Chapter 18 part 2

Start from the beginning
                                    

Agad namang sinenyasan ni Francis ang waiter na ihanda na ang kanilang order.

“I think this is not about business right?” simula ni Francis ng makaupo na rin ang mag-asawa.

 

“Sweetheart, masyado ka namang nagmamadali ang mabuti pa kumain na muna tayo.” Saway ni Divina sa asawa.

“Yes, this is not about business. It’s about my daughter and your nephew.” Wala ng paligoy ligoy na tugon ni Alejandro.

Napasinghap si Divina mula sa kinauupuan. “Alam kong nagsumbong sa inyo si Jesica na kinausap ko sya.”

“What do you mean?” nagtatakang tanong ni Lourdes.

 

“Sinabihan ko si Jesica na hindi ko kayang tanggapin na ang nagugustuhan ng aming pamangkin ay may anak. I’m really sorry for that, I just want to protect Vincent and I hope you’ll understand me.” Pagpapaunawa ni Divina sa mga kaharap.

Hindi makapaniwala si Alejandro sa narinig, naaawa siya para sa anak. Wala siyang kaalam alam ay nilalait na pala ang pamilya niya.

“I’m sure there is another reason why don’t like my daughter. You don’t like her because of our family background.” Matapang na pahayag ni Lourdes.

“Hindi naman dahil doon, ang gusto lang naman sana naming mag-asawa ay mapabuti si Vincent sa babaeng pakakasalan niya at kung si Jesica talaga ang gusto niya ay hindi ako tumututol.” Malumanay na sabi ni Francis dahil kitang kita na niya na nagsisimula ng magalit si Lourdes.

“Wala naman kaming magagawa kung ayaw ninyo kay Jesica, ang gusto ko lang naman ay ang karapatan ng apo ko.” Hindi na napigilan ni Alejandro na banggitin na ang sadya niya.

“Alejandro! Nangako ka sa anak mo.” Muling paalala ni Lourdes dito. Nang marinig niya ang mga sinabi ni Divina ay parang gusto na niyang hwag ituloy ang plano nilang pagtatapat sa tunay na ama ni Venice.

Biglang kinabahan si Divina ng marinig ang sinabi ni Alejandro at lalo na ng makita niya ang reaksiyon ni Lourdes ngunit nanatili silang tahimik na mag-asawa. Hinihintay nila na muling magsalita si Alejandro.

Hindi pinansin ni Alejandro ang asawa. “Apo nyo rin si Venice at nasa inyo na ang desisyon kung paniniwalaan ninyo kami.” Seryoso itong nakatingin kay Francis.

Napatutop sa sariling bibig si Divina, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Alejandro.

 

“Totoo ba ito? I want to talk to Jesica, ang laki ng kasalanan ko sa kanya.” Nanghihinang sabi ni Divina.

 

“Kung ako lang ang masusunod ay hindi na namin kayo guguluhin tungkol sa bagay na ito, kahit si Jesica ay tutol sa desisyon ng kanyang ama. I just want to ask favor from you.” Tuwid na nakatingin si Lourdes kay Divina.

“Of course anything, siguro it’s proper to call you balae from now.” Masaya ng tugon ni Divina, walang pagdududa sa kanya tungkol sa sinabi ng mga ito at hindi na rin niya kailangan ang DNA test para lang mapatunayan kung totoo ngang anak ni Vincent si Venice.

 

“Nakikiusap ako na huwag na muna nating sabihin kay Vincent ang tungkol sa bata, sana irespeto natin ang desisyon ni Jesica. Let him discover the truth.” Pakiusap ni Lourdes.

 

“Bakit natin itatago kay Vincent ang tungkol sa bata?” naguguluhang tanong ni Francis.

“Masyadong masakit ang ginawa niya kay Jesica.” At nagsimulang nagkwento si Lourdes kung paano nagsimula ang lahat sa pagitan ni Jesica at Vincent.

Si Alejandro naman ay naluluha habang nakikinig sa sinasabi ng asawa, ngayon niya lang nalaman ang totoong nangyari sa anak. At habang tinititigan niya ang asawa ay may awing humaplos sa kanyang puso para dito dahil mag-isa niyang hinarap ang mga problema.

“Oh My God!” tanging nasabi ni Divina pagkatapos marinig ang buong kwento. “Tama lang ang naging desisyon ni Jesica, don’t worry balae hindi namin ipapaalam ito kay Vincent pero sana kapag dumating ang tamang panahon na malaman niya ang tungkol kay Venice ay matanggap ninyo siya para mabuo ang pamilya nila.” May himig pakiusap ang tinig ni Divina.  

Tumango na lamang si Lourdes. 

________________

A.N.

Pasensiya na ngayong lang ako nakapag UD.. masyado pong busy ngayon :)

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now