III. Like Any Great Love: Ang Kahulugan ng Kasunduan

Start from the beginning
                                    

Kumuyom ang mga kamao ko nang maalala ko ang huling tagpo bago ako mawalan ng malay. That stranger. Sino siya?

Natigilan ako sa pag-iisip nang bumalik ang lalaking nabungaran ko sa aking paggising. Sa pagkakataong ito ay may kasama siyang banyaga, na nakasuot ng puting roba.

"Hello soldier. It's nice to see you awake again after two years of being comatose." Sunod ay kinuha niya ang stethoscope at sinuri ako. Napaigtad naman ako nang maramdaman ko ang lamig ng stethoscope. Masiyadong totoo ang lahat ng ito. Parang hindi panaginip.

Makalipas ang ilang sandali ay nginitian ako ng doktor.

"Everything is great. You'll just be needing at least three months for recovery. Then, you and some of your fellow Filipino soldiers may come back to the Philippines."

Napahiyaw naman ang lalaking tumawag sa akin ng Francisco. Tinapik lang naman siya ng doktor sa balikat bago nagpaalam sa amin.

"Narinig mo ba 'yon, Francisco? Maaari na tayong makabalik ng Pilipinas! Nasasabik na akong makita ang aking ina at mga kapatid!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang masiyado nang matagal ang panaginip na ito. Bakit hindi pa rin ako nagigising?

"O? May problema ba kaibigan? May masakit ba sa iyo? Nais mo bang tawagin ko muli ang doktor?"

"Kurutin mo ako," utos ko sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Pagkaraan ay natawa siya.

"Bakit mo naman ako uutusang kurutin ka, Francisco? Ano 'yang pumasok sa utak mo?"

Dahil ayaw niyang gawin ay ako ang gumawa. Kinurot ko ang aking braso at napaigtad ako sa sakit. Sunod ay sinampal-sampal ko ang aking mga pisngi.

"Hoy Francisco! Ano bang nangyayari sa iyo?! Bakit mo sinasaktan ang iyong sarili?"

Natigilan ako nang matapos gawin ang lahat ng 'yon sa aking sarili ay nandito pa rin ako sa lugar na ito. Bigla akong nakaramdam ng takot bago ko binalingan muli ng tingin ang lalaking ito.

Umayos ako ng upo mula sa pagkakahiga. Inalis ko ang mga nakakabit sa akin.

"Hala ka! Nayari na! Ano bang problema, Francisco?! Kakagising mo lang! Hindi ka pa malakas!" Pinigilan niya ako sa pagtayo pero hindi ako nagpatinag.

Nang maalis ko na ang mga nakakabit sa akin ay saka ako tumayo mula sa kamang kinauupuan ko. Pero hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko ay natumba na kaagad ako.

"Francisco!" At kaagad akong inakay ng lalaking iyon upang makatayo. Natutulala naman ako sa nangyayari. Hindi ako si Francisco. Pero bakit nasa katawan niya ako?

"Kumalma ka, Francisco. Alam kong nalilito ka pa sa mga nangyayari at handa ko namang ipaliwanag sa 'yo ang lahat." At saka niya ako muling inupo sa kama. "Kumalma ka. Tatawagin ko lang muli ang doktor upang masu---"

"Hindi ako si Francisco," madiin ang pagkakasabi ko no'n na ikinatigil naman ng lalaking nasa harapan ko.

Pinakatitigan niya ako ng ilang segundo bago siya natawa. He was laughing so hard that he almost lost his breath.

"Seryoso ako. Hindi ako si Francisco. At hindi kita kilala."

He simply shook his head from what I've said. He heaved a deep sigh before he sat at the vacant stool beside my bed. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko bago ako pinakatitigan ng mabuti.

"Mukhang malaki ang naging epekto sa iyo ng dalawang taong pagkakatulog. Nagugulumihanan ka pa sa mga nanyayari," he said before he gave me an assuring smile. "Naiintindihan kita, Francisco. 'Tulad mo ay masiyado rin akong nalito sa mga bagay-bagay matapos kong magising sa mahigit isang taong pagkakatulog dahil sa lala ng pinsalang natamo ko sa digmaan. Ngunit huwag kang mag-alala, kaibigan. Hinintay ko ang iyong paggising upang umalalay sa iyo. Para saan pa at naging matalik na kaibigan tayo ng isa't isa, hindi ba?"

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now