Chapter Fifteen

23.5K 401 50
                                    

Chapter  Fifteen

Shealtiel's POV

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na hindi masuka. Sobrang nahihilo na talaga ako dahil sa kahabaan ng biyahe na tinahak namin.

Gusto ko sanang sabihan si Brace na itigil muna namin saglit ang pagbibiyahe dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Ito ang hindi alam ni Brace tungkol sa akin. Ayaw ko kasi na pagtawan at asarin niya ako. Noon.

Sinisinghot-singhot ko naman ang sunflower scent para maibsan man lang ang nararamdaman ko.

Ilang oras pa ang kailangan kong tiisin at pigilan ang sarili ko. Sinubukan kong matulog para hindi gaano lumala ang nararamdaman ko pero nakakaloko din ang oras, pati na din si Brace eh, hindi niya gaanong binibilisan ang takbo ng sasakyan. Sobrang nahihilo na talaga ako. Nanlalamig na ang buong katawan ko at 'yong pawis ko ang lalaki na nito na tumatagaktak.

Ilang oras pa ang hinintay ko buti nalang at malapit na kaming makarating parang nabubunutan ako ng tinik ng maaninag ko na ang bahay na tinitirhan nila mama.

Nang nakaparada na ang sasakyan ay agad-agad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo papalayo kay Brace.

*kwaaak* *kwaak*

Grabe parang lahat na nakain ko ay nauubos dahil sa pagsuka ko.

"My God, Shealtiel. What happen to you anak?" sabi ni MAma sabay nirarub ang likod ko habang sumusuka ako. Hindi ko namalayan si mama kanina

"Are you pregnant, my dear?" tanong ni mama.

Nagulat naman ako sa tanong ni mama para matigilan sa pagsusuka at tinignan agad si mama.

"Po? Hindi po yan ang inakala niyo---"

"I hope so ma, I hope me and shealtiel can have baby." sabi ni Brace sabay hawak niya ng bewang ko sabay halik sa sintido ko.

Sobrang sweet niya noh? Sarap maniwala. Sarap umasa na sana totoo na Lang to ang ginawa at inakto niya ngayon sa harap ng mga magulang namin. Sobrang galing ni Brace mag panggap. Dahil sa pagpanggap niya kinilig naman ako.

Ngumiti naman ako ng napakatamis-tamis sa harap ni mama.

"Sana nga ganon na nga. Gusto ko na ding magkaapo." sabi ni Mama na bakas ang excitement sa mukha.

"Kumusta naman kayong dalawa? Kumusta ang pagiging mag-asawa niyo?" tanong ni Mama sa amin habang sinasabayan namin siya ni Brace maglakad papasok ng bahay.

"Okay naman po. Masarap pong kasama si Brace. Masarap pong mag-alaga tong hubby ko." sabi ko sabay ngiti Kay Mama.

Tinignan naman ako ni Brace. Ewan ko kung ano ang iniisip niya. Pero nag smile na Lang ako Kay Brace at hinawakan ko ang kamay niya as assurance na hindi ako gagawa ng kapalpakan sa harap nila Mama.

Mas okay pala pag lagi naming kasama sila Mama para ganito din kami lage kahit pagpapangap lang.

"How about you Brace, what can you say about Shealtiel, we all know the that she's kinda childish tapos sobrang kulit PA, hindi ka ba nahihirapang makosama sa ugali niyang yan?" tanong ulit ni Mama sabay tingin Kay Brace.

"Okay naman po. Hindi naman po ako gaanong nahihirapan kasi parang nagiging mature na din naman po tong asawa ko, Mama. Alam ko naman po Kung paano siya ihandle kasi magkasama na kami noong bata pa kami. Lalong-lalo na't mahal ko po tong anak niyo." sabi niya habang nakangiti ni Mama habang nagpapaliwanag.

Ang sarap pakinggan pag tinatawag ni Brace si Mama na Mama. Para itong musika sa pandinig ko. Pwede bang mangarap na Sana mangyayari tong lahat? Pwede bang umasa?

Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa pagkahilo. Para naman akong masusuka ulit kaya tunakbo na ako dali-dali papunta sa banyo namin para sumuka ulit.

Sumunod naman sila Mama at Brace sa akin.

"Hey wife are you OK? Tanong ni Brace habang hinihimas-himas niya ang likod ko.

Sarap sa ganitong feeling na concern sayo ang taong mahal MO, yung tinatawag ka na wife?

"For sure, alam ko na buntis ka na anak. Ganon din kasi ako noong nagbuntis rin ako sayo." sabi ni Mama habang nagdedaydream.

Nakita ko naman si Brace na ngumitian si Mama.

"Oh siya Brace, dalhin MO na lang ang asawa mo sa guestroom ng makapagpahinga siya." sabi ni Mama Kay Brace.

"Let's go wife?" sabi ni Brace sa akin habang inaabot niya ang kamay sa akin para hawakan ko ito at lumakad na papunta sa guestroom.

"Hubby dito na Lang ako sa couch matutulog, diyan ka na Lang sa kama." sabi ko sa kanya ng makarating na kami sa kwarto.
Hindi ko naman kailangan magpanggap dito. Total wala naman sila mama hindi din naman siguro nila naririnig ang sinasabi ko. Busy naman sila sa pag gawa ng makakain namin mamaya.

"Mayroon bang nangyari sa atin habang lasing ako?" tanong niya sa habang nakatalikod sa akin.

"Huh? What do you mean?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"the thing that husband and wife do." sabi niya at humarap sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sobrang init ng mukha ko. Hindi ko inaasan na ganon pala ang ibig niyang sabihin.

"Ahm, ano- a--no. Wa--la. Walang nangyari sa atin. Promise." nauutal-utal kong sabi sa kanya habang taas-taas ko yung kamay ko.

"Are you sure?" tanong niya ulit.

"O, o-oo." nauutal kong tugon sa kanya.

"Pero---" sasabihin ko Sana na hinalikan niya ako.

"Pero ano?" tanong niya ulit habang tinitignan niya ang mga mata ko.

"Pero, ano, ahm, Gusto kong magbihis. Pwede Bang lumabas ka muna? Sabi ko na lang. Hindi ko na Lang sasabihin yun baka magalit at mandiri Pa siya sa sarili niya. Kaya huwag na.

Sinunod naman niya ang sinabi ko at Lumabas siya ng kwarto at nagbihis din naman ako kaagad. Pagkatapos ay humiga na ako sa couch.

Sobrang nakakapagod yung biyahe Na tinahak namin. Hindi ko mapigilan ang Mga mata ko na ipikit at matulog na lang.

Nagising nalang ako ng ginising ako ni Brace.

"Hey, wife it's time to eat. Mama and Papa are waiting for us." gising sa akin ni Brace.

Minulat ko naman ang mga mata ko. Nakita ko si Brace na nakangiti sa akin habang ginigising ako, sabay halik niya sa noo ko.

"How are you feeling right now?" sabi niya.

Ngumiti naman ako. Kinilig ako sa inakto niya. Alam ko na pangpapangap lang to, pero hindi ko maiwasan ang umasa at maniwala. Kung para sa kanya, pagpapangap lang to, pwes, para sa akin, this would be a perfect chance para iparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Na hindi ko kayang magpanggap dahil totoo tong nararamdaman ko para sa kanya.

"I'm fine hubby ko. Salamat." sabi ko sabay halik ko sa kanya at tumakbo palabas ng kwarto.

Nang makababa na ako binati ko agad sila Mama at Papa.

"Hi Papa, namiss ko po Kayo. " sabi ko Kay Papa na nakaupo sa dining table at niyakap ko siya.

"How are you darling? " tanong niya sabay hug at kiss sakin.

"I'm doing great Papa together with my loving and caring husband." tugon ko nito Sabay upo ko tabi ni Brace. Sobrang sinungaling ko na ba? You can do all things, even if it's bad for the sake of love. Ganito ba talaga ang kayang gawin ng pagmamahal?

Ang saya ko na makita sila na masaya at kompleto kaming lahat. Punong puno ng Tawanan.

"Oh by the way, I heard about Simmy, babalik na daw siya. What are your plans? Diba sobrang close niyo? Kayo nga laging magkasama noon dun sa bahay eh? Wala ba kayong planong Isurprise man Lang ang kaibigan niyo?" tanong sa amin ni mama na nagpatigil ng buong mundo ko. Para akong nabingi sa sinabi ni Mama.

Tinignan ko si Brace na nakaupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang nakakuyom niyang mga kamao.

Sobrang nanlalamig ako sa narinig ko. Ito na ba? Hanggang dito na Lang ba?

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon