PROLOGUE

74 8 0
                                    

PROLOGUE

VALENTINA COSTA VASQUEZ

Isa lang naman akong ordinaryong babae eh. As in...

ORDINARY.

Galing akong Mindanao. Pagadian City, PHILIPPINES! Charot charot. Kaya ang dialect ko ay Cebuano. Marunong din akong mag Tagalog at English noh. Nag tagalog na nga ako ngayon eh.

Lumipad ako este nagsakay ng airplane patungo dito sa Maynila upang dito magpatuloy sa pag-aaral. Actually, pagdating ko dito ay umupa lang ako ng isa sa mga apartment dito na magaan lang sa bulsa ko ang bayad. Malapit lang din siya sa papasukan ko na paaralan.

So! Siguro pag-usapan natin ang tungkol sa sarili ko bilang isang mag-aaral. Actually, hindi madali para sa akin ang bilang isang mag-aaral. 

More on Tagalog na rin tayo ngayon kasi nga, nasa Maynila tayo.


Sassy girl daw sabi nila! Eh ano bang mali kung palagi akong nangungulit at nakabuntot kay--

"Van babylabs! Hintayin mo naman ako oh. "

 Ano ba naman 'tong si babylabs palagi akong iniwan sa ere.

Eh hindi naman ako pangit eh! Cute nga ako sabi ng mama ko kaya bakit ba palagi niya akong ini-snob?

Hmmp!

"Tsk... "Ayan! Narinig niyo na?
Yan lang naman palaging sagot na natanggap ko galing sa kanya eh.

Ay! Dwight Van Houston my babylabs nga pala! Pinapakilala ko sa inyo. Huwag na kayong magbalak pang agawin siya, akin yan. Char'nt.

Ewan ko ba dyan! Palaging naka-poker face. Malapit na nga silang magkamukha ng pusa ko eh, pero siyempre mas gwapo pa rin yung babylabs ko noh!
Pag-untugin ko nga ang dalawang 'yan! Wait lang kayo sa update ko about sa kanila.

Hindi ko pa nga 'yan nakikitang nakangiti eh. Siguro, noong umulan ng kasungitan ay nasa pinaka gitna 'yan at sinalo lahat. Minsan nga naiisipan kong magkaroon din kahit kaunting kasungitan para susungitan ko rin tong si babylabs ko.

Ay! Huwag kayong advance ha, hindi ko boyprin yan. Sadyang nakuha lang talaga niya yung attention ko sa simula pa lang, kaya ayun!

BABYLABS?

ENDEARMENT slash PANG-IINIS ko lang sa kanya yan noh!

Sus! Kung nakikita niyo lang mukha niyan 'pag tinatawag ko siya ng---

"Babylaaaabsss!!"



Pero teka lang ha, may napapansin kasi ako sa sarili ko sa tinagal-tagal ko ring pagsasama kay Dwight Van.

Bakit ba kapag mapalapit ako sa kanya...

Parang iba yung nararamdaman ko?

Parang may kung anong naghahabulan sa loob ng tyan ko?

Parang biglang bibilis yung tibok ng puso ko?

Hindi kaya...

WAAAHHHH!

LORD HUWAG MO NAMAN AKONG BIGYAN NG SAKIT SA BATA KO PANG ITO!

17 YEARS OLD PA PO AKO!

BAKIT PO BA HINDI MO MUNA PINAPAALALA SA AKIN HABANG MAAGA PA NA MAY SAKIT PALANG NAKAKAHAWA NA DINARAMDAM SI DWIGHT VAN EH KUNG GANUN HINDI NALANG AKO SUMASAMA PA SA KANYA!

Pero teka...

Napakaimposible naman, kasi ni hindi ko nga siya narinig o nakitang umuubo at nanghihina eh kaya paano siya nagkaroon ng sakit?

Hindi kaya...

OH MY BABYLAAAAAABSSSSS!!!

⚫⚫⚫

Enjoy reading!
And oh!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! IT IS HIGHLY APPRECIATED!

VALENTINA: My Sassy GirlWhere stories live. Discover now