Truth 17

50 4 2
                                    

* tok tok*

"Nuguseyo?" Bungad ko ng buksan ko ang pintuan.

Taas kilay naman akong sinalubong ng mukha ni Cloud at parang nagtataka kung anong sinasabi ko.

"Sinasabi mo dyan?" Taas kilay n'ya paring tanong.

"I mean, who's there" nakangiti ko namang tugon.

Nahihilig na kasi ako manood ng K- Drama kaya ayan ang natutunan ko.

Ang bilis ng panahon, 3 weeks na kaming gumagala at kung ano-anong pinagagagawa. And legit, it's making me happy.

"Oh ano saan na naman tayo dadako?" Tanong ko

"Sa palengke." Tipid n'yang sagot.

Luh? Bakit doon?

"Meron ba ng mga yun dun?" Nakataas kilay kong tanong.

"Doon nga madalas binibili yun eh." Sagot nya naman.

"Tara na nga!" Sambit pa n'ya.

Napairap naman ako sa kasama kong 'to saka lumabas ng bahay namin at naglakad.

"Masarap ba 'yon?" Tanong ko bigla habang naglalakad kami.

Malapit lang naman kasi yung palengke dito kaya hindi kailangang sumakay.

"Oo nga, promise mapapadalas ang kain mo nun kapag natikman mo." Pangungumbinsi n'ya sakin

"What do you call that again?" I asked.

"Kakanin." Sagot n'ya

"Oh right."

Ilang minuto pa nang paglalakad ay nakarating na rin kami sa palengke. Hala baka sa loob pa yun ha.

Maarte na kung maarte pero dang! To be honest ngayon lang talaga ako makakapunta sa ganitong lugar.

Pero mabuti na lang at hindi. May mga stall dito na nilapitan namin at punong puno iyo ng mga pakain na bago sa aking paningin dahilan ng aking pag ngiti.

Ang cute kasi ang colorful! Merong color violet, may color orange, basta makulay!

Automatic naman akong napa -wow sa nakikita ako.

Ito na yata yung sinasabi ni Cloud na kakanin.

Nagsimula naman akong magtuturo ng mga gusto kong tikman kahit na hindi ko naman alam kung anong tawag don pero turo lang ng turo. Haha 21 years na akong nabubuhay sa mundong ibabaw pero ngayon ko lang naisipang kainin ang mga 'to!

Pagkatapos naming mamili, ayun edi ang dami naming bit bit. Ang bigat pero no choice, ginusto ko 'to!

Kahit na hirap na hirap na ako sa pagdadala syempre lakad lang ng lakad, alangan namang ipadala ko pa 'to kay Cloud eh marami din s'yang dala.

Pagkarating namin sa bahay nila, agad kaming pumunta sa dinning table at agad naman akong umupo dahil sa pagod.

Nagsimula namang ihanda ni Cloud lahat ng binili namin, at sa dami ng mga yon ay tinulungan ko s'ya.

Napatawa ako ng makitang halos mapuno yung lamesa dahil sa dami ng kakanin na nakahanda.

"Mauubos ba namin lahat 'to?" Natatawa tawa kong tanong.

"Ewan ko sayo, ikaw pumili n'yan diba." Tawa din ni Cloud.

Tss akala mo naman wala s'yanh pinili don, samantalang s'ya recommend ng recommend na kesyo ito masarap to, ito oh grabe ang lasa nito.

Undelivered TruthWhere stories live. Discover now