulit-ulit akong pumupunta sa bahay nila nagbabasakali na magpapakita si Shealtiel sa'kin kahit ang mga magulang nito. Pero kahit ni isa, hindi nila ako pinapayagan. Alam ko na malaki ang nagawa kong kasalanang ginawa kong pangloloko sa kanila pero labis na pinagsisihan ko 'yon. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko.

Walang araw na hindi ko hinihintay at nagbabasakali na sana uuwi na siya sa bahay namin. Kagaya noon na kahit sinasaktan ko siya, babalik at babalik pa rin siya para paglutuan ako at pagserbisyuhan bilang asawa niya.  'Yong mga araw na sobrang taas ng pasensya niya sa'kin kahit na paulit-ulit ko din siyang minamaliit. 'Yong mga ngiti niya na sobrang ganda at totoo sa kabila ng nararamdaman niya. Paulit-ulit 'yong tumatatak dito sa puso ko.

"Ijo, okay ka lang? Pasensya na kung hindi ko mapigilan 'yong dila ko. " Hingi ng pasensya ni Manang sa'kin.

"Okay lang po, Manang. Totoo po yong sinabi niyo. Nakakamiss talaga 'yong babaeng 'yon. Huwag po kayong mag-alala Manang, pangako ko po sa inyo na bubuuin namin 'tong bahay nato ng maraming-maraming alaala kasama ka, Manang. Iiuwi ko po siya dito. Basta, sabay-sabay po natin siyang antayin na umuwi dito mismo sa bahay nato. Ako ang magpapauwi dito sa kanya. Pangako ko 'yan sa inyo, Manang."

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon