Truth 14

53 4 1
                                    

Katatapos ko lang hugasan ang pinagkainan ko at naisipan kong umupo muna sa sofa pero bago ko pa yun magawa ay bigla namang may kumatok sa pintuan.

Sino ba naman ang kakatok dito eh wala naman akong kakilala dito saka my gosh hindi pa ako nakakapag ayos ng sarili ko! At dahil parang taeng tae na 'tong kumakatok na 'to ay napatakbo na ako para pagbuksan kung sino man s'ya

Ngunit napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko ng bunungad sa harap ko si Cloud na malapad na nakangiti.

Shit! Nakakahiya yung hitsura mo Ashira! Mukha pa naman akong losyang! Naka over sized shirt lang ako at may maikling shorts tapos gulo gulo pa yung buhok ko! Jusko mama lamunin na sana ako ng lupa nakakahiya kay Cloud!

"C-Cloud..a-anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong sabay biglang itinago ang sarili ko sa likod ng pintuan at idinungaw ang ulo ko.

Napatawa s'ya sa ginawa ko at bigla naman nag init ang mukha ko. Shit! Nakakahiya talaga!

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin muna sa loob ng bahay mo?" Natatawa n'yang tanong.

Awkward naman akong ngumiti at nadalawang isip na papasukin s'ya. Ang gulo gulo pa ng bahay!

Pero no choice na ako, nandito na s'ya e. Mas nakakahiya naman kung hindi ko s'ya papasukin.

Pero mas nakakahiya yung hitsura ko. Hays! Bahala na nga!

Binuksan ko nang malaki ang pintuan para makapasok s'ya.

"Hmm..pasenya ka na ang dumi pa ng loob ng bahay, saka ang dumi ko pa, upo ka muna." Nahihiya kong pahayag

Natawa naman ulit s'ya at biglang bumaba ang tingin n'ya sa suot kong t-shirt na may printed na mukha ni Min Yoongi ng BTS. Hala sya.

"I like your shirt." Nakangisi n'yang tugon. Napataas naman ang kilay ko, luh? Nukayayun? Natatawa ba s'ya kasi pang k-pop fan tong suot ko? Eh bakit ba fan ako e!

Tinakpan ko na lang yung damit ko saka tumakbo pataas. Nadinig ko naman ang halakhak n'ya. Pinagtatawanan yata ako ng lalaking iyon!

Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng damit na isusuot. Pagkatapos non ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Nang hinubad ko ang shirt na suot ko ay tinitigan ko ito, ano kayang nakita ni Cloud dito? Hmp. Porket kamukha n'ya si Min Yoongi!

Napatawa na lang ako saka nagsimulang maligo at mag ayos ng sarili.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay mabilis akong nag ayos ng mukha at buhok ko saka bumaba.

Nakangiti naman akong tiningala ni Cloud saka kumaway. Nang makababa ako ay tumayo ako sa harapan n'ya

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Didn't I told you that I'm going to help you find your happiness?" Tugon naman n'ya

"Oh e ano ang gagawin natin?" Taas kilay kong tanong.

"Hmm. Anything." Nakangiti n'yang sabi.

Parang baliw.

"Let's go!" Masiglang pahayag n'ya

"Saan ba tayo pupunta kasi?" May pagka irita kong sabi. Para kasing baliw ayaw pang sasabihin

Di na naman ako sinagot -_- basta lumabas na kami ng bahay namin tapos paglabas namin ng sa gate ng bahay ko dire-diretso lang kaming naglakad.

Mga 1 minutong paglalakad namin nakatapat kami ngayon sa isang malaking bahay. Bahay nila ni Sydney -_-

Ang arte naman ng isang ito, ayaw pang sabihin kanina sa bahay lang pala nila kami pupunta. Lakas makasabi ng 'didn't i told you that I'm going to help you find your happiness'.

Undelivered TruthWo Geschichten leben. Entdecke jetzt