Truth 12

38 3 4
                                    

After naming magpaalam ni Woojin sa isa't isa ay sumakay na ako sa aking kotse. Huminga ako ng malalim sabay pinunasan ang mga luha ko. I'm really going to miss Woojin, hays. Another reason kasi kung bakit ayokong sumama sa kanila sa Korea is because ayoko maging pabigat sa kanila, kahit naman close ko sila e nakakahiya parin.

Habang nag d-drive ako pauwi ay nakakaramdam ako ng antok, kasalanan to ni Woojin dahil buong magdamag yata kaming nagkulitan ng nagkulitan last na raw kasi oh ayan bangag tuloy ako.

Ngunit bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang biglang may lalaking tumatawid na naka headset mabuti na lang at mabilis kong naipreno ang sasakyan ko at dahil din gulat din ng lalaking iyon ay natumba sya.

Napahinga ako ng malalim saka pinilig ang aking ulo, bumaba ako ng sasakyan para tignan kung nasaktan ko ba ang lalaking muntik ko nang mabangga. Jusko, ayoko nang maulit nag pangyayari noon.

Nilapitan ko sya at tinulungang tumayo,

"Okay ka la--" naputol ang sasabihin ko nang mapagtantong ang lalaking muntik ko nang mabangga ay si

"Jinyoung?!" nagulat din sya ng makita nya ako kaya agad syang tumayo at pinagpagan ang sarili nya.

"Teka, Jinyoung anong ginagawa mo dito? Akala ko ba kasama ka na nila Mama at Papa?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Dito ako nag - aaral, Ate." Sagot nya saken. Huh? Buong akala ko ay don sya sa Korea nag aaral.

"Ah..okay. Eh bat hindi ka naka school uniform?" Takang takang tanong ko.

"Uh..kase sabado?" Nakataas kilay nyang sagot. Ay oo nga pala, ang bobo ko naman sa tanong na yon.

"Teka saan ka nga pala pupunta?" Tanong ko ulit.

"Hmmm. Sa mall, ang boring kasi sa bahay eh." Ay wow may sariling bahay din haha.

"Uh tara? Sasamahan kita." Nakangiti kong pag aya.

Nagkibit balikat naman sya bilang sagot saka kami sumakay sa kotse ko.

Pagkarating namin sa mall ay napag desisyonan naming manood ng sine. Pagkatapos non ay dumiretso kami sa arcade, napili ko namang maglaro sa claw machine at naiinis nga ako eh! Hindi ako makakuha ng stuff toy! Ugh! Parang tanga akong pinaghahahampas yung machine samantalang si Jinyoung ay halos maglupasay na kakatawa. Hmp! Manang mana sa kuya nya!
Tapos humingi sya ng token sa akin at s'ya yung naghulog don sa machine at napanganga ako ng makakuha s'ya ng isa! Pag ako hindi ako makakuha? Ibang klase naman kadayaan ng machine na ito!

Dahil sa inis ko ay kinaladkad ko na si Jinyoung palabas ng arcade matapos n'yang makuha ang ang stuff toy na inaasam asam kong makuha kanina pa! Hmp. Doraemon pa naman yon!

"Hahahaha! Teka lang Ate Ashi saan tayo pupunta?" Natatawa n'yang tanong

"Kakain! Naiinis na ako 'don! Naubos ying 500 pesos ko sa pagbili ng token tapos wala man lang akong nakuhang kahit isang stuff toy!" Naiirita kong pahayag. Napaka daya talaga!

"Eh bakit kasi dun mo lang inubos yung token mo? Hahahahahaha!" Aba't talagang nang iinis pa ang batang ito!

"Di ka titigil sa kakatawa Jinyoung? Sasapakin kita dyan!" Saad ko saka ko sya binitiwan ang naunang maglakad ng padabog.

"Luh, Ate Ashi wait lang!" Dinig kong tawag n'ya at mabilis s'yang nakasunod saken kaya huminto ako saka s'ya hinarap, nakatungo lang s'ya habang tinititigan yung Doraemon na hawak n'ya. Hala teka! Nag jojoke lang naman ako e kaya ako nauna maglakad kase nagugutom na ako.

Undelivered TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon