"Oh come on, baka tinatakot lang tayo para hindi tayo tumuloy?" saad ni Klein.

"Basta sama sama lang tayo walang iwanan " dagdag pa niya.

"So tara?" alok ni Troy na ikinatango naming apat.

Pagkatapat ng flashlight sa isang tabi lahat kami na patili sa nakita naming isang lalaking 'di naman katandaan at gayon ay nakangisi saamin "Ahhhhh!"

"Manong tinakot mo pa kami." saad ko at hinahabol ang hininga ko.

"Jusko" ani Kelsy.

"Oh sorry for that going" mala may accent niyang sambit .

"This way to A.D.I." pinapasok niya kami sa lumang pinto at no choice kundi sundin ang gusto niya.

"Kel? Tama ba 'to?" nanginginig pa sa takot ang pagbigkas ko sa mga katagang yon.

"Ang alin?" wika niya.

"Na tinuloy pa natin?" mapait itong ngumiti saakin.

"Of course, 'di naman gano'n kapanganib dito...sabi nga ni Klein" ngumiti na din ako ng pilit. "Okay."

Pagpasok namin napamangha ako sa nakita ng dalawa kong mata, isang puting tiles at pader na gawa rin 'ata sa tiles at ang ganda super, ang pangit sa labas ang creepy pero pagpasok mo ang ganda.

"Whoa."-Troy.
"Ayos."-Theo.
"Ang ganda."-Klein.

"Ang ganda nga." dagdag pa ni Kelsy.

Habang naglalakad kami kung saan patungo biglang nagsalita si manong. 

"Oh I nearly forgot, I'm Sebastian Ranter one of the Imperials of this Academy in short assistant of Madame Valerie, you can call me Sir Sebastian." ani niya habang diretsong naglalakad.

May binuksan siyang elevetor at pumasok siya dito, well gano'n na lang din ang ginawa namin.

Ilang minuto nang bumababa ang elevetor pero hindi pa rin ito humihinto.

"Parang antagal naman 'ata?" nayayamot na wika ni Klein .

"Kaya nga." dagdag pa ni Theo.

Atat 'tong dalawang 'to hindi lang maghintay.

"Just wait." wika ni Sir Sebastian.

Tumayo ang balahibo ko ng tumigil sa pagbaba ang elevator. "Where here." nakangisi niyang saad at kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevetor.

Tumambad sa'min ang isang opisina na hindi kalakihan, pinagbuksan niya kami ng pinto at pagbukas nito ng pinto, tumambad sa'min ang isang babaeng nakaupo sa swivel chair.

"Madame Valerie, we're having a new student." magalang na ani Sir Sebastian.

Humarap ito, itim na buhok, mata, lipstick at damit, aura niya palang nakakatakot na ito, pero 'di ikakaila maganda siya

"Oh, are you sure you want to enter this Academy?" nagpa-swing-swing pa ang swivel chair na tila nilalaro niya ito.

"Of course." proud na saad ni Kelsy, kahit kaylan talaga 'tong babaeng 'to.

"Nabasa niyo naman 'di ba 'yong nakasulat "There's no exit when you enter?" tumango kami.

Humalakhak ito at isang evil laugh kumbaga. Wala namang nakakatawa.

"Ano ba ang mga kailangan para makapasok na kami?" naiinip na tanong ni Theo, napatingin ako kay Troy na naka-cross arm at nakapoker face, nakikinig lang sa usapan.

"Akin na ang mga papelas na meron kayo." agad naman kinuha ni Theo ang mga papeles namin na nasa kanya at inabot niya iti

"Okay pass." ngumisi ito, napatingin ako kay Sir Sebastian na gayon ay nakangisi rin ito.

"Huling pagkakataon, sure na kayo?"

Bakit gano'n? paulit-ulit ang tanong? parang sinusigurado nila na gusto talaga namin, hindi kaya...

Magsasalita pa sana ako ng unahan ako ni Kelsy kaya natikom ang aking bibig.

"Absolutely, sa tingin mo aatras na kami na ngayong nandito na kami? HA...HA...HA." nang-iinsulto kong wika.

"Well your now officially part of the A.D.I hope you survive, any question?"

"Iyon na 'yon? Wala man lang tuition fee or what?" may diin sa wika ni Klein.

"Wala" maikling ani Valerie na ikinakunot ng noo ko.

Imposibling wala.

"What are the rules?" tanong ko.

"Oh there's only one rule for here." napakunot ang noo ko.

"And what was that?" pataray na tanong ko.

"Follow all the rules given by the imperials, that's all."

Not bad.

"What about the foods?" 'to talagang si Troy puro pagkain ang inaatupag.

"It's free." nalaglag ang panga ko dahil do'n.

'Nakakapagtaka'

"Whoa! Ayon oh." masigla niyang wika, kanina tahimik lang.

"Wala nang ibang tanong?" ani Madame Valerie.

"Wala na." ani Kelsy.

Nakita kong naglagay ng mask si Madame Valerie at ganon na din si Sir Sebastian.

Nakaramdam ako ng antok dahil sa nasingot kong usok na lumabas sa opisina ni Madame Valerie, nakita ko ang pagsugod ni Troy kay Sebastian at hinawakan ang kwelyo nito pero agad din itong natumba sa sahig at nawalan ito ng malay.

Nanghihina ako sa amoy na iyon, napansin ko din sina Theo, Kelsy at Klein na nakahiga sa sahig na wala ng malay.

Napatumba ako dahil panghihina ng tuhod ko at gano'n na din ang pagsabay ng pagpikit ng dalawang mata ko.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay nakita kong lumapit saakin si Madame Valerie "Hope you all survive" saad niya na paulit ulit na parang eco na nagsa-sound sa utak ko at litong lito ako.

Sa sobrang antok na naramdaman ko hindi nagtagal nawalan na din ako ng malay.

:Chapter One will be publish soon.

»Comment?

Academia De InfernoWhere stories live. Discover now