SASSY 2

42 7 3
                                    

SASSY TWO

Maaga akong bumangon tsaka ginawa ang aking morning rituals. At hinanda ko na ang sarili ko para sa laban ko mamaya. Char! Kukulitin ko lang lolo niyo!

Pagdating ko sa paaralan ay sinalubong agad ako ng kaibigan ko.

"Yah! Bigla mo nalang akong iniwan kahapon! " Tampong bungad sakin ni Nadine, Nady, hays ano ba 'yan?

"Pasensiya na Nadina, may biglang emergency kasi sa bahay kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo ng maayos." Pagsisinungaling ko. Eh alangan namang sasabihin kong...

"Naku! Pasensiya na ha. Nagmamadali kasi ako kahapon dahil egzoyyyteeedd na akong malaman kung sino yong foging lalaki kahapon. " edi malalaman na niya ang tungkol kay babylabs. Ayoko nga! Baka agawin niya eh!

"Hays. Sige na nga. Ilang minuto narin nalang magsisimula na ang first subject ngayon." Pagsang-ayon nalang niya sa alibi ko. Ayaaaan... Maniwala lang rin naman pala eh. Ako kaya 'to. Si VALENTINA THE GREAT.
"And one more thing! I'm Nadia. Not Nadina! " Tumalikod narin siya. Hehheehe. Sorry.

*

Pagdating namin sa room ay hindi parin nagbabago ang paligid sa loob ng classroom. Maingay. May iba nagtatawanan kahit wala namang nakakatawa sa pinag-uusapan. May iba nagsasalita kahit hindi nakikinig yung kausap. Yung iba naman, natutulog, nagbabasa, nagmumukmok sa sulok. Hanggang sa dumating narin yung gurong excited na maging febrary. Tsk! Tinawag kasi akong VALENTINE EH!

"Okay good ---" Hindi natatapos ni Ms. Kim ang kanyang sinabi nang biglang bumukas ulit yong pinto tsaka iniluwa nito si Xian Lim este...

"Wahhh! Dwight babe! Tabi tayo! "

"Jusko! Hindi ako makapaniwalang kaklase ko siya."

"Van babylaaaaabbsss!" Hindi ko na inalintana pa ang mga masasamang tingin sa akin ng mga kaklase ko.
Teka, whut?! Magkaklase kami? What a DESTINY naman! Char!

"Tsk." Ayieeee! Kinikilig ako sa sagot niya. Gusto ko ang mga taong snob eh. Sanay na kaya ako.
Lumingon ako sa gilid ko, wala nang bakanteng upuan kundi ang nasa likuran ko nalang. Hmmm... dito ko nalang siya paupuin.

Tinatanong niyo ba kung bakit? Ewan ko nga eh. Basta ang alam ko lang ---

"Find your seat Mr. Houston." Napalingon ako sa harapan nang sabihin ito ni Ms. Kim.

"Ah, babylabs dito ka oh!" Hehehe. Enjoy na enjoy ako sa mukha ni Van ngayon. Lumingon pa siya sa mga kaklase kung naroon pa bang ibang upuan bukod dito. Hanggang lumingon siya pabalik sakin tsaka naka smirk na pumunta sa likuran ko.Ayan susunod naman pala eh. Pero infairness ha, ang tahimik niya. Lumingon ako sa kanya nag makaupo na siya.

"Hi babylabs!" Nakangiti kong bati sa kanya.

"Tsk. " Anubayan!
Anong dictionary ba gamit niya at mareport ko yun sa DSWD dahil tinuruan ng hindi magandang asal si Van Babylabs. Makapunta nga mamaya.

Hindi nagtagal ay tumunog na rin ang bell hudyat na recess na kaya niligpit ko na yung mga gamit tsaka tumingin nang nakangiti kay babylabs.

"Babylabs, sabay tayong mag recess?"anyaya ko sa kanya. I'm sure sasagot na naman to ng "tsk" na lintek na yan at tsaka mag walk-out kaya inunahan ko nalang siya. Dali kong kinuha ang bag niya tsaka hinila ko na siya palabas ng classroom.

"Nadia, mauna nako ha. Magkita nalang tayo mamaya." Nakangiti kong paalam kay Nadia na ngayon ay nakabusangot na dahil hindi ko na naman siya masasamahan.

"Che! Mag-isa na naman ako pero sabagay sanay na naman ako. So... Go! Suit yourself!" Nagtatampong sagot sa akin ni Nadia.

"Babawi ako, don't worry.Bye!" Dali-dali ko ring ikinabit ang braso ko kay babylabs tsaka kami lumabas. Nagpahila lang naman siya.

"Yah. Don't act as if we're close." Himala nagsalita rin siya maliban sa kanyang tsk-tsk na yan.

"Wag ka namang bad babylabs."Nakanguso kong kunwari sa kanya.

"Tsk, and stop calling me like that."

"Sus! Nagugustuhan mo naman eh! Ayieee." Inasar ko siya. Ahahaha.
Sinusundot ko siya sa tagiliran.

Sa wakas ay dumating na rin kami sa aming destination. Sa canteen lang mga kacutezz... Kayo naman.

"Wahhh! Andyan na si Baby Dwight! "

"Teka! Sino ba yang may malakas ang loob na nakisabay sa kanya?"

"Yah! Maganda pa ako diyan eh! "

Napalingon ako kay Van babylabs dahil sa mga narinig ko. "Tsk." Tanging yan lang ang sinabi niya.

Hahaha. Seems like he's not interested at all. Me either. I don't give a care to them. Hmp!

Nagsimula na siya mag-order. Napansin kong para lang sa isang tao yung in-order niya.

"Babylabs, ikaw lang ba yung kakain. Bakit para sa isang tao lang yung inorder mo? Hmmp!" Nagtatampo kong sabi sa kanya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay pinatuloy lang niya ang kanyang pag-order pagkatapos ay lumapit na siya sa isang mesang bakante na nasa gitna talaga ng canteen.

"Here, eat it all for you to shut up. "

Wahhhhh!

Kinilig ako sa sinabi niya. "Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Eh kasi naman.... Akala ko kasi siya lang ang kakain ng in-order niya kanina.

Hindi parin siya sumagot. "Ang bait mo talaga babylabs! Thank You! " Hehehe.

"Alam mo ba babylabs na dahil sa ginawa mo ngayon sa akin, mas lalo kitang nagustuhan eh! " Hahahahah. Tinitripan ko lang yan baka kasi mapanis nalang laway niya dahil sa kanyang hindi pagsasalita.

"Tsk. " sagot niya ng kanyang pinakamahabang sagot. Patuloy narin akong kumakain.

Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it (yeah)
There's an angel standing next to me
Reaching for my heart-

Tunog yun sa cellphone ni Van. Tinignan ko lang siya habang kinuha niya yun sa kanyang bulsa tsaka sinagot.

"Yeah?...When?... All of you?...Ok."

*toot toot*

Bigla nalang tumayo si Babylabs kaya tinignan ko siya.

"Wala ka bang balak kumain babylabs?" Tinanong ko siya.

"I need to go." Saka siya tumalikod at lumakad na palayo. Teka, sino ba yung kausap niya at bigla nalang siya umalis?Hmmm...teka!
Westlife na kanta 'yung ringtone niya ah! Waaahhh!! Fan ba siya ng westlife?! Pareho kami!!

"Bye, babylabs! Take care! " Sigaw ko sa kanya. Napangiti ako bigla, ewan ko ba bakit.

Binilisan ko nalang ang pagsubo ko saka nagligpit na rin para pumunta sa next subject.

Sino kaya 'yong kausap ni Van?

VALENTINA: My Sassy GirlWhere stories live. Discover now