Truth 15

53 5 0
                                    

Nagising ako sa aking mahimbing na tulog dahil sa ingay na nanggagaling sa baba.

Balak ko sa ulit bumalik sa pagkakatulog dahil baka kung ano lang yon

Pero..teka lang! Iminulat kong muli ang aking mga mata at bumangon sa kama ko.

Kinakabahan ako! Hoy! Hindi kaya may magnanakaw na nakapasok sa pamamahay na 'to? Jusko masakit ang parin ang paa ko, hindi ako makakatakbo kung sakaling may magnanakaw nga!

Nadako ang aking mga mata sa alarm clock na nasa table sa tabi ng kama ko. Sino namang tanga ang magnanakaw ng alas onse ng umaga?

Bobo naman ng magnanakaw na 'yun!

Bumaba ako sa kama ko at iika-ikang maglakad palabas ng kwartong ito at dahan dahan din akong bumaba.

Nang dalawang hakbang na lang ang gagawin ko ay bigla namang sumulpot sa harapan ko ang isang lalaking naka apron at nang makita n'ya ako ay binigyan n'ya ako ng isang ngiti.

At dahil sa pagkakagulat ko ay namali ako ng hakbang kaya naman nadagdagan na naman ang sakit ng paa ko at natumba ako sa sahig.

"Ay! Anak ka ng tokwa! Aray ko! P*tang*na ang sakit!" Daing ko habang nagpagulong gulong sa sahig! Ang sakit jusko!

"Woaahh! Ashira, dahan dahan kasi!" Dinig kong sabi sa akin ng lalaking ngayon ay inaalalayan na akong tumayo.

Nagdadahan dahan naman ako ah! Eh kung hindi s'ya biglang sumulpot sa harapan ko edi sana hindi ako nagkamali ng tapak at nahulog, hindi ba? Ba't parang kasalanan ko pa?

"Tsk! Kasalanan ko pa eh ikaw nga itong bigla na lang nasulpot dyan! Saka ano ba na naman kasi ang ginagawa mo dito, Cloud? At pano ka nakapasok ha?" Naiinis kong pahayag kay Cloud at hinampas ko ang kanyang balikat.

Inalalayan n'ya naman akong makalakad hanggang maka upo sa sofa at naupo s'ya sa tabi ko.

"Okay, first of all, I'm sorry kung nagulat man kita. And paano ako nakapasok dito? Dahil kay Jinyoung." Paliwanag n'ya naman sa akin.

"Nasaan si Jinyoung?" Nagtatakang tanong ko habang hinahanap ng mga mata ko si Jinyoung.

"Nasa dinning table kumakain na, tara na kumain ka na rin." Saad n'ya saka ulit ako inalalayan papunta dinning table.

Mukha tuloy akong literal na pilay -_-

"Hi." Maigsi ngunit nakangiting bati ni Jinyoung sa akin ng makaupo ako.

"Anong trip mo at napadaan ka dito?" Taas kilay kong tanong.

"Ang taray mo naman! So ganito, 12 pm pa kasi ang pasok ko sa school at wala akong pagkain sa bahay dahil nakalimutan kong mag grocery kaya naisipan kong dumaan dito at makikain at saka bisitahin ka na rin. Sakto namang nasa tapat ng bahay si Kuya Cloud at since may duplicate key naman ako edi pinapasok ko na rin s'ya. S'ya nga ang nagluto ng almusal. Ano? Napaliwanag ko naman ng maayos so wala akong matatanggap na hampas mula sayo?" Mahaba n'yang paliwanag, nadako naman ang tingin ko kay Cloud na nakaupo sa harap ko at nakangiti ito ng malapad pati na rin si Jinyoung.

Iiling iling naman ako sa dalawang lalaking ito. Parang silang mga timang sa ngiti nila, hays.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si Jinyoung dahil papasok na daw s'ya.

Nakaupo kaming dalawa ni Cloud sa sofa.

"Kamusta na 'yang paa mo?" Tanong n'ya at parang sinusuri yung paa ko.

"Magaling na sana kaso lang kung hindi ako nagulat dahil sayo baka hindi nadoble ang sakit nito!"

"Hehe sorry na nga."

Undelivered TruthWhere stories live. Discover now