Chapter Nineteen

22.3K 435 79
                                    

Chapter Nineteen

HER POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Kumunot naman ang noo ko ng napagtanto ko na wala ako sa kama ko. Tinignan ko din ang kabuuang ayos ng kwarto.

Wala ako sa kwarto ko. Hindi ito ang kwarto ko kung hindi ay kay Brace. Napaigtad ako at dali-daling lumabas ng kwarto.

Hindi naman ako nakainom kagabi kasama si Zeck. Nagkwentuhan lang naman kami kagabi eh. Pero bakit ako nakatulog sa kama niya?

Napasapo naman ako sa noo ko.

"Ang tanga mo talaga kahit kailan Shealtiel." sabi ko habang pinipikpik ko ang noo ko.

"ahh, baka hinatid ako ni Zeck dito sa bahay at pinasok sa kwarto ni Brace." tuloy kong sabi. Sana nga. Baka wala kagabi si Brace kaya pinapatulog na lang ako ni Zeck sa kwarto.

Pero sana hindi magagalit sa akin si Brace. Sana lang talaga.

Bumaba na ako. Nakita ko siya.

Tinignan niya ako.

Tinignan ko din siya.

Nagkatitigan kami.

Pero agad ko namang iniwas ang mata ko sa kanya. Natatakot ako na baka pagtitigan ko siya ng matagalan ay baka hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Dahil sa tuwing makikita ko ang mga mata niya, nasasaktan ako parang pinipiga ang puso ko.

Mas mabuti ng umiwas ako. Mas mabuti kung iiwasan ko siya para hindi kami masaktan ng husto. Nakakapagod na din kasi eh.

Hindi ko siya pinansin.

Walang good morning.

Walang smile na mangagaling sa akin.

Wala na.

Nakakapagod na din kasing magpanggap na 'okay lang'

Magpanggap na hindi ako nasasaktan.

Magpapanggap na masaya ako.

Nakakapagod. Sobra.

Gusto ko munang pahupain ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pati na rin siya, ayaw kong makikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin.

Dahil mahal na mahal na mahal ko siya kahit ang sakit sakit na.

Dinadaanan ko lang siya at dumiretso na sa kusina para magluto para sa umagahan namin. Responsibilidad ko pa din naman ang paglutuan siya.

At saka gusto ko ding paglutuan si Zeck. Noon niya pa kasing sinasabi sa akin na paglutuan ko daw siya pero hindi ko magawa-gawa at gusto kong gawin 'yon para sa kanya bilang pasasalamat na rin dahil hinatid niya ako dito kagabi.

Bago ako nagluto pinagtimplahan ko muna siya ng kape.

Nakita ko siyang nakaupo sa dining table.

Sobrang tahimik ng paligid. Tanging kutsilyo at ang chopping board lang ang maririnig mo sa kadahilanang nagluluto ako.

"Pasensya na kung hinatid ako ni Mr. Monteverde sa kwarto mo." sabi ko habang nakatuon pa din ako sa hinihiwa kong tufo.

Nakita ko sa peripheral view na nakatingin siya sa akin. Pinagpatuloy ko na lang ang paghihiwa ko.

Sobrang tahimik ng paligid hanggang sa natapos ako sa pagluluto. Hinanda ko na ang mga pagkain para makakain na siya. Hinanda ko na rin ang lunch box para kay Zeck.

Hindi ko na lang siya sinabayan sa pagkain dahil alam ko naman na ayaw niya at daka mahuhuli na rin ako kung sakaling sasabayan ko pa siyang kumain.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon