Truth 3

83 4 0
                                    


Seriously? 2 am na but I still can't sleep, what is wrong with me? Bakit ba di ako dinadapuan ng antok?! Di ako mapakali! Naalala ko na naman yung nakita ko earlier, bigla na namang nanlamig ang buong katawan ko, kinilabutan muli ako. I don't know pero ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, feeling ko may mali, feeling ko may masamang mangyayari. Ayaw kong isipin pero--ugh! Ano bang nangyayari sayo Ashira Robles?! Ngayon ko lang naramadaman yung ganito.

Ano bang pwede kong gawin para makatulog? Seryoso! Bakit ba ako nagkakaganito? Kahit ipikit ko yung mga mata ko wala parin e, lalo lang akong kinikilabutan. Bakit nga ba? Jeez! Gusto kong matulog pero ayaw ng katawan ko!

Ah alam ko na!

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Woojin, maybe he can help me. Nakakadalawang ring pa lang at sinagot nya agad, alam kong nasa gising pa sya at maya maya pupunta na sya sa airport, pasalamat na lang ako at di pa sya tulog.

"Oh? Bat gising ka pa? 2am na ah" bungad nya sakin.

"I can't sleep" sabi ko sa kanya,

"You can't sleep? Tsk ako inaantok na ako, bahala ka dyan wag ka mang istorbo tutulog na ako!" Naiinis nyang saad

"Wait, help me! Pano ako makakatulog?" Pagamamakaawa ko sa kanya.

"Haist! Drink milk!" Suhestyon nya pero halata parin ang pagkainis nya.

"Luh, milk? Hello pambata yun, di na ako nainom nun." Reklamo ko tunay naman ah, baka di na tumalab sakin yun.

"Bakit may Bear Brand Adult Plus naman ah!"

"Gago! Ang alam ko ang gatas pampalakas, hindi pampaantok!"

"Oh e bakit magtatanong tanong ka tapos di ka maniniwala balakajan! Subukan mo lang naman kasi, nagawa na yan ni Spongebob!"

"Wow si Spongebob talaga ha! Seriously, Woojin, gusto kong matulog pero ayaw ng katawan ko!"

"Edi mag sleeping pills ka! Ayaw mong uminom ng bear brand adult plus eh!"

"Ayoko mag pills! Sige ittry ko uminom ng milk! Siguraduhin mong tatalab yun ah!"

"Oo naman, tatalab yun, bear brand adult plus e!"

Lintis na bear brand adult plus yan! Paulit ulit nakakairita!

"Bakit ba pinagpipilitan mo yang bear brand adult plus na yan?"

"Bakit pang adult yun, edi kung ayaw mo, mag Bonakid ka!"

"Walang bata dito sa bahay panong magkakaron ng gatas na Bonakid dito! Anlene meron dito oh gatas yun"

"Bahala ka sa buhay mo! Basta uminom ka ng gatas! Makakatulog ka, trust me, I tried it effective sya! Lalo na kung bear brand adult plus yan! Yun yung ininom ko e"

Gago! Eto na naman tayo sa gatas na yan! Sinabi nang Anlene nga lang ang meron dito!

"Pisti ka! Sige na thank you na rin sa suggestion. Pag ako di nakatulog nako! Sige na bye!" Paalam ko sa kanya

"Sige na, Bye! TODO BUSY NA!!" Sabi nya, aba't may pagkanta pa, ang lakas ng boses kaya nailayo ko sa tenga ko yung phone ko. Gago talaga, kung nasa eroplano yun at dun nagsisigaw malamang nasermonan yun ng ibang pasahero, Tsk tsk kulit kausap!

Umupo ako sa kama ko at isinandal ang ulo ko sa headboard. Huminga ako ng malalim. Actually susundin ko si Woojin, pero gosh it's quarter to 3, ang creepy sa baba. Pinikit ko ang mata ko habang nakasandal parin sa headboard, huminga ako ng malalim at nag iipon ako ng lakas ng loob para bumaba, oo ako na duwag.

Undelivered TruthWo Geschichten leben. Entdecke jetzt