SASSY 10

24 3 0
                                    

SASSY TEN

"Ah! Hindi pa rin ako naka get-over. Ikaw Valena ha," natatawang sambit ni Akee.
Napatawa narin ako habang kumakain ng lollipop sa tuwing naiisip ko ang mga pangyayari kanina.

"HAHAHAHA!"

" Tumigil na nga kayo d'yan. Napalingon na 'yung iba sa atin oh," saway naman ni Nadi sa amin.
Nagpatuloy narin kami sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang classroom. Sabay rin sa pagka-ubos ng lollipop ko kaya kumuha na naman agad ako ng panibagong LOLLIPOP!!

"Pahingi," inilayo ko agad kay Akee ang lollipop ko. NO NO NO NO! 'Wag ang lollipop kooo!

Dali-dali agad akong umupo sa puwesto ko. Bahala kayo d'yan.

"Tabi kayo lahat!"

"Wahhh! They're here! They're really here!"

"Pantay lang ba ang lipstick ko?"

"Oo! Bagay na talaga kayo ni Dwight!"

"Vince!! Will you marry me?!"

" Huh! Sa akin siya nakatingin besh!"

"No! Jake is staring at me!"

"Ang cool talaga ni Liam kahit nakapikit na!"

I was about to get mad because of noise but when I raise my head... THERE!

"BABYLAAAABSSS!"

See? All heads turned to me. Haha!

When he looked at me, I just smiled at him then waved my hand.

BLANK. His eyes is just blank. I didn't see any emotions unlike the four others.

Pumasok na rin ang guro namin kaya't tumahimik na rin kaming lahat.

"Okay class, yesterday we discussed about the blah, blah, blah --"

Sorry! Hindi ko bet makinig ngayon. Mas mabuti pa kung kakain nalang ako ng... LOLLIPOP!

Napahikab na nga ako dahil sa kakakakinig ng nagsasalita dito sa harap. Lumingon ako saglit sa likuran.

Ano ba 'yan?! Bakit si babylabs ay maiging nakikinig pati na rin ang apat. Pa rin sina Akee at Nadi at ang mga kaklase ko. Ako lang ba 'tong walang interes sa klase namin? Hmmm...

"Psst! Psst!" Sitsit ko kay Van. Ayy, bingi. Ulitin ko nga. "Yohoo! Babylabs!"
Pabulong ko pang tawag sa kanya. Napatingin siya sakin. At last!

"Do you need something Ms. Vasquez?" Oops! Na disturbo ko yata. Ganyan ba niya kamahal ang aming discussion kaya kahit tinatawag siya ay parang...galit? O kaya't sa guro namin siya nakatingin dahil sa iksi rin ng suot nito?! Hmp!

Yahh! Makitanong nga mamaya kay Nadi kung meron bang Tailor shop dito sa malapitan para mabilhan ko ng mataas na damit ang gurong ito.
Napansin ko ring ang lagkit kung makatingin ito kay babylabs kaya nasagot rin ang hinala ko.

MAY GUSTO ANG ESPASOL NA ITO SA BABYLABS KO!

"Wala! 'wag nalang," bugnot ang mukha kong sumagot sa kanya. Napakunot ang noo nito. Hmmp! Ang landi niyong dalawa! E 'di magsama kayo.

Teka nga! Bakit ba ako nagagalit? Siguro nagugutom lang ako. Oo! Nagugutom lang ako na ang sarap na ngang kumain ng mga malalanding impakto! Ay 'wag nalang baka mahawaan pa ako o 'di kaya ay malason pa. Juice colored!

VALENTINA: My Sassy GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora