SASSY 3

38 5 1
                                    

SASSY THREE

Nakasimagot akong naglalakad mag-isa ngayon sa hallway.

Bakit? Kasi nga nag-iisa ka lang. Iniwan ka kasi sa ere eh.

Aray.

Nang napansin kong malapit na ako sa classroom ay inayos ko na ang sarili ko. I placed my two fingers in my face and forced myself to smile. Sinapak ko nalang 'yung ulo ko.

Nakatok naman siguro ka Valentina. Mura na jud kag b*ang. Uyab to nimo kay mag ing-ana ka? [Nasisiraan ka na siguro Valentina. Para ka na talagang baliw. Boyfriend mo ba 'yon para maging ganyan ka?]

"Saan na ba yung kasama mo?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Nadia pagpasok ko sa classroom. Napansin niya sigurong wala akong kasama pagbalik ko dito.

"Ewan, biglang may tumawag sa kanya kaya ayun umalis. " Sagot ko sa kanya.

Hindi na rin siya sumagot at kasabay nito ang pagpasok na rin ng susunod na magtuturo namin. As usual, inub-ob ko na naman yung ulo ko sa mesa tsaka hindi na naman nakinig. Tinatamad ako ngayon eh.

* (after 1 hour)

*poke poke*

"Vali, gimising kana. Lunch na. " Pakurap-kurap kong ibinuka ang mata mga ko nang marinig ko ang boses ni Nadia. Teka... "Lunch na?! " Bigla kong sigaw sa kanya.

"Hindi. Breakfast pa. " Pilosopong sagot niya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata ko. "Lunch na nga sabi eh. "

Dumating na kaya si babylabs? Saan kaya siya galing kanina?May ka-date ba siya kanina? Kaya ba bigla bigla nalang siyang umalis kanina--

"Hoy, Vali! Yohoo..." Napabalik ako sa realidad nang tawagin na naman ako ni Nadia.

"Sige, tara na." Anyaya ko narin sa kanya. Bakit ko ba naisip ang isang yun? Ano ba yan,Valentina?

* Sa canteen

"Anong gusto mong order-in Vali? My treat. " Biglang tanong sakin ni Nadia. Hmmm... Nangangamoy libre to ah. Hehehe.

"Ikaw nalang bahala, Nadi. Kahit ano basta mabubusog ako. Heheheh." Sagot ko sa kanya. Siya naman ang bibili eh kaya siya nalang ang pumili dun.

I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And I'm fallen in love
I fin'lly know
How it feels--

Teka ringtone ko yun ah! Dali kong kinuha sa bag ang cellphone ko tsaka sinagot agad.

"Hello? "

"Valenaaaaa!! " Aray! Makabasag eardrum naman ang sigaw---
Teka! Alam ko ang boses na 'to ah!

"Akeesha?! " Napasigaw ako ng bonggang bongga kaya napalingon tuloy ang ibang mga estudyante sa loob ng canteen. Sorry naman... Napa-peace sign ako sa kanila.

"Opkurs! Ang nag-iisang may napakagandang boses dito sa buong--"

"At bakit napatawag ka?" Putol ko na sa sinabi niya. Eh wala naman yang ibang sasabihin kundi ang pagmamalaki ng kanyang napakagandang boses KUNO niya.

"Napilit ko na si Papaaaaaa!!!! " Aray na naman! Lord, kaibigan ko siya. Kaibigan ko siya... Kahit nasanay na ako sa boses niya eh hindi ibig sabihin hindi na rin masasaktan tainga ko noh!

"Pwede bang tigilan mo kakasigaw diyan? Basag na basag na eardrum ko sayo eh! " Pagpipigil ko sa kanya.

"Aray naman, Valena. Parang hindi ka pa nasanay eh. Kaibigan mo ba talaga ako? Huhuhu. " Andyan na naman siya sa kanyang pagtatampo eh.

Kung nagtataka kayo kung bakit Valena yung tawag niya sakin, ayaw niya kasi sa mga pangalang may apat na syllables.

Nakakapagod daw bigkasin. Tsk tsk. Ang ganda ng kanyang rason noh? Buhay niya yan eh. Paki ko ba?

"Sige na nga. Ano ba ang ibig mong sabihing napilit m-- Ano?!!" Napasigaw na rin ako dahil ngayon ko pa naisip ang ibig niyang sabihin. "Napilit mo na?!! "

"Oo!! Kaya next week, kailangang handa na ako!!!Omegesh Valenaaaaaa!!! "

"Ahhhh!!!--"

"Minimize your voice. "
Napahinto ako sa pagtili nang marinig ko ang malalim na boses na yun. Napindot ko tuloy ang end call ng cellphone ko. Lumingon ako sa aking likuran. ^o^ Napasinghap ako bigla.

"Babylabs?! Waaahhhh!! Na-miss kita ng sobrang bongga eh!!! " Dali-dali akong lumipat doon sa table niya tsaka umupo agad. Hinawakan ko yung pisngi niya.

"Ikaw na ba talaga 'to?! Bakit bigla ka nalang umalis kanina? Ha? Ha? "
Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hinawakan niya bigla yung kamay ko tsaka hinila ito pababa. Ayieeeee... Kinikilig eke! Pero tinago ko nalang 'to sa pinakalalim na parte ng katawan ko. Napakalalim. Gets niyo?

"It's none of your business. "

"May lugar ba na ganyan dito? Ha? Babylabs? Saan ba yan dito matatagpuan? "Curious kong tanong sa kanya.

"Tsk. " Aray. Ganyan nalang ba siya palagi sasagot?

"Vali! Bakit kaba napunta diyan. Dito yung mesa natin kanina ah. " Lumingon ako kay Nadi. Tapos na pala siyang mag order.

"Halika! Dito nalang tayo. Nandito si babylabs eh. " Anyaya ko nalang sa kanya. Sasabay nalang kami kay babylabs kumain.

"Okay. "Napakibit balikat nalang si Nadi tsaka nagtungo na rin dito sa kabilang table. At nagsimula narin kaming kumain. Nanatili lang kaming tahimik habang kumain hanggang matapos.

Pagkatapos naming kumain ay nag kanya-kanya na rin kami ng pupuntahan. Wala paring imik si babylabs as usual.

*Kriiinnggg! Krrinngggg!*

Tumunog na rin yung bell hudyat na magsisimula na ang klase sa hapon. Tumayo narin ako. Nandito ako ngayon sa lilim ng kahoy nagbabasa ng libro.
Kahit tamad akong makinig sa klase ay hindi ibig sabihin non, tamad narin akong magbasa. BOOK LOVER ang Valentina niyo! Sadyang ayoko lang talaga makinig sa klase. So boring. Mag a-advance study lang ako gabi-gabi kaya okay na kung hindi ako makinig tuwing umaga.

P. E pala namin ngayon. Dali-dali narin akong pumunta sa locker ko para kumuha ng P.E uniform ko.

Hindi ko inaasahang magkatagpo ang landas namin ni--

"Babylaaabbsss!!" Tinawag ko siya kaya tumingala siya bigla tsaka parang iritang irita siya base sa nakikita ko sa mukha niya.

"Tsk. Can you please stop calling me like that?! " Annoyed na annoyed yung expression ng mukha niya. Ahehhehe.

"Bakit ba, BABYLABS?" Mas inaasar ko pa siya lalo. Heheheheh.

"Try to open your mouth or you're done." Banta niya kaya napatikom bigla yung bibig ko. Nagpatuloy narin siya sa paglalakad.

Teka, ngayon lang ako sinusungitan nun ah.

May PMS yata.

⚫⚫⚫

Don't forget to VOTE and share you thoughts on the COMMENT section~

VALENTINA: My Sassy GirlWhere stories live. Discover now