Chapter 19 part 1

Start from the beginning
                                    

“Jesica, sabihin mo nga sa akin kung anong meron ang lalaking yun at bakit mas gusto mo pa siyang makasama kaysa sa akin.” Nanghihiang isinandal ni Vincent ang likod sa sandalan ng silyang kinauupuan.

“He’s my friend since we were in college kami na ang magkakasama. Ano na naman bang laro ito? Wala na naman ba kayong magawa ng mga kaibigan mo?” Sunud-sunod na tanong ni Jesica, dahil kahit anong gawin ni Vincent ay hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito sa kanya. Nagkamali na siya noon kaya nag-iingat na siyang muling maulit ang mga pagkakamali niya.

“I’m not playing, seryoso ako sayo.” Mabilis na ginagap ni Vincent ang kamay ng dalaga na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

May kakaibang naramdaman si Jesica kahit sa simpleng hawak lamang nito. Gusto niyang pagalitan ang sarili ng mga sandaling yun. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila habang hawak pa rin ni Vincent ang kamay niya.

 

“Vincent, bakit mo ba gustong panagutan ang nangyari sa atin noon?” Lakas loob na tanong ni Jesica dahil may mga kataga siyang gustong marinig mula sa binata.

“Honestly, I don’t know basta ang alam ko lang ay  gusto kong ituwid ang mga pagkakamali na ginawa ko.” Naguguluhang tugon ni Vincent.

Nadismaya si Jesica ng marinig ang sinabi ni Vincent. “I’ll give you 3 months to think about it. Hindi ako pwedeng pumasok sa relasyon na sinasabi mo ng walang kasiguruhan at tandaan mo may batang involve dito.”

“Handa kong tanggapin ang anak mo..” mabilis na tugon ni Vincent.

 

“That’s not my only point Vincent! I’m also talking about emotions, hindi kita pwedeng papasukin sa buhay naming mag-ina kung wala tayong nararamdaman sa isa’t isa.” Paliwanag ni Jesica dito sabay bawi sa kamay niyang hawak pa rin ni Vincent.

“Hindi ko pa ba nasabi sayo? I love you Jesica.” Tuwid na tinitigan ni Vince tang dalaga at muling ginagap ang kamay nito.

Umiling si Jesica sa narinig. “Ganyan ka na ba kadesperado para lang mapapayag ako sa gusto mo?”

 

“Please believe me, hindi kita …”

 

“Alam kong may mga plano ka para gantihan ako.” Putol ni Jesica sa sasabihin pa sana nito.

“Huh? What are you talking about?” naguguluhang tanong ni Vincent. Nahihirapan na talaga siyang intindihin ang dalaga.

“Ang iniisip mo hanggang ngayon ay ako ang naglagay ng drugs sa alak natin ng gabing yun. Naalala ko pa rin ang mga huling salita mong binitiwan noon.” Biglang pumiyok ang boses ni Jesica ng maalala ang tagpong yun. Marahas niyang hinila ang kamay na hawak nito.

Nanlulumo si Vincent habang nakikinig kay Jesica hindi niya akalain na ganito pala ang itinatakbo ng isip nito. “That’s not my intention, I love you.” Halos gusto na niyang ipagsigawan dito na mahal niya ito.  

Masaya sana si Jesica sa mga oras na yun habang sinasabi ni Vincent na mahal siya nito ngunit dahil sa kanilang nakaraan kaya hindi niya kayang paniwalaan ang sinasabi ng binata.

“Sabihin mo yan pagkaraan ng tatlong buwan. Bigyan mo rin ako ng panahon para makapag-isip.” Sabay tayo ni Jesica.

Kahit gusting magprotesta ni Vincent sa desisyon ni Jesica ay wala na siyang magawa kundi sundan na lamang niya ng tingin ito habang papalayo sa kanya.

____________________

A.N.

Enjoy reading :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^_^ 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now