SASSY 9

24 2 0
                                    

SASSY NINE

"So, what do you mean by the word Biology?" Tanong agad ng guro sa amin. Ayan na naman siya eh. Tanong nang tanong pa sa amin kung anong ibig sabihin ng ganito't ganyan. Eh siya 'yung guro at mag-aaral kami. Dapat kami 'yung magtanong.

Hehehe...

Itinaas ko ang kamay ko. "Yes, Miss Vasquez." Hmp! Akala niya siguro sasagutin ko 'yung tanong niya. Asa siya. Hmmm...tinitigan ko 'yung mukha niya,lalong lalo na ang mata niya. Mukhang atat na atat talaga siyang maibigay ko sa kanya ang sagot sa tanong niya. " What's your answer?"

My eyes roamed around and then...there! Sinadya kong ikinamot ang aking kamay sa ulo ko.

"Ahmm...Miss Jane, hi-hindi ko po kasi alam 'yung sagot eh. May I ask for help? Ano po ba kasi ang sagot ng tanong mo?" I gave her my sweet smile then.

"Then why are you raising your hand if you don't know the answer?" Patay! Magalit ka pa Miss. Hehe. Narinig ko agad ang mga tawanan ng mga kaklase ko.

"Nakalimutan ko po kasi 'yung sagot pagtayo ko Miss eh. Pero..."binagalan ko pa 'yung sasabihin ko.
"Si babylabs po! Alam po niya ang sagot!" Itinuro ko agad ang pwesto ni Van.

"Valentinaaa--" banta sakin ni Miss Jane.

"Este, si Van po!" Ngiti ko pang sagot tsaka nilingon si-- patay! Asar na asar yung mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Valentina! There's no time for jokes here! What's with your (quote and quote) "babylabs?" Nabaling yung tingin ko kay Miss Jane.

"Ahmm~" Napahinto ako tsaka napatakip sa mukha. Agad akong napagitlag dahil sa tunog na naganap doon sa pwesto ni--

"I told you last time that you must stop calling me like that, right?" Napatayo na siya sa upuan niya.

"Ah, eh~"

"You two! Miss Vasquez and Mr. Houston! Go to the detention room! Now!" Naku naku naku! Babylabs naman eh!

"Seems like this is the first time for Dwight, huh?"

"Woah! Bro kalma lang~"

Pagkumbinse ng mga kaibigan ni Van. He just gave them a deathly glare.

"Hahahaha! Babylabs! Babylabs! Haha~" napahinto naman sa pag kantyaw ang isang kasama nilang nang-aasar nang dahan-dahan siyang pinatay ni Van. Sinipa tapos ginulpi tapos sinuntok tapos ni-right kick, left kick, side kick tapos right click! Este! Pwe pwe!

Ayun! Namatay si Jake. 'di joke lang! Kayo naman, pinatay lang siya ng nakamamatay na tingin ni babylabs. HEHE!

"AGAIN, NOW! WHAT ARE YOU WAITING FOR?!"

Love me like you do
Lala love me like you do
Touch me like you do
Tata touch me like you dooooh
What are you waiting for?

"HAHAHAHA!"

HAHAHA! Dinugtungan pa talaga ng mga kaklase ko ang sinigaw ni Miss Jane.

"SILENCE!" Ito naman si Miss Jane. Ang sarap ipalipat doon sa mga studyanteng puro mga bingi eh. Ang hilig sumigaw! Akala mo naman kung gaano kaganda ng boses.

Tiningnan ko muna ang dalawang kaibigan ko. Si Nadi na napailing lamang habang si Akee na may malaking ngiti sa mukha. Nasasanay na kasi 'yan sa akin doon paman sa amin.
"Babye~" Sabi ko sa kanilang dalawa saka binalingan si Van.

"Halika na babylabs. Pagkakataon na nating dalawa 'to eh, tayo nalang. Hehehe!" Pang-asar ko pa sa kanya tsaka kumaripas ng takbo palabas. Narinig ko pang puro nagsitawanan ang mga nasa loob pero ngunit hindi 'yon nagtagal dahil bigla agad silang tumahimik. Ewan kung bakit.

*bogsh!*

Bigla akong napatayo sa aking inupuan dito sa loob ng detention room nang biglang bumukas ang pintuan nito. Ang bastos naman ng kung sino man ito. Kita nang may tao dito tapos ang lakas pa kung buksan ang pinto---

"Babylabs?" Imbes na matuwa ako dahil kanina pa ako naghihintay dito ay laking gulat ko nang dali-dali siyang lumapit sa kinaroroonan ko at tinulak ng marahas hanggang sa napasandal na ako sa may pader.

Lumapit siya sa akin hanggang sa isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya at ng akin.

Ayoko nito.. Parang iba 'yung nararamdaman ko ngayon. Parang...

"Natatae ako!"

Bigla siyang napaatras tsaka yumuko sabay pasok ng mga kamay niya sa... BULSA niya. Akala niyo naman kung saan, noh?

Ang sama ng tingin niya sa akin. Inayos ko naman 'yung sarili ko at huminga ng malalim.

1...2....3!

"Look what you did, you little jerk?! You're such an annoying creature, you know?!--"

"I don't know~" Hehehe! I interrupted him.

"And you have the guts to interrupt while I'm talking, huh?!"

"Yes, I have~" Pakanta ko paring sagot sa kanya.

"Because of you, I happened to be here instead of staying there for our discussion!"

Napahinto ako tsaka napatingin sa kanya. Napatingin ako sa sahig tsaka tumingin ulit sa kanya na nanlisik parin ang mga mata.

"I'm sorry...Van." Yumuko ako habang sinabi ko 'yon. Ngayon lang ako nasigawan ng malapitan ng ibang tao. May nararamdaman akong mainit na umagos sa pisngi ko. Pinunasan ko naman iyon at hindi nalang umimik pa. Baka masigawan ulit ako eh.

Napansin kong tahimik lamang ang natanggap ko kaya tiningnan ko siya. Nakatitig lamang siya sa...akin nga ba?
May dumi ba ang mukha ko? Iyong mata ko? Iyong ilong ko? Grabe naman kung ganoon.

Nakokonsensiya ako sa ginawa ko kanina. Ganyan niya pala kamahal ang pag- aaral. Ah! Oo nga pala! "Para pala 'yun sa future natin babylabs! Hehehe. Hindi mo naman agad sinabi sa akin eh," natatawa kong sabi sa kanya habang pinalo ng mahina 'yung braso niya.

Hoy Valentina! Sumusobra na 'yung imahinasyon mo ah! May pa future-future ka pang nalalaman diyan. Eeww!

Tumigil ka nga diyan. Kinukulit ko lang 'to noh.

Bumalik na naman ang pagiging poker-face niya. Umupo siya sa isang upuan dito sa loob. He crossed his arms and closed his eyes.

Napatitig ako sa mukha niya. Hindi maitangging gwapo talaga siya. Yung pisngi niyang pumupula parin dahil sa galit niya sa akin kanina pero kasing-kinis ng mukha ko. Yung mata niyang may mahabang mga pilik gaya ko...yung ilong niyang kasing-tangos ng ilong ko, yung labi niyang... Stop! Ayoko na! Ayoko na!

Ipinilig ko nalang ang ulo ko tsaka bumalik nalang sa inupuan ko kanina.

Narinig kong napabuga ng hangin ang kasama ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay ka lang babylabs?" Tanong ko sa kanya. Nilapitan ko siya tsaka hinawakan sa magkabilang balikat. Napansin kong tiningnan niya yung mga kamay kong nakahawak sa kanya pero binalewala ko nalang 'iyon.

"Tsk." Wow! Ang ganda ng sagot niya. EXCELLENT.

Maya-maya ay narinig na naming tumunog na ang bell hudyat na lunch na.

*grrr*
Naku po. Nagrereklamo na talaga yung mga bulate ko. HUHU.

Biglang bumukas ang pintuan at nag- anunsiyo ang isang babaeng may malaking salamin sa mukha na maaari na mkaming lumabas.

"SA WAKAS!" Masigla kong sabi at binalingan si Van na nakapikit parin. Hmm? Wala ba siyang planong mananghalian? Bahala ka dyan.

Agad na akong tumayo at akmang lalabas na nang...

"Sorry~"

Bigla akong napahinto nang may narinig ako ng hindi naman gaano kalakas. Lumingon ako sa kanya pero...natutulog parin naman siya. Tama ba yung narinig ko o guni-guni ko lang siguro 'yon?

Gutom ka na talaga Valentina.

VALENTINA: My Sassy GirlWhere stories live. Discover now