Chapter Twenty-one (2)

23.7K 484 71
                                    

Continuation Twenty-one (2)

THIRD PERSON'S POV

3 weeks.

3 weeks simula noong nangayari yun.
Ang araw na kailan man ay hindi niya malilimutan. Ang araw na puno-puno ng katatakutan at luha.

Simula noong nangyari yun, walang araw na hindi umiiyak si Shealtiel.

Wala siyang masasabihan sa saloobin niya. Kinikimkim niya lahat ng sakit na nararamdaman niya sa kadahilanang gusto niyang iligtas ang mga taong mahal niya.

Gusto niyang magpakamatay at tapusin na lang ang buhay niya pero hindi niya din magawa-gawa. Dahil siya lang ang nag-iisang susi sa tiyuhin ng kanyang taong Mahal.

Natanong niya sa kanyang sarili kung Bakit ba sa kanya nangyari 'tong lahat?

Ano bang problema ng tadhana sa kanya?

Napabalik ako sa realidad ng mag ring ang phone ko.

Calling...

Tito Anton..

Nanginginig ang kamay niya ng aakmang kukunin na niya ang phone niya sa gilid ng desk katabi ng higaan nito.

Ayaw niyang sagutin. Nag-aalinlangan siyang pindutin ang Green bottom. Ayaw niyang marinig ang boses sa taong nasakabilang linya na para bang anghel ang boses pero malademonyo ang ugali. Siya ang taong kinamumuhian niya ngayon.

Namatay ang ringtone ng tumonog ulit ito.

Kahit labag sa kalooban niya ang sagutin ang tawag nito ay sinagot niya pa rin ito.

"Hello po, Tito Anton." sagot niya sa kabilang linya habang pinipigilan ang paghikbi niya para hindi marinig sa kausap nito.

"Do your job now! Ilang araw na, wala ka pa ding nagawa. Baka gusto mong..."

"Opo, gagawin ko po ngayon. Uuwi na po ako ng Pinas." pagputol niya sa sinabi nito. Alam niya Kung ano ang sasabihin nito. Ang patayin lahat ng mahal niya sa buhay.

Yan ang hindi niya kayang mangyari. Isasakripisyo nito ang buhay niya, ang kasiyahan nito, kapalit sa mga buhay ng taong mahal niya

Pinutol na ni Tito Anton ang tawag kaya nag-iimpake na siya sa mga gamit niya.

She tried to compose herself, pretending that she's doing fine and even great. When at the first place she's drowning in pain and agony. She's breaking into pieces. But for the sake of her love ones, she'll do everything even when it leads her to a life like hell.

"Years have passed, I guess it's time for me to show up." bulong niya sa sarili at pumasok na sa entrance ng eroplanong sasakyan niya pauwi ng Pinas.

Pagkadating niya sa Pinas ay hindi muna siya umuwi sa bahay, pinuntahan muna niya ang taong pinakahuling tumawag sa kanya na lalaki bago siya umuwi dito sa Pinas.

Kahit ayaw niyang makita ang malademonyong taong yun ay wala siyang ibang magawa Kung hindi tatagan ang sarili niya at harapin ulit ito.

Bago niya pindutin ang doorbell ay bumuga muna siya ng hangin para kahit papano ay matatagan niya ang sarili niya. Huminga ng malalim.

Kahit kinakabahan siya ay patuloy niya pa ding pinindot at kasabay nun ang paglabas ng lalaki na nasa 50 na ang edad.

"You're here Ija, it good to see you, again. Get in." sabi ng lalaki ng nasa harap niya. Alam niya sa sarili na kahit gaano kaganda ng bati at ngiti nito sa kanya ay hindi niya pa din makuhang ngumiti ng matamis kagaya ng palagi niyang ginagawa noon. Hindi mawala ang galit at puot ng puso niya. Gusto niyang sigawan ito ng harap-harapan at sampalin. Pero para siyang pagong na palaging nakatago sa shell nito, wala siyang lakas ng loob na gawin ang gusto niyang gawin. Ang pagiging inosente at itago ang nararamdaman niya ang tanging magagawa niya. Ang saklap lang diba?

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon