Chapter Nine

24.9K 402 22
                                    

Chapter Nine

Shealtiel's POV

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana.

Napatingin ako sa orasan na nasa gilid ng higaan ko. Laking gulat ko ng makita ko ang oras at alas otso na pala ng umaga.

"Myghhadd, malelate si Brace nito." sabay sapo ng noo ko.

Agad-agad akong napabalikawas sa higaan ko at dali-daling nag ayos ng sarili para paghandaan ang asawa ko. Baka magagalit na naman iyon. Ayaw pa naman niyang paantayin. Lalo na pag late.

Dali-dali akong bumaba at nagluto.

"Ay, ang tanga mo talaga girl. Malamang alas otso na ng umaga wala na siya nasa trabaho na siya." sabi ng isip ko at napasapo na lang ulit.

"Ang tanga at bobo mo talaga kahit kailan Shealtiel." bulong ko sa sarili habang nakangiti.

Sanay na akong sabihan na tanga at bobo kahit noong bata pa ako. Wala akong ibang magawa noon kung hindi ang umiyak at umiyak lamang sa harap ng mga bata na kaedad ko. Wala akong gaano'ng karaming mga kaibigan dahil sa hina kong mag-isip.

Sa kabila ng mahina kong pag-iisip mayroon isang bata na ipinagtanggol ako sa mga bata na nambubully sa akin. Siya lage ang sumasaway nito. At siya lage ang yumayakap sa akin para icomfort ako. Ang batang tanggap ako kung sino ako. Ang batang laging nandiyan para sa akin, at walang iba kung hindi si Brace na minahal ko noon pa man dahil sa magandang katangiang ipinakita niya sa akin.

Ewan ko kung bakit ba sobrang bobo at tanga ko. Kahit kailan, hindi ko naman ginusto to. Sinubukan ko namang mag aral gabi-gabi noong nag-aaral pa lang ako eh, kaso parang hina ko talaga kahit kailan lalo-lalo na sa academic. Recess ang palagi kong favorite session sa buong araw na klase.

Pero kahit sa anong bagay, medyo mahina din ako sa mga ibang gawain. Isa lang ang magagawa ko kung hindi ang mag luto with love. Oo, ang pagluluto ang pinakagusto kong gawin. Noon pa man, nasasabi ko na sa sarili ko na gusto ko talagang maging isang housewife, na nag-aalaga at nagmamahal sa kanyang pamilya. Ang pagsilbihan ang asawa at mahalin ang mga anak.

Siguro nga, hindi ako matalino sa academics, sa mga ibat-ibang gawain, pero I believe mayroon akong talento at skills na pwede kong ipagmalaki. Ang pagluluto lang ang ipagmamalaki ko at syempre ang alagaan at mahalin ang asawa ko higit PA sa sarili ko. I guess, no, I'm sure, ito ang pinaka best na talent na mayroon ako na ibinigay ni Lord para sa akin.

Habang patuloy akong nagluluto, naalala ko kung paano ako inaalagaan ni Brace kagabi. Kung paano niya ako niyakap at kinomfort habang nagising ako sa bangungot ko kagabi.

Kinilig naman ako. Hindi mawala-wala sa isip ko kung paano kahigpit ang yakap niya sa akin kagabi.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maaalala ko ito.

Pasayaw-sayaw ako habang nagluluto.

Napagdesisyonan ko na paglutuan na lang si Brace ng lunch. Pupuntahan ko nalang siya sa opisina at sabayan siyang kumain.

Gusto ko lang kasing magpasalamat sa kanya, sa ginawa niyang pag-aalaga sa akin kagabi. Hindi naman siguro siya magagalit diba?

Sana nga.

Napabuntong hininga na lang ako.

Natapos na akong magluto kaya naligo at nag-ayos na ako para puntahan si Brace sa opisina niya.

Sobrang excited ko pero at the same time kinakabahan rin. Alam ko kasi ang posibleng mangyari eh. Baka pagalitan niya ako at saktan ulit kagaya noong sinurprise ko siya sa bahay.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon