Truth 18

49 4 1
                                    

Inabot na ako ng gabi dito sa bahay ni Cloud kahit wala naman kami masyadong ginawa kung hindi mag asaran at mag kulitan.

7pm na at 'eto kaming dalawa at nanonood ng movie.

Nang mayroong scene na pumunta yung mga actors sa isang club, I suddenly miss going in different clubs with my friends.

I remembered, doon sa club sa New York kami nagka kilala nito ni Cloud.

Napaisip ako bigla, parang gusto ko ulit pumunta sa lugar na ganon, maingay pero masaya. The last time that I went on a bar was scary.

Pero kung pupunta naman ako ngayon, kasama ko naman si Cloud at isa pa, mabuti na lang at hindi nag paparamdam o nagpapakita yung taong naka maskara na 'yun kaya magaan na rin ang loob kong sumama sa kung saang lugar, and I am with Cloud naman kaya alam kong safe ako.

"Cloud, may alam kang malapit na bar or club dito?" I asked, napakunot naman ang noo n'ya sa tanong ko

"Uh oo meron naman" sagot n'ya na halata ang pagtataka

"Tara, ang tagal ko na rin hindi nakaka punta sa ganon, at ang tagal ko na ring hindi umiinom. I promise I won't get drunk." Ngumiti ako sa kanya at pinagdikit ang mga palad ko na akala mo'y nagdadasal.

"Hmm. Okay" bumuntong hininga s'ya saka tumayo at nagpaalam na magbibihis na muna kaya ganon din ang ginawa ko.

"Are you sure na hindi ka malalasing mamaya? Pinapaalala ko lang ha, baka magsuka ka pa dito sa kotse ko." Cloud said while driving, he looked at me and rolled his eyes before focusing on the road again.

"Cloud, mataas ang tolerance ko sa alak. Baka mamaya ikaw ang malasing d'yan!" Ako naman ang umirap sa kanya.

Ang arteng lalaki talaga nito!

Umiling na lamang s'ya ang hindi na ako sinagot.

When we finally arrived in the club, Cloud grabbed my hand as we walked inside.

Sumalubong agad sa amin ang mga taong nagsasayawan habang sobrang lakas ng music. Shit, I miss this kind of place.

Hindi naman masyadong siksikan dahil malaki naman ito, we sat on a couch and order our drinks.

An hour had passed, kakaunti pa lang ang naiinom ko kaya matino pa isip ko. Like what I said, mataas ang tolerance ko sa alak kaya hindi ako basta basta nalalasing.

Habang si Cloud naman nakatabi ko ay nakasubsob na? Okay? Lasing na agad? Tumaas ang kilay ko sa kanya at niyugyog s'ya ng kaunti.

"Cloud? Okay ka lang ba? Lasing ka na agad?" I asked concerned.

Sa halip na sumagot ay tumunghay s'ya at saka ipinatong ang ulo n'ya sa balikat ko.

He put his arms on my waist, kaya parang nakayakap s'ya sakin.

Hindi naman ako nakagalaw sa ginawa n'ya, heto na naman yata ang malanding si Cloud.

"H-hey, Cloud. A-are you drunk already?" Nahihirapan kong tanong. Shit! Nag iinit yung pisngi ko sa ginagawa nya.

"Tipsy." He whispered on my ear. Damn. Lalo pa akong kinabahan nang ibaon n'ya ang ulo n'ya sa leeg ko.

I swallowed hard, I can't breath. I bit my lower lip as I felt his hot breath on my neck.

Hindi ako aware na mas malandi pala s'ya kapag nakainom!

Damn hindi ko kinakaya, baka mahimatay ako dito. Kailangan kong huminga.

Tumikhim ako bago s'ya mahinahong tinapik sa braso.

"U-uhm a-ano, Cloud, wait lang h-hindi kasi ako makagalaw e." Jusmiyo pahirapan ako sa pag sasalita!

Undelivered TruthWhere stories live. Discover now