SASSY 8

17 2 0
                                    

SASSY EIGHT

Nandito kami ngayon sa canteen at kasalukuyang kumakain.

*sigh*

*giggle*

"Hoy! Pang-ilang beses mo nang ginawa 'yan?" Sita sa akin ni Akee. Hayst... ahehehehe! Kanina pa ako ganito dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. Ewan ko ba.

Baka dahil sa nakasama ko ang kinikilala nilang A5.
Wala namang gaanong nangyari eh bukod sa pumunta lang kami sa isang sikat na bar. Umiinom lang kaming mga babae ng juice samantalang alcoholic drinks 'yung sa A5. 'Yun na nga eh! Minor de edad pa pero 'yung iniinom nila, pang malaking tao na.

Hindi rin kami nagtagal doon dahil sa insidenteng naganap noon sa gabing iyon.

*flashback*

"Wooh! We're here!"

" Babies! I'm back!"

"Argh! It's better if I'm sleeping right now on my wide bed at home."

*giggles* "Seems like it's been a while since we're here,huh?"

"Let's get inside."

Nakinig lang kaming tatlo nina Nadi at Akee habang nagpapalitan ng salita ang limang kumag pagbaba namin sa kanilang sasakyan.

Pagpasok namin ay kanya-kanyang hiyawan at tawanan ang narinig ko sa loob at iba't ibang klaseng sayaw ang ginawa ng ibang tao.

Meron ding mga lalaking ang astig ng mga mukha kung tumingin. May napansin rin akong lalaking napatingin dito sa aking kinaroroonan at tinitigan ako mula ulo hanggang paa at napa-lip bite kaya bigla akong napalapit sa likuran ni Van.

"Babylabs oh! May raper!" Takot kong sambit sa kanya kaya napayuko siya at tinignan akong nasa likuran niya.

Akala ko may sasabihin siya 'yun pala napangisi lang siya tsaka bumalik sa kanyang tinitignan. Hmp!

"Let's go to our usual spot." Narinig kong sambit niya kaya sumunod na naman kaming tatlong itlog dito sa likuran. Salamat naman at makaiwas na ako sa nakakailang na titig ng isang mukhang unggoy dito.

Nakaupo na kaming...pito? Asan ang isang kumag?

"Teka, nasaan na 'yung isang kasama niyo?" Tanong ni Akee. Napansin din niya pala ang pagkawala nito.

"As usual. Andun na sa kanyang babae," sagot ni Vince sabay tayo." I'll get our drinks."

"Teka, sama ako." Biglang tumayo si...sino nga ba 'tong singkit na may dimples? Ah! Si Jake!

"Okay."

Kaming lima nalang dito. Napansin kong hindi mapakali si Akee. Hmmm...

"May problema ba Akee?" Tanong ko sa kanya.

VALENTINA: My Sassy GirlWhere stories live. Discover now