SASSY 1

73 7 0
                                    

SASSY ONE

Andyan na! Andyan na talaga ako!

Paulit-ulit kong sabi sa aking isipan habang naglalakad-takbo papalapit sa paaralan na ngayon ay aking papasukan.

Napasulyap ako sa aking black wrist watch. My gosh! 45 minutes nalang bago magsisimula ang first subject ko. Hindi ko pa naman kabisado ang paaralang ito. Of course, bago pa sa akin ang lahat ng parte ng school na ito.

Hayst! Bakit ba hindi ako ginising ng alarm clock kong bago ko pang binili kahapon! Peke siguro 'yon! Lagot sakin ang matandang nagtitinda ng alarm clock na iyon, affordable and quality pa ang nakalagay sa box pagtingin ko kahapon. Tapos ngayon, 'yun pa ang naging dahilan kung bakit ako ngayon nahuli sa klase. Hay naku! Pektusan ko talaga ang matandang yun.

Pero joke lang. Akala niyo naman siguro noh. Nakakaawa naman 'yung matanda kung gagawin ko pa 'yun noh.

Napatingala ako sandali sa malaking naka burda na nasa itaas na banda ng gate.

"Welcome To Columban High Academy"

"Wowww!" Hindi ko maiwasang mamangha sa design na nakapalibot ng mga letra.

Ay, teka lang muna. Magpakilala muna ako habang hinahabol ko pa ang aking hininga. Syempre, nakakahingal kaya.

Valentina Costa Vasquez is here, a lady with a cute face aaminin ko syempre, having a long dark reddish-color hair hanggang baywang ang kahabaan opkurs! I'm proud of it ever since. Sabi ni mama sa akin ay uniqueness ko daw ang magkaroon ng ganitong kulay na buhok.

A fourth year highschool student at kakatransfer ko lang dito sa bago kong paaralan. Mamaya na kayo magtanong kung bakit ako napalipat dito.

Oh, ayan. Tapos na akong mag fill -up ng bio-data este magpakilala. Anong akala niyo sa akin? Basta basta nalang papasok sa isang kwento nang hindi niyo kilala? Ano ako, imbisibol karakter? Opkursnat! Flipping my dark reddish color hair...

"Awww,"  napalingon ako sa aking likuran dahil sa biglaang sigaw ng babaeng kapareho ko rin nang suot kong uniform at naka pony-tail ang buhok na ngayon ay napatakip sa kanyang mukha at napahagod sa kaniyang mata.

"Ay, sorry. Masyado lang talagang mahaba ang buhok ko," pinuri ko pa talaga ang buhok ko noh. Tsk... "Pasensiya talaga ha, hindi ko kasi napansing may tao pala sa likuran ko."

"Hindi, okay lang. Hindi ko rin naman kasi napansin na may tao rin pala sa harapan ko. Lumingon pa kasi ako sa likuran habang nagmamadali. Ayan tuloy," sagot niya.

"Ah, ganun ba? Hehe, pasensiya na rin", sagot ko sa kanya.

"Sige, mauna na ako. May meeting pa kasi kaming mga Students Council Officers. And oh, by the way. I'm Drizella Winsley. The SC Vice President. Just Ella for short. " Pakilala niya sabay abot ng kaniyang kamay.

"Ah,I'm Valentina Costa Vazquez. Nice to meet you Ella." Pakilala ko rin sa kanya sabay abot ko rin sa kanya ng aking kamay. Ang lambot ng kamay niya... pero mas malambot parin yung akin. "You're cute." Pero mas cute ako.

"Hahaha, ikaw talaga. Okay, see you around Valentine! Bye! " Paalam na niya sabay takbo palayo. [She also pronounced it as Valentayn]

Napasapo ako sa aking noo. Kakatapos nga lang naming mag-usap ngayon lang pero tinawag na nya akong Valentine. Anong akala niya ngayon, Febrary? Masyado naman siyang egzoyyted...

VALENTINA: My Sassy GirlWhere stories live. Discover now