CHAPTER 17

9 2 0
                                    

[Angel's POV]

"Anong gusto mong sakyan natin?"

Pagtatanong ni Lance nang makarating na kami sa Sky Ranch Tagaytay. Nakailang selfie pa muna kami sa labas bago siya bumili ng ticket sa entrance.

"Dun o. Loop Coaster tayo."

Mayabang at masayang sabi ko. Gagantihan kita dito.

"Ayoko dyan."

Sabi niya pa habang nasa bulsa ang pareho niyang kamay.

"Dun ko gusto e. Tara na."

Hinatak ko siya at pumila kami sa may loop coaster. Marami ang tao sa Sky Ranch at habang nakapila ay hindi ko maiwasang mainis dahil sa tili ng mga nasa likuran namin.

"OMG. He's so gwapo."
"Yeah. Get his number Judy."

Tsk. Malalandi. Kaya naman dahil sa inis ay ako ang pumulupot sa braso ni Lance.

"Natatakot kana ba?"

Bulong ko sa may tenga niya. Naabot ko ang height niya dahil tumapak ako sa may railings.

"No. Baka ikaw pa ang matakot."

Mayabang niya ring bulong sa akin.

"Hi Handsome."

Napalingon kami sa nagsalita at pakiramdam ko ay yung babae 'to sa likod namin. Tumingin ako sa nasa likod namin at mga nakangiti silang lahat kay Lance.

"Yes?"

Maangas na tanong naman ni Lance kaya bumaba ako sa railings at dumistansya sa kanya. Lakas ng apog ng mga babaeng 'to. Lumingkis na nga ako sa kanya, lumapit pa din.

"I'm Judy."

Malapad na ngiting sabi ng babae kaya napairap ako sa kanya at sa kamay niyang nakalahad pa. Tumalikod ako sa kanila dahil sa inis na nararamdaman ko. Malandi ka talaga Lance.

"Well, I'm Lance."

Dinig ko mula sa likuran ko. Talagang nagpakilala pa ang gago. Ibang klase. Isinama niya ako dito para makita ko siyang lumande? Bakit pa niya--

"And this is Angel."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap niya ako mula sa pagkakatalikod ko sa kanila at inakbayan.

"She's my girlfriend. I guess she's jealous of you so go out miss. And don't mess with our date."

Mayabang na sabi ni Lance kaya literal akong napanganga. Ang playboy na kasama ko ay nagreject lang naman ng babae. Totoo ba 'to? Pinakiramdaman ko ang sarili at narinig ko pa siyang tumawa bago siya lumapit sa akin para yakapin ako ng tuluyan. Damn this heart.

"Don't worry. Wala kang dapat ipagselos."

Bulong niya pa sa akin at mayabang ang dating non. Nagmamalaki.

"H-hoy!"

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at ayun na naman ang mga pilyo niyang ngiti.

"H-hindi ako nagseselos. T-tsaka di kita boyfriend para m-magselos ako."

"Hahaha. Ang pagseselos ay hindi nangangailangan ng relasyon, Angel."

Tatawa-tawa pa rin niyang sabi. Hindi ko tuloy namalayan na kami na pala ang sasakay kung hindi lang niya ako hinatak papasok. Nanatili akong tahimik nang makasakay na kami sa may pinakadulo.

Hidden Feelings (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant